Chapter 4

78.8K 2.5K 19
                                    

Chapter 4

Summer's POV

Good morning,sunshine.
Papikit-pikit pa ang mata ko pero nakangiti akong finifeel ang umaga.Hindi pa ako nakaka-alis sa kama ng biglang nag-vibrate ang phone ko.

From: Jack

Sabay tayo.Nasa tapat ako ng bahay niyo.

Agad akong napatayo,muntik pa nga akong madulas dahil nadala ng paa ko ang kumot.
Sumilip ako ng bintana at natanaw ko si Jack na nakasandal sa harapan ng isang sasakyan.Nakatingala pa siya at nakapikit habang may nakakabit na earphones sa tenga niya.

To: Jack

Give me 15 minutes.

Agad siyang tumingin sa phone niya at napakunot ang noo kaya agad akong tumakbo sa banyo para maligo.Pagkatapos ay agad akong nagbihis ng uniform namin.

Plain lang ang uniform namin pero kahit plain ito ay masasabi kong maganda ito.Black,red and white na checkered ang skirt at pleated ito.Parang tennis skirt ang style niya.Nakatuck in naman ang whute na longsleeve na may black na necktie.

Gusto ko pa sana umaura at maglagay ng make-up pero agad na nagvibrate ang phone ko.

From: Jack

5 minutes.

Agad akong naglagay ng konting liptint at facepowder.Kinuha ko agad ang bag ko at tumakbo pababa.
"Bye,mom and dad."-sabi ko at kumaway sa kanila.

Nakasuot na rin ng uniform si Jack.Kahapon kasi ay naka-civilian siya.Required na magsuot ng black shoes na nay heels ang girls pero ang suot ni Jack ay ang combat boots niya.Naka-messy bun lang buhok niya at nakatupi ang sleeves ng pang-itaas niya.Suot niya din ang itim niyang leather Jacket.

"You're one minute late.Get in."
Agad ako napasinghap dahil sa sinabi niya kaya tumawa siya ng mahina at pumasok sa sasakyan niya.Jack is always like that dahil mainipin siya pero minsan pag gusto niya ay kahit mag-antay siya ng ilang oras ay gagawin niya.
"Is this lamborghini aventador?"-tanong ko pagpasok ng sasakyan niya.Ngumisi naman siya at tumango pa.

"Iniwan mo ako kahapon.Dapat ay sumabay na lang ako sayo."

"Ah kasi–"

"I asked Margaret,hindi naman daw kayo pinatawag ni coach."
Lumaki naman agad ang mata ko.Hindi dahil nabisto niya ako kundi dahil sinabi niya na kinausap niya ang isa sa team mate ko.Eh hindi naman niya iyon kilala.

"Wait,you know Margie?"
Ngumisi siya at agad na umiling.
"I stalked your facebook account.Then may one picture ka na kasama ang team mates mo.I clicked one name na naka-tag then I asked her.So ano na namang palusot mo?"

"Okay,I'm sorry.Nakita ko kasi kayo ni Keith and naisip ko na chance mo na para magkaroon ng bagong friendships."
Kumunot ang noo niya at tumingin uli sa daan.
"Not interested."

Lumakas agad ang tibok ng puso ko ng pinaandar niya ng mabilis ang sasakyan.Sanay naman akong mabilis siya magmaneho pero di niya ako ininform ngayon.Buti na lang at naka-seatbelt ako.Balak ata ako neto patayin eh.

Swabe niyang naipark ang kotse niya at agad na bumaba.Agad tuloy napatingin ang mga lalaki sa kanya at agad na tumabi ng dumaan sa harapan nila si Jack.Kilala si Ate Nike sa school kaya malamang ay may mga nakakakilala na din dito kay Jack.

"Sam,tulala ka na naman.Halika na."-bored na tawag niya kaya agad akong tumakbo at sinabayan siya maglakad.
"Oo na.Pero ang taray mamshie ah.Lahat ng boylet sa parking area nakatingin sayo kanina."-sabi ko at sinundot ang braso niya ngumiwi lang siya kaya hindi na ako nagsalita pa.

Pagdating ko sa room ay napangiwi ako ng makita na bakante ang upuan sa tabi ko.Hindi siguro siya makakapasok.Sayang at wala akong makakausap.
"Okay class,you have another new classmate.Please introduce yourself."
Pagpasok ng teacher namin ay yun agad ang sinabi niya.May nakasunod sa kanya na lalaki na ngumunguya pa ng chewing gum.
"Hunter Evan Gyo,sixteen.Nice to meet you."-bored na sabi niya at tumungo pa.

Infairness,may itsura siya.Maangas ang galaw niya at pinagtitinginan pa siya ng mga kaklase naming babae pero binalewela niya lang.Wait,I think I've seen him somewhere.Wait is that–oh no.

"Okay,please sit beside Miss Kim.We have a meeting kaya vacant kayo for 3 hours.Just behave yourselves."-ngumiti lang yung teacher at agad na naglakad paalis.

Tumabi na siya sakin.Kahit nakaupo na siya ay nakatingin pa rin ang ibang babae sa kanya.Ngumiti siya sa akin at kumindat pa pero hindi ko na siya pinansin at binaling ko ang tingin kay Jack na nakapalumbaba sa desk niya at board na nakatingin sa board kahit wala namang nakasulat doon.

Amethyst's POV

Masyadong mahaba ang oras na hindi magkaklase.Sana ay pinapasok na lang nila kami kung kailan magsisimula para hindi sayang sa oras.

"Sungit."
Hindi ko nalang pinansin ang katabi ko pero ilang beses pa niya akong kinulit kaya kahit nababagot ay tinignan ko siya.
"Shut your fcking mouth."-sabi ko at agad na tumayo upang pumunta sa rooftop.
Doon na lang muna ako matutulog.

Humanap akong pwesto na malilim at malinis.Nang makahanap ako ay agad ko humiga at nilagay ang dalawang braso ko sa ulo ko.

"Miss."
May narinig na naman akong boses.Iba ang boses na iyon pero hindi ko pa rin ito pinansin at nanatiling nakapikit.

"Miss."
Ilang beses pa niya ako tinawag at kinalabit kaya agad ako napadilat at napabangon tsaka siya hinarap.
"Ano bang kailangan mo?"-inis na sabi ko.

"Ah,kasi ano."
Napahawak pa siya sa batok niya kaya napataas ang isang kilay ko.Pamilyar ang mukha niya pero dahil inaantok ako ay wala ako sa mood para alalahanin ang mukha niya.
"Ikaw yung bago?"-tanong ko.Narecognize ko ang mukha niya kanina.

"Yup."-ngiting ngiti na sabi niya.
Tatayo na sana ako para umalis dahil naiistorbo niya ang tulog ko pero agad siyang may sinabi kaya napatigil ako.

----------x

Please vote and comment.Thank you,readers.

He's A Casanova,She's A Gangster [SLOWLY REVISING]Where stories live. Discover now