Chapter 33: Graduation

17 2 0
                                    

His Side

Isang tikhim ni Tito Sanjo ang nagpabitiw sa yakap namin ni Shantelle. Ngumiti ako sa kanila at bumati. Cinongratulate naman nila ako at hinanap sa akin sila Mama at Papa, pero wala akong naisagot.

Malapit nang tawagin ang pangalan ko para sa graduation march. Nasa walong graduates na lang ang natitira pero wala sila.

"Kuya Ryle," tawag sa akin ni Ken, palinga-linga sya sa paligid. "Tatawagin ko na ba sila Mama?" tanong niya, napakagat ako sa labi. Ayokong ipatawag si Tita dahil umaasa pa rin akong darating sila Mama. Pero nawawalan na ako ng pag-asa. Dahan-dahan akong tumango, bago siya talikuran. Nilagay ko na ang toga sa ulo ko saka huminga ng malalim.

"Are we late?" agad akong napalingon sa likod ko nang makita ko si Papa. Agad akong nabuhayan, pero nawala ang ngiti ko nang hindi ko makita si Mama.

"Congratulations, Ryle." bati sa akin ni Tita Erah, ang mama ni Eycee at step sister ni Papa. Katabi niya si Sir Carlos. Nginitian ko sila.

"Thank you po," sabi ko.

"May gift ako para sa pamangkin ko, pero mamaya ko na ibibigay." mapanuyang sabi ni Tita kaya lalo akong napangiti.

"Congratulations, Ryle." bati ni Sir Carlos. Ngumiti ako at tumango.

"Salamat po, congrats din po kay Eycee. Hindi ko pa po siya nakakausap, eh." sabi ko, tumango naman ang dalawa.

"Attend ka sa celebration namin sa bahay, I'm sure na alam mo ang bahay namin since katabi lang naman yun ng bahay nila Shanty. Ise-celebrate din natin ang graduation mo at kila Shanty and Xyle." alanganin akong ngumiti dahil sa sinabi ni Tita Erah bago tumingin kay Papa. Tinanguan niya lang ako at tinapik sa balikat.

"We need to go, malapit ka nang tawagin." sabi ni Sir Carlos bago sila naglakad papalayo ni Tita Erah.

"Congratulations, Ryle." walang emosyon kong tiningnan ang babaeng katabi ni Papa.

"Nasaan si Mama?" walang buhay kong tanong, nawala ang ngiti ni Grace, gano'n din ni Papa.

"Ryle!" saway ni Papa kaya sa kanya nabaling yung tingin ko.

"She refused to come, ako raw ang magsilbing proxy niya." sagot ni Grace, napahigpit ang hawak ko sa toga ko dahilan para magusot yun.

"Fortaleza, Ryle Ivan C., with his mother and father." napilitan akong lumakad kasabay nila at mag-martsa papunta sa arko. Humawak pa si Grace sa braso ko habang may photographer na nagpi-picture sa amin. Pilit akong ngumiti, in-imagine na lang na si Mama 'to at hindi kung sino lang.

"CONGRATS, LOVE!" napalingon ako sa sumigaw sa likod. Napangiti ako nang makita si Shantelle na may hawak na matte blue instax at nakatutok sa akin. Ngumiti ako doon at nag-wacky pa kaya narinig ko ang tawanan ng mga tao.

"Sir, dito po ang tingin!" tawag ng photographer. Tumingin ako ng may tunay na ngiti. Ang lakas lang makaayos ng mood ni Shantelle.

Hinatid ako nila Grace at Papa sa seat ko pero kailangan muna naming manatiling nakatayo.

Kinuha ko ang phone sa bulsa nang malapit na si Shantelle. Vinideo ko sila habang nagma-martsa siya. Sobrang ganda niya ngayon. Ngayon ko lang siya nakitang nag-lipstick ng pula. Never naman siyang nag-lipstick dahil mas gusto niyang maging simple. 'Di bale, kahit hindi siya mag-lipstick, maganda na siya.

Maraming awards na nakuha si Shantelle. Nakakatuwa. Pakiramdam ko mas masaya pa ako sa kanya habang kinukuhanan ko siya ng pictures. Kung dati, wala akong pake sa kanya kapag ganitong graduation, ngayon meron na. Gustong-gusto kong kuhanan ng picture si Shantelle, gusto kong ma-record yung ngiti niya sa tuwing nakakakuha siya ng medals at certificates. Basta nandito lang ako.

Enemies Turned into Lovers (Good Girls Series #3)Where stories live. Discover now