Chapter 16.5

50.6K 1.6K 17
                                    

Chapter 16.5

Hunter's POV

Agad akong napahawak sa ulo ko pagbangon ko.Oh shit.Ganon ba kadami ang nainom ko?
Napatingin ako sa paligid at napansin ko na hindi ito ang kwarto ko.
Napansin ko ang pagkain sa lamesa sa tabi ng kama.Mukhang bagong luto lang ito at may kasama pang kape na umuusok.

Napansin ko din ang note kaya agad ko itong binasa.

Good morning Hunter.
Have a nice day. :)
-Sam

Ah. Si Sam?Napatingin uli ako sa paligid at napansin ko ang ilang gamit sa kwarto na pambabae.Hindi ito ang condo ni Sam kaya sa tingin ko ito ang guest room ng bar nila.

Dahil late na ako ay naisipan ko na lang na mag-halfday.Habang nagbibihis ay tumunog ang phone ko.

Unknown number calling..

"Hello?"

"Mr.Gyo, si coach to.May practice mamaya kaya kailangan mong pumasok."

"Yes coach."

Nagpunta muna ako sa malapit na convenience store para bumili ng makakain.Ilang oras na din ang nakalipas nung kinain ko ang breakfast na inihanda ni Sam kaya gutom na naman ako.Habang kumakain ay napatingin ako sa labas nang makita ko ang isang babae at lalaki na naguusap. Napakunot ang noo ko nang mapansin na si Jack pala iyon at si Keith.Tsk.

Nakabihis na naman ako at walking distance lang ang school mula sa convenience store na pinuntahan ko.Habang naglalakad ako sa bridge ng isang parke ay napatigil ako nang marinig ang pamilyar na boses.

"Okotteru?"
Napakunot ang noo ko dahil sa tawa at tinis palang ng boses nito ay kilala ko na. Ilang taon din nang huli kami magkita pero hindi ko nakakalimutan ang boses niya. 

[Trans: "You mad?]

Napailing ako nang makita kung anong ginagawa niya.Umiwas na lang ako ng tingin at diretsong naglakad papunta sa school. Panigurado ay malalaman din nila Jack ang pagdating niya.

"You're late,Mr.Gyo."agad na sambit ng adviser namin pagdating ko.Seryoso ang mukha niya kaya ngumiti na lang ako ng tipid at nagkamot ng ulo.
"Sorry mam."

Pagtapos ng klase ay pumunta na agad ako ng practice.Sandali lang yun kaya maaga din kaming matatapos.Hindi pa nagsisimula ang practice ay nagiingay na agad ang ilang mga babae na nasa bleachers.

"May bago daw eh.Sino kaya?Siguro gwapo din."rinig kong sabi ng isang babae na kinikilig pa.

Tinawag kami ni Coach dahil may sasabihin daw siya.Nakasunod pa sa kanya ang isang lalaki na walang emosyon.
"Okay.So lahat kayo nandito na.Before our practice,let me introduce to you, Mr.Hayato Kamenashi."

Hayato?

Lumaki ang mata ko pero agad din akong napangiwi.Bakit nandito ang isang iyan?Alam kong gwapo siya pero mas gwapo at mas magaling ako. Teka parehas silang nandito dalawa? Anong meron?

Nagpakilala siya bilang substitute kay Hiro,na kateammate din namin.May pupuntahan daw kasing mahalaga sa Japan kaya hindi siya makakapaglaro. Napansin ko na tumingin siya sa akin at tipid na ngumisi.

Pagtapos naming magpractice,pupunta sana ako sa field para magpahinga pero agad napakunot ang noo ko nang matanaw ang dalawang lalaki na kinakausap si Sam.

"Sige na miss,sandali lang naman iyon eh."-nakangising sabi nito. Sa mukha nito ay halatang may binabalak sila.
"May gagawin pa ako eh."- sabi naman ni Sam na halatang naiinis pero nakangiti pa rin.

Agad akong lumapit at inakbayan si Sam. Napansin ko na nagulat siya kaya kumindat ako.
"Ah, excuse me.Aalis na kami ng girlfriend ko.May date pa kami."-sabi ko at ngumiti.

"Sus.Ang arte naman yan.Sige na.Share mo naman siya sa amin."-pilit pa ng isa habang nakangisi.Ngumisi ako at tinignan siya ng masama.
"Sabi ng may date kami. Aalis ba kayo o hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko?"

