Chapter 10

64.6K 2K 37
                                    

Chapter 10

Hunter's POV

Nagpunta ako ng gym dahil sa practice.Habang abala ako sa pag-aayos ng locker ko ay agad na nagdatingan ang team mates ko.Napakunot ang noo ko dahil ang iingay nila.

"Akin na kasi yung isang libo ko."-pamimilit ni Andrae kay Keith na nakabusangot ang mukha.Ano kaya ang meron diyan?
"Oo mamaya."

"Oh pare.Di ka ata nakasama ng practice kahapon?"-tanong ni Rain sa akin habang nagpupunas pa ng pawis.
"Ah,oo may laban kami kahapon sa racing eh."-sagot ko kaya tumango-tango siya.

"Bakit ba kasi hindi umepekto ang mga sinabi ko at ang charms ko?"-mahinang tanong ni Keith na nakatulala pa sa locker niya.Inakbayan naman siya ni Rain na nakangiti pa ng nakakaloko.
"Kasi naman pare,ba't mo ba yun pinopormahan?"

"Wala.Interesado lang ako kay Amethyst."
Agad akong napalingon ng marinig ko ang pangalan ng leader namin.Interesado siya kay Jack?
"Iba siya sa mga babae na nakadate ko,pre.Masyado siyang maangas.Parang hindi nga tumatalab ang charms ko dahil parang wala siyang pakialam."
Agad na nagtinginan ang mga kaibigan niya at nagtatakang tinignan siya.

Kunot noo akong lumabas ng locker room habang iniisip ang pinagusapan nila.Interesado ang Keith na 'yon kay Jack pero mukhang binabaliwala siya nito.Sabagay,hindi tipo ni Jack ang mga lalaki na makulit at pacute.Minsan na siyang nagkagusto sa ganoong lalaki.

Amethyst's POV

Pagdating ko ng school gamit ang motor ko ay pinagtitinginan agad nila ako.Ano bang meron sa akin at ganyan sila makatingin?
Napatingin ako sa bulletin board dahil nagkukumpulan ang mga estudyante.Ayokong makisiksik sa kanila kaya pinili ko na lang na dumiretso pero agad akong napatingin uli ng may tumawag sa pangalan ko.

"Jack,hey."-sigaw ni Sam na patakbo pang umalis sa bulletin board para makalapit sa akin.Tinignan ko lang siya at hinintay ang sasabihin niya.

"Theres a performance na magaganap and kailangan lahat sumali.Either solo or pipili ka ng partner mo.Tapos–"
Magsasalita pa sana siya ay pinatigil ko na.
"Whatever.Wala akong pake."-bored na sabi ko kaya tumango na lamang siya at napabuntong hininga bago sumunod sa akin.

"Good morning,Mam.Sorry we're late."-nahihiyang sabi ni Sam at nagbow pa.
"Okay,please take a sit."

"So class,I know you're all aware of the talent performance,right?All of you are required to join."

"Mam,what if,hindi sumali?"-tanong kaklase namin na sinang-ayunan ng iba.

"Well,he or she will get a 70 sa grade niya whether he or she likes it or not."
Agad na napatingin sa akin si Sam na parang nagtatanong pero tinanguan ko siya.
"I guess,I dont have a choice.Ayokong makakuha ng low grades.It's not cool."-sabi ko kaya napangiti siya.

"I will give you three days for time to think about it.Bibigyan ko din kayo ng criteria para sa performance niyo.Thats it,class dismissed."

Pagkatapos mag-announce ni Mam ay umalis na siya dahilan para umingay ang classroom.Ang iba ay nag-uusap na ng gagawin nila at ang iba ay naghahanap ng partner.

May talent naman ako pero ayoko talaga sa mga ganito.Napag-isipan ni Sam na tutugtog siya ng violin at si Hunter naman ay kakanta kasama ang isang team nate niya na tutogtog ng bass.

Three days ang ibinigay sa amin para magpractice.Three days din kaming papasom na nagpapractice lang buong araw.
"Anong gagawin mo Jack?"-tanong ni Sam.

"I don't know."-sagot ko at nagkibit balikat.

"Dapat alam mo,remember the–"

"Oo na.Huwag ka mag-alala kaya ko ang sarili ko."
Napabuntong hininga siya at tinanguan ako.

Sinimulan niya ng ilabas ang violin at isang folder.Nilagay niya na ito sa balikat niya at nagsimula ng tumugtog.Kung hindi ako nagkakamali ay isa sa mga kanta ni Christina Perri ang tinutugtog niya.
Si Hunter naman ay pinuntahan ang kapartner niya para din magpractice.

2nd day na ng practice,as usual nasa music room ulit kami.Si Sam ay nagpapractice pa rin pero heto ako at nakapalumbabang naglalaro ng chess mag-isa.Naramdaman ko ang gutom kaya agad akong tumayo.
"Bibili lang ako ng pagkain."
Tumango naman siya na hindi man lang lumingon sa akin.Nakakunot ang noo niya na palipat-lipat ng tingin sa papel at sa violin niya.

Kanina niya pa ako pinagsasabihan na magpractice pero kung ano-ano lang ang ginagawa ko.
"Isang lasagna,Isang chicken sandwich at dalawang bote ng tubig."sabi ko sabay bigay ng 200 pesos.

Habang naglalakad ako ay agad akong napatigil nang may marinig akong kumakanta.

"Got my head spinnin, No kidding..I can't pin you down..What's goin on on that beautiful mind–"

Agad lumaki ang mata ko.Nakita ba nila ako?Sumilip ako at hindi man lang nila napansin dahil busy sila sa mga ginagawa nila.Salamin ang bintana kaya kitang-kita ko sila.
"Pre,ayoko na niyan.Ang lungkot.'Hurricane' nalang ng 'The Vamps'"-sigaw ni Keith.

"Ge."-sabi nung Andrae ata yun.
Siya ang nagigitara at yung Rain naman ay tahimik na nagpappractice ng piano sa sulok.Hindi na ako nagtagal at naglakad na pabalik.

"Ang tagal mo."-sabi ni Sam at nagtatakang tumingin sa akin.Nagkibit-balikat naman ako.
"May nakita kasi akong lalaki na may dalang ilang rabbit."-palusot ko.

"Ha?Dapat pala sumama ako."-nakanguso niyang sabi.Nilapag ko na ang pagkain niya na agad naman niyang nilantakan.Tsk.

"Thanks.Gutom na rin kasi ako."-sabi niya na ngiting-ngiti pa.Pero agad nawala ang ngiti niya nang,
"Bayad mo.Di kasi yan libre."-sabi ko at nilahad ang palad ko.Ngumiwi siya pero agad ding kumuha ng pera at ibinigay sa akin.

---------x

Please vote and comment.Thank you.

He's A Casanova,She's A Gangster [SLOWLY REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon