Chapter 16: Notion

25 3 38
                                    

His Side

Masama ang tingin ko kay Yuan at Karlo na may pakana ng lahat ng kalokohan nila. Tawa pa rin nang tawa yung dalawa, si Vincent naman ay nagla-laro pa rin sa play station habang si Lance ay seryoso ang mga tinging ibinibigay sa akin.

Hindi ko pinagsisisihan yung ginawa ko, pero hindi ko rin sinasadya. Plano ko lang naman ay mapalabas yung apat mula sa pinagtataguan nila kanina. Pero nadala ako sa mga mata ni Shantelle.

Aaminin kong nagtampo ako dahil sa sinabi niya.

"P-Paano si... T-Treijan?"

Nakakabastos din naman kasi, ako yung nanliligaw, pero yung lalaking yun ang iniisip niya! Gano'n pa man, hindi ko kayang magalit kay Shanty. Kay Treijan, pwede pa.

Pati yung internship ko sa bar ni Xyle, napilitan akong hindi galawin. Lumipat ako at nag-apply ng internship sa isa sa mga fast food chain dito sa lugar namin. Sumama ako kay Lance.

"Mas mabuti sigurong 'wag mo munang kausapin si Shanty. Bigyan mo muna ng space." sabi ni Lance noon,

"Akalain mo? Na-basted ni Shanty si Ryle! Si Ryle Ivan Fortaleza! HAHAHAHA!" pang-aasar ni Yuan at tumawa ng malakas.

"Shanty lang sakalam!" sabi ni Vincent at nagkunwari pang nagbuhat ng dumbbell. Bwisit!

"Magpa-miss ka muna, pre! Tapos pag namiss ka, congrats! CPag hindi, gago! 'Wag mo nang pilitin." sabi ni Karlo at sinabayan ang malakas na pagtawa ni Yuan.

Kahit nakakainis ang mga ugok na yun, sinunod ko naman. Nagkikita pa rin naman kami ni Shantelle, pero pinipili kong umiwas. Para lang alam niya na nasaktan din ako.

Treijan? Magsama sila!

"Gago! Hindi natiis ni Shantelle!" sabi ni Vincent at tumawa habang busy sa paglalaro.

"Palibhasa, iniwan ka." pambabara ko agad, hindi naman niya ako pinnsin. Ni hindi nga ako tiningnan, pero hindi na siya umimik pagkatapos noon.

"Sanaol po," sabi ni Karlo.

"Palibhasa, hindi ka rin sineryoso ni Xyle." sabi ko at umirap,

"Hindi masakit, na-challenge lang naman ako sa kanya, eh." sabi ni Karlo at ngumisi bago napiling makipaglaro kay Vincent. Hindi na rin siya umimik pagkatapos noon.

"Marupok pala si Shantelle, 'no? Hindi natiis si Ryle! Hanga na sana ako, pero kinausap ka ulit eh! Dapat hindi na, para pinagtawanan na lang kita." sabi naman ni Yuan.

"Palibhasa, hindi pinili ni Sharly." pang-aasar ko, umirap naman siya at tumayo.

"E 'di wow!" tanging nasabi niya at nakipaglaro na rin kila Karlo at Vincent. Nanahimik ang mga loko.

"Ano ba talagang plano mo kay Shantelle? Baka saktan mo lang?" tanong ni Lance, seryoso lang.

"Wala 'yan sa bokabularyo ko." simpleng sagot ko, "Nagpunta lang siya para mag-sorry at para na rin ayain ako ng date." mahinang sabi ko habang pinagmamasdan ang invitation na binigay ni Shanty.

Kilala ko yung Tanya Alexandria Magnaye na 'to, ito yung kaibigan dati ni Shantelle na ginamit lang siya. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan pa niyang pumunta doon.

"Woah! Date!" sabay na sabi nung tatlong naglalaro. Sinamaan ko sila ng tingin, agad naman silang nag-iwas.

"Ganyan talaga kapag gwapo." pagmamalaki ko.

Enemies Turned into Lovers (Good Girls Series #3)Where stories live. Discover now