Chapter 8

62K 2.2K 32
                                    

Chapter 8

Amethyst's POV

Pagkarinig ko nang sinabi ni Hunter ay agad akong umalis.Tinext niya din ang bar na pinagtatambayan non at kung sino 'yon.Hindi ako papayag na may bumastos sa kaibigan ko.

Pumunta ako sa bar nung Miko gamit yung motor ko,doon daw kasi sila laging tumatambay ng mga katropa niya.

Pagpasok ko ay hindi nila ako napansin at patuloy pa rin sila sa mga ginagawa nila.Ang iba ay patawa tawa habang may kaakbay na mga babae.
"Alam mo pareng Miko,dapat tinuluyan mo na yung babae sa bar.Ang ganda niya tapos ang kinis pa."-natatawang sabi ng isa kaya agad na kumunot ang noo ko.At nagawa niya pa pagpantasyahan ang kaibigan ko?

"Tsk,nabadtrip nga ako eh.Biglang dumating yung mayabang na knight in shining armor niya.Yung nakatalo sa akin sa racing,si Hunter Gyo."-sabi ng isa na nakangisi pa habang naglalaro ng psp niya.

"Dapat pre nilabanan mo.Edi sana kasama mo na ang babaeng yun sa motel ngayon."-sabi pa nung isa habang tumatawa.
Nasa likod niya lang ako kaya agad ko siyang nahigit at sinuntok.Agad ding napatingin yung Miko at tumingin sa akin ng masama.
"Anong problema mo,miss?"-tanong ng kaibigan niya na hinarangan pa ang babae niya.Tsk.Pasikat.

"Bakit,aayusin mo?"-sarkastikong tanong ko at nginisian siya.

"Aba,gago 'to ah."-inis na sabi niya at tumayo para lapitan ako.
"Miss,hindi ako pumapatol sa babae.Sabihin mo lang ang kailangan mo at ibibigay ko."-sambit nito tapos ngumiti ng nakakaloko at kinindatan pa ako.At nakuha niya pang magbiro.

"Buhay mo ba pwede?"
Hindi nawala ang ngiti nito at humakbang ulit papalapit.
"Basta ba kapalit katawan mo."
Masyadong mayabang eh mukhang wala namang ibubuga.

"Anong kailangan mo Miss?"-seryosong tanong nung Miko na lumapit din sa akin.
"Anong ginawa mo kay Summer?"

"Sinong Summer?Yung babae kagabi?Ah.Syempre ay sa akin na lang iyon."-sabi niya na ngumisi din sa akin.
"Kung gusto mo ay gawin ko din sayo eh."-sabi niya ulit at tinignan ang mga kaibigan na nakangisi na rin.Tsk.

Ngumisi naman ako at tinignan sila isa-isa.
"Kung matatalo niyo ako ay pagbibigyan ko kayo."-bored na sabi ko kaya agad lumaki ang mata nila at nakangising tumango-tango.

"Saan ba?Sa ka–"
Agad kong hinataw ang isa sa batok niya kaya agad siyang nakatulog.Napanganga naman agad ang iba niyang kasama.
Tinignan nila ako bago sila magtinginan at agad na sumugod sa akin.Para sa akin ay masyado silang mahina kaya hindi man lang ako pinawisan.

Si Miko na lang ang natitira at nanlalaki ang mata niya na tinitignan ang mga kaibigan niyang nakabulagta sa sahig.
Lumapit ako sa kanya kaya agad siyang napaatras.Ngumisi ako at agad na hineadbutt siya kaya plakda siya.

"Sabi ko naman sa inyo,wag niyong akong gagalitin.You don't know me."-sabi ko sabay ngisi at sinalpak ang earphones ko sa tenga ko.

Pagdating ko sa parking ay nandoon na si Sam at Hunter na parang inaabangan ako.Si Sam ay palakad-lakad pa habang kinakagat ang kuko niya.Pagbaba ko pa ay tinignan nila ako mula ulo hanggang paa.
"Jack,Ano nangyari?"-nag-aalalang tanong ni Sam.

"Patay na ba?"-tanong naman ni Hunter na ngumiti pa ng nakakaloko.
"Geez.Ano bang sinasabi niyo?Kinausap ko lang sila ano."-bored na sabi ko kaya agad silang napabuntong-hininga.

"Ha?Hindi ka nagtransform?"
Agad naman akong napangiwi sa tanong ni Sam.Ano bang sinasabi niya?

"Summer,sa susunod,wag kang gagawa ng mga bagay na hindi ko ikatutuwa.Pag ginawa mo yun ulit,baka wala ng taong dadating sayo para iligtas ka."-walang emosyong sabi ko kaya nakangiti naman siyang tumango.

Buti ay wala pa ang teacher pagdating namin dahil baka mapagalitan kami.
"Okay class,please sit down.And also bring out your graphing paper.. "-sabi nito kaya agad na nagsikilos ang mga kaklase ko.

Kanina ko pa napapansin ang masamang tingin ng katabi ko pero nanatiling diretso ang tingin ko.Pagkatapos ng klase ay agad siyang humarap sa akin.

"Bakit mo ako iniwan kahapon?Fling ko lang naman ang isang iyon eh."-inis na sigaw niya kaya agad akong napangiwi.
"Hindi ka ba natutuwa na may babaeng lumapit sa'yo?Di'ba yun naman ang gusto mo?"-tanong ko habang nagdodrawing ng pinagagawa ng teacher.

"Geez.Dapat ikaw yung kasama ko eh."

"Para magmukha akong babae mo?Asa."-sabi ko at agad na tumayo para iabot sa kaklase ko ang papel.Hindi na nagsalita ang katabi ko pero napansin ko na kanina pa siya tingin ng tingin at bumubulong pa.

Siguro hindi na namalayan nung teacher yung oras kaya tumayo na ako at naglakad palabas.
"Miss Seo,Why are you leaving the class?I think it's rude."-sabi nito na sarkastiko pang ngumiti.

Tinignan ko naman siya at agad na pinakita ang wrist watch ko bago naglakad paalis.
Napansin ko na tumayo na din sila Sam at patakbong sinundan ako.

"Uwi na ako."-agad naman silang ngumiti at sumaludo pa.

---------x

Please vote and comment.Thank you.

He's A Casanova,She's A Gangster [SLOWLY REVISING]Where stories live. Discover now