Chapter 14

60.7K 1.8K 35
                                    

Chapter 14

Amethyst's POV

Napag-isipan na lang namin mag-usap tungkol sa happy or sad memories namin.Nakakabagot dahil hindi naman ako interesado sa pinag-uusapan nila pero kailangan ko umupo kasama nila.
"So ayun nga,dahil natapunan ko siya ng chuckie nagalit siya at lagi niya ako sinusungitan."-nakangiting kwento ni Jupiter.

"Syempre,sino bang di magagalit pag natapunan ng chocolate?"-pagtataray ni Aleina,ang bestfriend ni Jupiter.

"Wag ka nga.Ikwento daw diba?Mamaya ka na." Nakangiwing tinignan ni Jupiter si Aleina.
"Im just giving my opinion,share diba?Wag ka nga."
At nagsimula na naman ang barahan nilang dalawa.

"Shut up."-biglang sabi ni Key na nakakunot ang noo.Napansin niya rin kasi na napahawak ako sa sentido ko.Pag nagkakagulo ang mga miyembro ko siya ang kadalasan nagpapatahimik sa kanila.

Tumahimik naman yung Aleina tapos yung Jupiter ay naiirita na tumingin kay Aleina.
"Sorry."-sabi ni Aleina ng nakatingin kay Key na walang emosyon.

"So,ayon lagi akong nagsosorry hanggang sa naging magpartner kami sa project edi yun nag-sorry ako tapos pinatawad niya ako.Naging close kami.Tapos sadly kailangan niyang pumunta ng France kasi doon na siya mag-aaral."
Malungkot ang pagkukwenta niya pero agad din nagliwanag ang ekspresyon niya.

"But,may nakilala akong bagong kaibigan.Magkaibang magkaiba sila ng ugali.Lagi siyang nakasigaw at palagi pa akong inaaway.Pero kahit ganoin ang ugali niya mabuti siyang tao.Lagi siyang concern at nasa tabi ko."-nakangiting sabi niya at tumingin kay Aleina na kahit nakayuko ay kitang kita pa rin na nakangiti.

"That's all.Oh sige,ikaw na.Baka mamaya ay umiyak ka pa."-asar niya sabay dila kay Aleina kaya napairap ito.
"Tsk.So,ever wonder kung bakit ako man-hater?It started when I was 12 years ol-"

"Hindi nila tinatanong."-sabat ni Jupiter habang kinakalikot ang phone niya.
"Walang nanghihingi ng opinyon mo, Mr.Kang."

"Can you please shut up?"-bagot na tanong ni Keith na nakakunot ang noo.

"Fine,straight to the point.Dahil sa batang lalaki na inaway ako noong bata ako.Di ko pa rin kilala eh.Pero nilait ako eh."-sabi niya ng nag-iisip.

Aleina's POV

***flashback***

"Waaaah!Hindi nila ako binigyan!"-sigaw ko at pinaandar ang swing kahit iyak ako ng iyak.Hindi kasi ako binigyan ng souvenir eh.

"Hoy bata,ang ingay mo."-sabi nung lalaki na may maskara na puti yung walang design.Nakasandal siya sa bakal ng swing at nakaharap sa akin.
"Pake mo ba?"

"Alam mo bang walang magkakagusto sayo,kasi ang ingay mo na ang sungit mo pa tsaka tignan mo yan,wala ka pang hinaharap.Lahat siguro ng lalaki hindi magkakagus–"

Dahil sa sinabi niya ay lumaki ang mata ko at lalong napahagulgol pagkatapos ay tumakbo ako pauwi ng bahay.

***end of flashback***

Amethyst's POV

"How about you,Andrea?"-tanong ni Aleina na ngumiti kay Sam.

"Me?Okay.So,bata palang ako,I think I was 9,mga libro ko na ang kaibigan ko.Kikay ako pumorma pero libro ko ang lagi kong kasama.Until one day,may nakilala akong bata.Maangas siya at maporma.Ayaw din niya sa mga kikay."

Napatingin siya sa akin at tinanguan ko naman siya kaya ngumiti siya.
"Niligtas niya ako sa mga batang bully na umaaway sa akin.Wala daw akong kaibigan at sayang lang ang ganda ko kung puro pagbabasa ang inaatupag ko."

He's A Casanova,She's A Gangster [SLOWLY REVISING]Where stories live. Discover now