Chapter 18

46.2K 1.5K 7
                                    

Chapter 18

Amethyst's POV

Habang kumakain kami ng ice cream ay biglang nagsalita si Rena.
"I missed you all."-nakangiting sambit niya at tinignan pa kami isa-isa.

"We missed you too,Rena."-sagot ni Sam at ngumiti rin.

"Are you and Evan dating?"-tanong niya kaya biglang napaubo si Sam at napayuko.
"Ah hi-"
Magsasalita na sana siya pero pinutol ni Hunter ang sasabihin niya.Sumulyap pa ito ng mabilis sa akin at nagsalita.

"Kami na.Kanina lang."-sagot niya bago lumingon kay Sam at ngumiti.Ngumiti rin ito sa kanya.

"Aw that's sweet.By the way,Jack,may boyfriend ka na ba?"-tanong niya at ngumiti pa ng nakakaloko.Hindi pa ako nakakasagot eh nagsalita na si Sam.
"Pinopormahan yan ni Keith eh."

"Really?So naka--"

"Hindi ako nun pinopormahan."-mabilis na sagot ko habang nilalaro ang singsing ko.Tumango naman siya at lumingon kay Hayato.

"Ikaw,Hayato?"

"Kakarating ko lang din galing sa States.Im fine."-sagot niya at ngumiti.Ngumiti ulit si Rena at tumango tango.

Pagkatapos namin kumain ay inaya ko sila sa isang kilalang shop ng donut.Nagtataka naman silang tumingin sa akin.
"Jack.Kakakain lang natin ah?Gutom ka na naman?"-tanong ni Hunter na nakakunot pa ang noo.Umirap naman ako at binuksan ang pinto.
"Iuuwi ko 'yon.Tch."

Pagpasok ko ay agad ako umorder ako ng dalawang buy one take one na box.Yung dalawa kasi akin lang.Palabas palang ako ay nasalubong ko na si Keith na may kaakbay na babae.Tch.Hindi ko siya nilingon at diretsong naglakad na lang.
"Amethyst!"

Narinig ko ang tawag niya kaya tumigil ako ng hindi humaharap sa kanya.
"Ano kasi eh.Hindi ko-Aish.I will expla-"
Nauutal pa siya kaya kunot noo ko siyang nilingon.
"Ano bang sinasabi mo?Explain?Ang alin?Tch."

"Nakita ko si Keith eh.Nasalubong mo ba?"-tanong ni Hunter pagkalabas ko ng shop.

"Di eh."

Kahit kita ako sa loob ng shop ay hindi nila ako nakita dahil kung ano ano pa ang binili nila sa mga stalls.
"Tara sa condo."-sabi ko.

"Himala.Inimbitahan mo kami sa condo mo ah."-nagtataka pero nakangiting sambit ni Hunter.

"Iinom lang."

"Ah.Iinom ka lang pala ng tubig ba't kasama pa kami?"-asar pa nito.
Ngumisi ako at nilingon siya.
"Gago.Edi wag ka sumama.Sumunod na lang kayo kung gusto niyo.Ge."

Naalala ko na may pasok pala kami bukas.Buti nalang at may mga light drinks ako sa condo.

Pagdating ko sa condo ay sakto namang kakadating lang din nila.Umupo na sila sa couch at ako naman naglabas ng mga inumin.

"Ba't nag-aya ka nga palang uminom?"-tanong ni Hayato habang nagsasalin sa baso.

"Wala.Gusto ko lang."-sagot ko at nilapag ang box ng donut.
"Oh."

Tuwang tuwa naman sila kasi minsan lang ako manlibre.Yung dalawang lalaki at kami lang ni Rena ang umiinom.Inalok ko din si Sam ng root beer pero ayaw niya kaya juice nalang ang binigay ko.Pagtapos namin magkwentuhan at uminom,umuwi na din sila.

Keith's POV

Agad na napakunot ang noo ko.
Hindi ko naman yun girlfriend eh.Pinsan ko yun.Tsaka ba't nga pala ako mag-eexplain sa kanya,eh hindi naman kami.Tsk.

"Ano ba yan,Keith.Kanina pa yang mukha mo.Mukha kang inis na inis."-nagtatakang sambit ni Elle at humigop sa frappe niya.

"Eh kasi naman--"
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang magsalita siya.
"Yung babae kanina,yung madilim yung aura,yung pinopormahan mo,yung malamig,yung--"

"Oo na."-nakangiwing sagot ko kaya napairap siya.

Ba't nung nakita ko siya maliwanag naman yung itsura niya,parang masaya pero hindi nakangiti.Tapos nung nakita niya ako na kasama at kaakbay si Elle,biglang naging malamig at madilim yung aura niya.

"Ba't ba ganun yung pinopormahan mo?She's really cold.Tingin ko mas maganda siya pag-nakangiti eh."-sabi niya habang nakatingin pa sa kawalan na parang nag-iisip.

"I don't know.Noong isang araw nga kinakausap niya ako eh tapos kanina lang nung sinusundan ko siya para tanungin kung ba't di niya ako pinansin parang naiinis siya sa akin sabi niya tigilan ko na siya,eh wala naman ako ginawa.Tapos ngayon nakita niya ako parang lalo atang nagalit."
Dahil sa sinabi ko ay bigla siyang ngumiti at tinaas pa ang hintuturo na parang may naisip siya.

"I knew it!Baka nagseselos siya."

"Yun?Magseselos?Elle naman.Tingin ko nga galit yun sa mga lalaki eh.Bukod sa mga kaibigan niya.Hindi niya kasi kinakausap yung mga tao sa school kung hindi naman importante."-sabi ko sabay face palm.

"Tsk tsk tsk.Man-hater?Baka naman--"

May hand gesture pa siya na parang 'No no no'.May sasabihin pa sana siya pero hindi natuloy dahil biglang tumunog ang phone niya.
"Yea?Im coming.Bye."

"Oy,Keith.Alis na ako ah.Bye."-nakangiting sabi niya at sumaludo pa bago patakbong umalis.Kukuha na sana ako ng isa pang donut pero napangiwi ako dahil wala na palang natira.Tsk.

Pero si Amethyst?Magseselos?Parang imposible naman iyon.

-----------------x

He's A Casanova,She's A Gangster [SLOWLY REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon