Chapter 35: Lucky

17 2 0
                                    

His Side

Drinking is a good past time when a problem is bugging you. Ewan ko ba kung bakit pagkatapos ng ganap sa office ni Mama ay sa bar agad ako pumunta. Hindi para mambabae katulad ng sinabi ko kay Shantelle, pero dahil gusto kong uminom. Sakto naman dahil sinabi ni Yuan na magse-celebrate daw kami ngayon.

"Yo! Buti nakarating ka, akala ko kila Shanty ka magse-celebrate?" hindi ko pinansin si Karlo dahil diretso kong tinungga ang bote ng alak. "Woah! Easy!" sabi niya pa.

"LQ ata?" tanong ni Vincent,

"Hala? Lance, chance mo na 'to!" sinamaan ko ng tingin si Yuan dahil sa sinabi niya. Tumawa lang naman si Lance at umiling.

"Hindi ako tulad mong nagte-take advantage sa sitwasyon." umiiling na sabi ni Lance. "What happened?" tanong ni Lance sa akin, uminom muna ako bago sumagot.

"Nothing,"

Ilang sandali ang lumipas, nawala sila Karlo at Yuan na parehas may kasayawang babae sa stage, si Vincent naman ay may katawagan sa phone, nasa kabilang couch siya. Si Lance naman ay nakaupo sa tabi ko na tahimik na nakamasid.

"Why don't you drink?" mahinang tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"What's your problem?" kilalang-kilala niya talaga ako. Napangiti ako at umiling, "I know you, you won't ditch her if you're fine. Nag-away ba kayo?" I shook my head, holding my glass on my hand.

"We didn't, huling away namin ay noong umepal ka sa amin." sabi ko, tinaasan niya ako ng kilay at saka natawa.

"Look, I apologize." sabi niya at ngumiti. "'Wag mong iwasan ang tanong ko, Ryle Ivan. Anong problema mo?" sumandal ako sa sofa, nahihilo na ako. Hindi naman talaga ako palainom kaya mabilis akong mahilo, huling inom ko ata ay noong birthday pa ni Xyle at sobrang nalasing ako noon.

"Look, wala akong maipagmamalaki." tumawa ako ng malakas, pansin ko namang nakatitig na sa amin si Vincent na pinagmamasdan kami. "Kung sakaling maghiwalay kami ni Shantelle, puntahan mo siya. I-comfort mo, huwag mong pabayaang mag-isa. Kung sakali rin... Ikaw ang gusto kong mag-alaga sa kanya kung mawawala ako." napainom ako ng alak dahil sa mga sinabi ko.

"Are you already breaking up with her?" tanong niya,

"I won't do that, I love her." tumitig ako sa kawalan. "If she will know that I'm not Mylene's son and my family's already broken, I know she'll be sad." sabi ko at tumingin kay Lance na natulala pala sa akin. "I don't want to share my burden to her. Ayokong maging pabigat, I'm too broken to be paired with her." napainom na naman ako. Tiningnan ko ulit si Lance, halos mapamura ako nang makitang nakangiti siya.

"So you mean, puwedeng akin na lang siya?" tanong niya, sinamaan ko siya ng tingin.

"Gago, asa ka pa!" inis na sigaw ko, tumawa lang naman siya. "I mean, if worse comes to worst. I want you to take care of her. I didn't say that you'll take over my place."

"Ahh, okay." tumango siya at napainom, bumuntong-hininga ako at umayos ng upo.

"Anak ka sa labas?" tanong ni Vincent na hindi makapaniwala. "Sinong mama mo?" tanong niya pa. Napaiwas ako ng tingin, pinili kong huwag sumagot. Hindi ko pa rin matanggap ang katotohanan.

"Sort of," sabi ni Lance, "Nakita mo naman siguro yung kasama niyang babae kanina, yung nagsabit sa kaniya. Siya iyon" bigla akong napatingin kay Lance dahil sa sinabi niya.

"H-How did you know?" gulat na tanong ko. Umiling lang siya.

"I told you, I saw your similarities the first day I saw the two of you standing side by side. Pinagmamasdan ko kayo kanina, lalo kong napatunayan na totoo 'yon."

Enemies Turned into Lovers (Good Girls Series #3)Where stories live. Discover now