Chapter 3

90.1K 2.6K 23
                                    

Chapter 3

Sam's POV

Malayo pa lang ay kitang-kita ko na ang mukha ni Jack na walang emosyon pero dahil kilala ko siya,ay nakikita ko na nagsusungit siya dahil sa pagkabagot.

Ako ang pinaka-bestfriend ni Jack sa grupo namin.Kahit magkaiba kami ng ugali ay siya pa rin ang gusto ko maging bestfriend.Bata pa lang kami ay magkaibigan na kami.
Ngumiti ako bago ko siya imessage na kailangan ako ni coach.

Nagsinungaling ako pero dahil alam ko naman ang ginagawa ko ay hindi ko na ito inisip pa.

Habang naglalakad ako,ay nabangga ako nung tumatakbong lalaki dahilan para mahulog ang ilang folder na dala ko.Agad naman siyang lumapit at tinulungan ako.
"Sorry,miss."-natatarantang sabi niya.Pamilyar ang mukha niya dahil parang nakita ko na siya kung saan.

"It's okay--"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay agad siyang tumingin sa likod niya at hinila ako.Buti na lang at maayos na ang pagkabitbit ko sa nga dala ko dahil baka mahulog na naman ang mga ito.

Ilang beses kami umikot-ikot dahil parang nay humahabol sa kanya.Kahit naguguluhan ako ay sumunod na lamang ako sa kanya.Hinila niya pa ako sa elevator na mapupuno na.Oh no.
Buti na lang at gentleman siya dahil di niya ako hinayaan maipit sa gilid.Pagdating namin sa parking area.

"Sorry again,hinila kita kasi baka akalain nila girlfriend kita.At baka mapahamak ka pa."

"Who are they?"-tanong ko.
Napansin ko din kanina na may ilang babaeng humahabol sa kanya.Teka,artista ba siya?

"Ewan ko din.Yung isa minsan ko nang nakausap sa school pero yung kasama niya ay hindi.Bigla nalang niya sinabi na siya daw ang nawawalang girlfriend ko at binalak niya pa akong yakapin.Naalala ko pa na nagconfess siya sa akin sa school na crush niya daw ako."-naiinis na sabi niya kaya natawa ako.
Its good to know na gentleman siya dahil kung ibang lalaki yun ay baka nagtake advantage na sa babae na iyon.
"Sorry ulit sa panghihila sa'yo.At dahil don ay ako na ang bahala maghatid sayo."
Tumango naman ako dahil pauwi na din naman ako.Tsaka para di sayang sa pamasahe.

"Its okay,I understand.But wait,I think nakita na kita somewhere?"-tanong ko at agad na nag-isip.Alam ko schoolmate ko siya pero saan ko nga ba siya nakita?
"Classmate mo ako ngayong taon."-sabi niya at ngumiti.
Ah oo,siya yung nakaupo sa pangalawang row.

"Oh,I remember.Im Summer,Sam na lang."-sabi ko at iniabot at kamay ko.

"Hideo Zecariah.So friends?"sabi niya ng nakangiti at inabot ang kamay ko kaya nginitian ko siya.
"Friends."

Naalala ko na iniwanan ko nga pala si Jack sa bookstore.Nakita ko kasing kausap niya ang isa sa pinaka-sikat na lalaki sa school.Sikat siya sa pagiging gwapo at pagiging babaero sa school.Hindi sa pinapabayaan ko si Jack sa iba,dahil may tiwala ako sa kanya.

At isa pa,gusto kong makakilala siya ng bagong tao.Para magkaroon siya ng bagong mga kaibigan.Simula kasi ng nangyari sa kanya ay halos kami na lang at ang pamilya niya ang kinakausap niya.

"Hey,saan ka nga pala nakatira?"-tanong niya habang naglalakad kami papunta sa kotse niya.

"In my condo.Malapit lang din iyon."

"You were just a high school studenf and you have your own condo,bet you have a car too?"-tanong niya na nakaturo ang hintuturo sa akin na parang hinuhuli ako.Tumango ako kaya napapalakpak siya.
"Sabi ko na nga ba.Rich kid ka pala."
Umiling ako habang tumatawa kaya tumawa din siya.Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan niya kaya sumakay ako dito.Mukha naman siyang katiwa-tiwala.

"Actually,hindi ako mag-isa kanina.Im with my bestfriend Amethyst."
Lumaki naman ang mata niya na parang may nakakagulat sa sinabi ko.
"Wait,you are with Amethyst awhile ago?"

"Oo.Why?You know her?I mean,of course you know her since magkakaklase tayo but nag-usap na kayo?"
Nakakunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung ano bang nakakagulat na bestfriend ko si Amethyst.
"Yep.Im the one who helped her find our room.Ba't di mo siya kasama ngayon?"

"She's with Keith."-sagot ko at nginitian siya.
Kumunot naman ang noo niya na parang naguguluhan.Okay,he's getting weirder.
"She is with Zheil Keith Park?"

"Yes."
Napabuntong hininga naman siya at napahilamos sa mukha niya gamit ang isang palad niya.Bago siya nagsimula magmaneho,
"Well,may bagong target na naman siya."-pabulong na sabi niya.Narinig ko iyon kaya agad akong nagtanong sa kanya,
"What do you mean?"

"Wait,you don't know him?I mean,hindi mo ba alam ang ugali niya na alam ng buong school?"-sabi niya at lumingon sandali sa akin bago ibinalik ang tingin sa daan.

"Alam ko yun.But I know Jack.Hindi naman siya agad nakikipag-kaibigan sa iba.At saka bago siya makipag-kaibigan ay inaalam niya ang pakay nito sa kanya.Keith is too conceited,akala niya ay lahat ng babae makukuha niya but not Jack."-sabi ko at ngumiti.

"You trust her too much?"-tanong niya kaya nakangiti akong tumango-tango.
Pero kahit may tiwala ako sa kanya ay gusto ko pa rin siyang balaan.Ayokong makita siyang umiyak uli.

"Will you believe me pag sinabi ko sayo na tropa ko si Keith?Im not like him but yeah isa siya sa pinakamatalik ko na kaibigan."
Napaawang naman ang bibig ko dahil sa narinig.Parehas silang may itsura at parehas din silang gentleman pero ang itsura ni Hideo ay hindi mukhang naglalaro ng puso ng mga babae.

"Well yeah.I mean posible naman sa inyong dalawa na maging magkaibigan but are you like him?"
Ngumiti siya at umiling-iling.
"Im not like him.Kung gaano siya kainteresado sa mga babae ay kabaligtaran niya ako."
Napaisip ako saglit at hinawakan ang bibig ko.

"Wait are you gay?"-pasigaw na tanong ko kaya napa-preno siya.Buti na lang at wala masyadong sasakyan na dumadaan dito.
Kumunot ang noo niya at hinarap ako.
"Pwede bang wag ka sumigaw?And no,Im not gay.Do you want me to prove it to you?"-tanong niya at inilapit pa ang mukha sa akin pero nginiwian ko lang siya.It doesn't affect me cause my heart flutters for only one person.

"Okay,okay.Can you chill,buddy?"
Nagsimula na siyang magmaneho habang nakangisi pa kaya napairap na lamang ako.

"Dito na ang condo ko."
Tinuro ko ang building na malapit na namin marating.Tumango naman siya at agad na pinark ang sasakyan sa gilid.Lumabas din siya at pinagbuksan ako ng pinto.

"Thank you,Hideo."

------------x
(Summer is on the media)

Please vote and comment.Thank you,readers.

He's A Casanova,She's A Gangster [SLOWLY REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon