Chapter 39: Depart

19 2 0
                                    

His Side

"How have you been, son?" nilapag niya ang bag niya sa katabing upuan at umupo sa tapat ko. I seated uncomfortably while staring at her.

"I-I'm still not used to it," sabi ko, napakamot naman siya sa kilay bago tumango ng may ngiti.

"How have you been, Ryle?" tanong ni Grace at tumawag ng waiter. Sumimsim ako sa tubig bago siya sagutin.

"Doing fine," sagot ko, napaayos ako ng upo. Pinagmasdan ko siyang mag-order ng kung anu-anong pagkain, halos order-in niya na nga lahat ng nasa menu kaya napasimangot ako.

"How about Shantelle? Is she fine already?" tanong niya habang nagtitipa sa phone, napalunok ako.

"She's fine, or should I say, she's trying to be fine." Masyadong ma-pride ang isang 'yun kaya nagpapakatatag kahit na ang totoo ay hindi pa naman talaga ayos. Naiinggit sa mga kapatid dahil umaaktong mga walang problema ang dalawa kaya sinasabayan niya at mas ginagalingan pa. Napabuntong-hininga ako at umiling.

"She should be, kasi walang ibang tutulong sa sarili niya sa mga ganoong problema kundi siya." Ngumiti siya at tumingin sa paligid, "Actually, kaugaling-kaugali niya si Maj. They were both sassy and carefree back then. Studious at talented pa kaya lalo kong napatunayan na nagmana talaga siya kay Maj. At kung nagmana nga talaga siya kay Maj, hindi ako naniniwalang hindi niya mamamana ang katatagan ni Maj." Umayos ako ng upo,

"Oh, I believe she does." Nakangiting sabi ko,

"Ikaw naman, base sa mga nai-kuwento sa akin ni Shanty noon, mana ka sa Papa mo." Natatawang sabi niya, napangiti naman ako.

"Bakit naman? Do I have that intimidating aura?" natatawang tanong ko, natawa siya at umiling.

"Back then in high school, babaero 'yan." Sabi niya, napasimangot naman ako. Sa dinami-rami ng pwedeng i-kwento ni Shanty, 'yun pa? "Babaero, maloko rin kaya nga nagulat ako nang malaman ko noon na napakasuccessful ng business niya."

"How about Ma---" napatigil ako sa itatanong ko. It was quite insensitive to ask her that. Siya yung narito pero si Mama ang iniisip ko? At isa pa, she's my real mother. Tumikhim naman siya at ngumiti.

"Mama mo, sobrang studious. Bagay na bagay sila ni Maj. Kung science ang major ni Maj, math naman 'yang si Mylene. Pero sa aming tatlo, si Mylene yung pinakatahimik at may sariling mundo." Nakatitig siya sa kawalan na parang nagre-reminisce.

"Eh ikaw?" tanong ko, tumingin naman siya sa akin at ngumiti.

"Ako yung kabaliktaran ni Mylene, hindi ako kasing talino niya, pero mas maganda naman ako sa kaniya 'no?" natawa na lang ako dahil doon, "Ako yung campus crush noon dahil friendly ako. Ako rin yung popular at sinasali sa mga pageants at debates. Hindi ako kasing talino nila, pero may alam pa rin naman ako."

"Anong course ang kinuha mo noong College?" curious na tanong ko,

"Legal Management, abogado ako, Ryle." Nakangiting sabi niya, ngumiti ako pabalik at hindi na nagsalita. Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero nakalimutan ko na. Nakakahiya dahil ako ang nagpatawag sa kanya dito pero ako itong walang masabi. Mabuti na lang ay dumating na ang waiter para i-serve ang mga orders niya at para iligtas kami sa awkward na katahimikan. "Let's eat?" aya niya, ngumiti ako bago nag-umpisang kumain.

We became silent for moments. Hanggang sa natapos kaming kumain ay naging tahimik kami. Nginitian ko siya habang nag-iisip kung paano uumpisahan ang topic, "Nga pala, I want to tell you something." Seryosong sabi ko, inuumpisahan na ang pakay ko.

Enemies Turned into Lovers (Good Girls Series #3)Where stories live. Discover now