Chapter 41: Meet Again

28 2 0
                                    

His Side

Three years later...

“Ladies and Gentlemen, now we're approaching Manila, Philippines where the local time is 09:00 pm. At this stage you should be in your seat with your seatbelt firmly fastened. Personal television screens, footrests and seat tables must be stowed away and all hand luggage stored either in the overhead lockers or under the seat in front. Please ensure all electronic devices including laptop computers and computer games are turned off.”

Huminga ako ng malalim pagkatapos lumapag ng eroplano. Napapikit pa ako dahil sa antok at pagka-dismaya.

"Wala akong balita sa kung nasaan siya ngayon, todo padala lang siya ng pera sa akin, pero hindi niya sinasabi kung nasaang bansa ba siya. Ayaw niya nang sabihin dahil alam na alam na niya ang gagawin ko." nagmamakaawa ko siyang tiningnan.

"Sharly, please. I just want to... I just want---"

"To hurt her? Ryle, ayoko nang manghimasok sa gulo niyong dalawa. Pero tandaan mo 'to, hinding-hindi ko na hahayaang masaktan mo ulit ang kapatid ko!" napatungo ako, mariin akong napapikit sa inis. Inis para sa sarili ko. "Bakit mo pa ba siya hinahanap? Kung gusto mo pa rin siya, sinasabi ko na agad sa 'yo na sigurado akong wala na siyang balak na balikan ka pa! She's done with you!" napalunok ako habang tinatanggap ang mga salita niya.

"Babe! Nasaan ka ba? Umiiyak na si Amy! Ayaw tumahan sa akin!" narinig ko ang sigaw ni Austin at ang iyak ng isang bata sa loob ng bahay nila. Sinadya ko talagang puntahan sila rito para tanungin kung nasaan ba siya.

"Tumigil ka! Pinaiyak mo na naman ang bata!" sigaw ni Sharly, lumitaw naman si Austin sa tabi niya. Nanlaki pa ang mata niya nang makita ako.

"Ryle!" inangat niya ang kamao sa harap ng mukha ko kaya napaatras ako sa pag-aakalang susuntukin niya ako. "Bro! Fist bump!" natatawang sabi niya, napangiti ako ng pilit at nakipag-fist bump sa kanya. "Bakit ka naparito?" tanong niya, napakamot ako sa kilay.

"Ah---"

"Hinahanap mo si Shantelle?" pagputol niya sa sasabihin ko, hindi naman ako sumagot at nag-iwas na lang ng tingin.

"Umalis ka na, Ryle! Sinasabi ko sa 'yong wala kang makukuha mula sa akin." masungit na sabi ni Sharly na may karga na ngayong batang babae.

"Babe naman, hindi ka na ba naawa kay Ryle?" tanong ni Austin sa asawa niya.

"Bakit ako maaawa?" pagtataray niya.

"Bakit ba kasi hindi mo na lang sabihin na nasa San Francisco si Shantelle at nang matigil na siya?" napakurap ang mga mata ko sa narinig. Kita ko naman ang panlalaki ng mga mata ni Sharly, gano'n din ni Austin na napatakip pa sa bibig.

"Amy, go to your yaya muna, ha? I'll follow you, I'm just talking to my friend pa." mahinahong sabi ni Sharly sa bata na buhat niya.

"Yes, mommy." sabi ng batang babae at tumakbo papasok ng bahay. Nakangiting humarap sa amin si Sharly pero agad ding nawala 'yun.

"AUSTIN!"

"Ah! Sorry na!"

Nasa San Francisco raw si Shantelle. Inabot ako ng isang buwan doon para hanapin siya pero wala... Walang bakas ni Shantelle Yorenz Cortez.

Enemies Turned into Lovers (Good Girls Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon