Chapter 9

66.4K 2.1K 167
                                    

Chapter 9

Keith's POV

"Miss Seo,Why are you leaving the class? I think its rude."

Pinakita ni Amethyst yung relo niya na parang sinasabing 'time na' at agad naglakad sa labas.Ang nga kaibigan niya naman na tumatawa ay patakbo siyang sinundan.

"Class dismissed."-sabi ng teacher at naiinis na nagwalk out.

Napangiti ako ng maalala ang ginawa ni Amethyst.Nakakadagdag ganda ang angas niya kaya lalo tuloy ako nagkakainteres sa kanya.Patakbo ako lumabas habang isinusuot ang bag ko at sinundan si Amethyst.

Pasakay na siya sa motor niya kaya agad ko siya hinawakan sa braso.
"Amethyst,date tayo."-nakangiting sabi ko pero tinignan niya lang ako na parang bagot na bagot.

"Ano ka?sinuswerte?"-tanong niya.

"Syempre,kaya nga lapitin ako ng mga babae eh."-nakangising sabi ko at nagkibit balikat.Napabuntong hininga siya at tumingin sa paligid bago tumingin sa akin.

"Ayon sa news kanina,may habagat daw na parating.I guess,nandito na siya."-sabi niya kaya agad napakunot ang noo ko.Sinasabi niya bang mayabang ako?Eh totoo naman ang sinabi ko.

"Date na kasi tayo."

"Bakit tayo ba?"-diretsong tanong niya at tinignan pa ako sa mata.Hindi ako nagpatalo dahil tinignan ko din siya.
"Hindi,pero liligawan kita.Hindi yun tanong kaya wala kang magagawa.You can't stop me."-sagot ko at nginitian siya.Sana ay maniwala ang babaeng ito sa sinabi ko.

"Talaga?Search mo sa google yung pake ko."-walang emosyon at sarkastikong sambit niya bago mabilis na pinaandar ang motor ko.

Agad ako napasinghap dahil sa ginawa niya.Masyado siyang maangas.Pero hindi ako magpapatalo dahil gagawin ko ang gusto ko.

"Aw,Paano ba yan pare?Akin na isang libo ko"-sabi ni Andrae habang tumatawa.Tinignan ko lang siya ng masama kaya nagtawanan sila.

"Wag mo kalimutan ang akin.-nakangising sabi ni Rain at inakabayan pa ako.

"Well I guess,I win."-nakangising sabi ni Hideo.

"You're all wrong.Nagsisimula pa lang ako."-sabi ko at nginisian din sila.

Summer's POV

"Uwi na ako."-sabi ni Jack at tinanguan kami.Agad naman kaming sumaludo sa kanya bago kami maghiwalay ng daan.

Balak ko sanang manood ng practice ni Hunter dahil kanina ay nagsign-up siya sa varsity kaso ay baka mabored lang ako dahil wala naman akong hilig sa panonood ng basketball.

Hahabol sana ako kay Jack kaso ay nakita ko siyang kausap si Keith na nakahawak pa sa braso nito.
"Ano ka?sinuswerte?"-tanong ni Jack na nakapoker-face pa rin.

"Syempre,kaya nga lapitin ako ng mga babae eh."-sagot ni Keith sabay kibit ng balikat.

"Ayon sa news kanina,may habagat daw na parating.I guess,nandito na siya."
Sa sinabi ni Jack ay agad na napakunot ang noo ni Keith.

"Date na kasi tayo."-pagpupumilit nito.
Aba at si Jack nga talaga ang target nitong lalaki na 'to.Tsk.
"Bakit tayo ba?"
Natawa agad ako ng marinig ang tanong ni Jack.

"Hindi,pero liligawan kita.Hindi yun tanong kaya wala kang magagawa.You can't stop me."
Siguro kung hindi lang siya babaero ay naniwala na ako sa sinasabi niya.Pero alam ko,isa lang yan sa sinasabi niya para makuha ang babaeng gusto niya.

"Talaga?Search mo sa google yung pake ko."-sabi nito at mabilis na pinaandar ang motor dahilan para mapasimangot si Keith.

Aalis na sana ako pero nakita ko na nagdatingan ang mga kaibigan niya ay may kung anong hinihingi sa kanya habang nagtatawanan.Nandoon din si Hideo na inaasar si Keith.

Sa condo ko ako umuwi at muntik na akong matumba ng nakita ko si Jack na nasa sofa at nakataas pa ang mga paa na kumakain ng chips.
"Oh Jack,nandito ka?"-tanong ko at agad siyang nguwi.
"Hindi,Sam.Picture ko lang 'to."

"Psh.Anong kailangan mo Jack?"

"Nothing."-sabi niya bago tumayo at binuksan yung mini fridge ko sa tabi ng kama ko.Kumuha siya ng bote ng tanduay ice at binuksan ito bago diretsong ininom.
"Nakita ko kayo."

"Ha?"-takang tanong niya.

"Nakita ko kayo ni Keith kanina.Inaaya ka pa niya magdate.Sayang,ateng."-kinikilig na sabi ko kaya napangiwi siya.

"Kinilig ka doon?Paano na si Gyo?"-tanong niya at ngumiti ng nakakaloko.
"Ayoko kay,Keith.Loyal ako kay Hunter."
Nakangiti ako pero sa loob ko ay medyo nasasaktan ako.Dahil si Jack ang gusto niya.

***flashback***

Nasa field kami ni Hunter habang kumakain ng sandwich.Enjoy na enjoy siya sa sandwich at tumitingin tingin pa sa akin.Ang wirdo.Tsk.

"Alam mo Sam,gumanda ka talaga."sabi niya habang nakangiti.Naramdaman ko naman na nag-init ang pisngi ko kaya napatingin ako ng diretso at tumawa ng mahina.
"Ishoot mo nalang yang pambobola mo mamaya."

"Hindi nga seryoso,ang daming nagbago sa inyo ni Jack,Parang dati lang lagi mong hawak mga libro mo ngayon makeup na."

"Tsk.Malamang,kailangan ko din minsan mag-ayos ng sarili.Aba hindi pwedeng forever ganon ang itsura ko.Paano sila magkakagusto sa akin?"-natatawang tanong ko at tumingin sa kanya.

"Alam mo,maganda ka naman kahit di ka gumamit ng kung ano-ano.Kung gusto ka talaga nila,hindi nila titignan ang panlabas mo."-sabi niya.Magsasalita pa lang ako nang bigla siyang magtanong.
"Kamusta nga pala ang leader natin?"

"Tulad ng sabi niya,no battles."
Tumango tango naman siya at ngumiti.
"Ah.Buti naman.Ayoko kasing nasasaktan siya kahit kaya niya na ang sarili niya."

"Teka,M-may gusto ka ba kay Jack?"-utal na tanong ko tumingin naman siya at agad na ngumiti.

"To be honest,meron.Pero hindi pwede eh.Remember the rules.Bawal magkagusto sa leader ng gang.But I do.Pero mas maganda kung itatago ko ang feelings ko kesa mapahamak siya."

***end of flashback***

"Umamin ka na kaya sa kanya?"-sabi ni Jack kaya lumaki ang mata ko.
"Ayoko nga."
Irereject lang ako nun kasi nga little sister lang turing niya sa akin.At baka mailang pa siya sa akin.

"Bahala ka."
Tumayo na si Jack at agad na umalis.Dahil sa sinabi niya ay buong gabi ko itong pinag-isipan.

-----x

Please vote and comment.Thank you.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
He's A Casanova,She's A Gangster [SLOWLY REVISING]Where stories live. Discover now