Kinuha ko ang watergun na hiniram ko sa kateammate ko.Ang astig lang kasi mukha siyang totoong baril pero tubig talaga ang bala niya.

"Ha?A-alis na nga kami eh.S-sige.Enjoy."-utal nitong sambit at patakbong umalis.Nanlalaki naman ang mata ni Sam na nakatingin sa hawak ko.
"Hunter?Ano yan?"

Tinapat ko naman sakanya kaya napapikit siya.
"A-ano bang ginagawa mo?"
Agad akong tumawa at pinindot ang baril kaya agad siyang nabasa ng tubig.

"Hangal ka."-sigaw niya.At bago pa niya ako mahampas ay agad ako tumakbo kaya agad niya akong hinabol.

Summer's POV

"Ah,excuse me.Aalis na kami ng girlfriend ko kasi may date pa kami."
Nanlaki ang mata ko nang makita si Hunter na naka-akbay sa akin. Kumindat pa siya kaya naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko.

"Sus.Ang arte naman yan.Sige na.Share mo naman siya sa amin."

"Sabi ng may date kami.Aalis ba kayo o hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko?"
Nagulat ako ng higitin niya ang isang baril sa bag niya.Baril?

"Ha?A-alis na nga kami eh.S-sige.Enjoy."-utal na sabi nito at patakbong umalis.Agad naman ako humarap kay Hunter at tinignan ang hawak niya.

"Hunter?Ano yan?"-tanong ko.
Tinapat niya ito sa mukha ko kaya napapikit ako.What the hell?
"A-ano bang ginagawa mo?"-utal na tanong ko.

Narinig ko ang pagtawa niya at ang pagtalsik sa mukha ko ng tubig.Agad ako napadilat at nakita ko siyang tawa ng tawa. Isa pala 'yong watergun na mukhang totoong baril.
"Hangal ka."-sigaw ko at hinabol siya.

"D-diba masaya na siya?"-nakangiting tanong niya.Humarap naman ako at nagtatakang tinignan siya.
"Sinong siya?"-sagot ko.

"Si Jack."

"Maybe,I saw her smile.Not a fake one,nor a cold one."-sagot ko at tumango tango.Alam ko ang totoong ngiti ni Jack,alam ko din ang peke.

"Gusto ko ng magmove-on."-sabi niya at tumingin sa kawalan.Nakangiti pa rin siya pero halatang peke lang ito.
"I can help you."
Kahit ako ay nabigla ng lumabas iyon sa bibig ko pero ngumiti na lang ako.

"Ha?Ano ka ba Sam?Hindi ko kailangan ng rebound."
Nanlalaki pa ang mata niya na nakaharap sa akin kaya napangiti ako.

"Not really.I like you and I want you to be my boyfriend,Hunter.Panget man pakinggan dali ako ang babae pero simula ng nakilala kita nagustuhan na kita.Please,I will help you.Di naman siguro ako magiging rebound dahil baka dumating din yung panahon at magugustuhan mo ako.Think of it."-dire-diretsong sabi ko at tinapik siya sa balikat bago tumayo.

Aalis na sana ako nang magsalita siya.
"Okay I'll accept your offer."
Agad ako napaharap at nakatayo na din siya.Ngumiti ako at niyakap siya.

"You pick the right decision,Hunter.Hindi ka magsisi."-sabi ko at nagsimula ng maglakad paalis pero napatigil uli ako ng hawakan niya ang pulso ko.

"Samahan na kita."

-----------/

Amethyst's POV

Iniiwasan ko ang lalaking ito pero patuloy pa rin siyang sumusunod at lumalapit sa akin.
"Ano ba?"-inis na tanong ko at hinarap siya.Kanina pa siya bumubuntot sa akin at naiinis na ako.

Hindi man lang siya natinag at nilagay pang dalawang kamay sa mga bulsa niya.
"Iniiwasan mo ba ako,Miss Seo?May nasabi ba akong mali?"-tanong niya at diretsong tumingin sa mata ko.

"Napansin mo pala.Wag mo na kasi akong sundan."
Yumuko siya pero agad ding tumingin sa akin.
"Okay.Pero kung may nagawa o nasabi man akong mali,sorry ah."-nakangiting sabi niya at nilampasan ako.

Hindi ako pwedeng mahulog sa mga ginagawa niya.Panigurado ay isa lang ito sa mga plano niya.Hindi ako papayag na mulit uli ang nangyari noon.

-------------x

Vote and Comment.Thank you. :)

He's A Casanova,She's A Gangster [SLOWLY REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon