Chapter 20

45.3K 1.4K 42
                                    

Chapter 20

Someone's POV

"Kamusta na siya?" seryosong sabi niya habang nagsasalin ng alak.

"She's fine. She's still like that.Pero ngumingiti na siya."

"I miss her so much. Marami akong dapat ipaliwanag sa kanya. I know she's strong but still protect her."
Ngumiti naman ako at tinanguan siya.

Amethyst's POV

Ilang days na yung nakalipas at walo pa lamang ang naisusulat ko. Samantalang siya ay sampu na. Sa tingin ko kahit papaano ay medyo naging malapit kami.

"Lagi nalang tayong sa mall nagdedate."
Agad siyang napasigaw nang pitikin ko ang noo niya. Kahit kailan talaga ay napakadaldal niya.
"Joke lang. Gusto mo sa park nalang tayo?" tanong niya.

"Tss.Tara."
Pagpunta namin doon ay nilibre niya ako ng fishball,kwek-kwek at gulaman.
Tapos umupo kami doon sa isang bench sa tabi ng tindahan.

"Amethyst don't hate streetfoods." sabi niya habang nagtatype sa cellphone niya.
Napailing naman ako at nagtype rin sa ipod ko.

"Amethyst?!"
Agad akong napalingon nang may tumawag sa likod ko.
"Hideo?" sambit ko at nginitian siya.
Napansin ko din na may kasama siyang babae na mukhang manika.

"Long time no see,Miss Seo.Pwede ba kaming makishare?"

"Sure."
Pag-upo nila ay nakita ko ang reaksyon ng mukha ni Keith.Mukha siyang naiirita na hindi maintindihan.

"So are you two dating?" tanong nito.
Agad na kumunot ang noo ko.Ano bang tinatanong niya?

"No."

"Yes."

Sabay kaming sumagot kaya napatingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo. Umiwas naman siya nang tingin dahilan para tumawa ng mahina si Hideo.

"By the way,Amethyst.This is Irene." pakilala niya sa kasama. Ngumiti naman ito at tumango pa.
"Annyeong." sabi niya ng nakangiti.

"Korean?"tanong ko.

"Nah sorry.Nag-aaral kasi ako ng korean.Nadala lang.Hehe." sabi niya at nagpeace sign pa.

"Hi Irene. I'm Keith." pakilala ni Keith na abot tenga ang ngiti.
"Hmm.Hi." pakilala naman ni Irene na parang nagpapacute.

"Siya yung partner mo?"tanong ko kay Hideo. Ngumiti naman siya at tumango.
"Wait.Gusto niyo ng milkshake?My treat." tanong niya.

"Sure." sabay naming sagot ni Irene. Tumingin pa ito sa akin at tumawa ng mahina.

"Okay."

"Sama ako." sabi ko at tumayo na para sundan siya.

Hideo's POV

Ang ganda niya talaga. Simple lang naman siya pumorma at hindi gaanong girly. Medyo boyish siya manamit pero bagay naman sa kanya.

"Sama ako."
Napatingin naman ako kay Keith na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatingin kay Amethyst. Teka, may gusto ba siya kay Amethyst?

"So how are you?"tanong ko. Ngumiti naman siya at tumingin sa akin.
"Im fine.Ikaw?"

"Ganon pa rin.Teka, nung una tayong nagkita sinusungitan mo ko. Tapos ngayon nangiti ka na?"

"Wala lang. Baka wala ako sa mood noong araw na 'yon."
Bumili kami ng apat na milkshake. Pagdating namin doon ay nakita naming kiniss ni Irene sa cheeks si Keith. Haynako.

"Oh."
Nilapag ni Amethyst ang nga milkshakes kaya napangiti si Irene.
"Thanks eonnie."

"Si Hideo ang bumili niyan." sabi niya naman at tinuro pa ako kaya ngumiti ako.

He's A Casanova,She's A Gangster [SLOWLY REVISING]Where stories live. Discover now