Chapter 38: Surprise

17 3 0
                                    

His Side

It’s been a month since they’re gone. Shantelle is still in the process of moving on. Mabuti na lang ay hindi na siya kasing devastated tulad nung mga naunang linggo.

“There were three kinds of children, Ryle.” Panimula niya habang umiinom ng milk tea niya. “The first one is the silent doer, sila yung mga tipo ng anak na hindi vocal. Pero once na gumawa sila, doon mo mararamdaman ang love nila dahil makikita at madarama mo yung bawat efforts na ine-exert nila sa bawat kilos nila.

“Second is the affectionate. They will never get tired of saying ‘I love you's’ to their parents. They are the dreamers and planners; they are plotting the way they will make their parents feel loved in their mind.

“Third is the shy. Sila yung tipo ng anak na gustong-gustong sabihin sa magulang nila ang nararamdaman nila, gustong maipakita at maipadama ang pagmamahal nila sa magulang nila pero hindi nila magawa. Guess why? They were too shy or sometimes their emotions are getting more powerful than them.”

Nakatitig lang ako sa kanya habang sinasabi niya yun. Tumingin siya sa akin na may ngiti sa labi.

“I’m the second one. I am both affectionate and a doer. So ngayon na wala na sila, wala akong pinagsisisihan dahil alam kong habang buhay sila, naipakita at naiparamdam ko sa kanila ang lahat. Malungkot at masakit pa rin siyempre, pero at least, no regrets.” Nilapag niya ang cup ng milktea na walang laman sa mesa at nangalumbaba pa habang nakatitig sa view ng langit sa glass wall. “I feel so bad for the third kind, she has so many things in her mind that she’s not yet ready to tell them. Now that her parents are gone, she’s so broken. She wants to take back the time and wishes for a chance to tell her parents how she loves them. How she’s being thankful of them and how she’s offering her achievements to her parents.” Ngumiti siya at tumingin sa akin. “Please, ‘wag mong hayaang mawala bago mo sunggaban. Learn to forgive, ‘wag kang gumaya sa third child, Ryle.” She tapped my back before leaving me here.

I know that she’s low key asking me to reconcile with my father and my biological mother. Pero tama siya, hindi ko dapat hayaang may mangyari muna bago ako magdesisyon.

Dumiretso ako sa opisina ni Papa. Taas-noo akong naglakad kahit nai-intimidate ako sa mga bulong-bulungan at mahinang tili ng mga employees na babae.

“Sir Ryle,” gulat na bati sa akin ng secretary ni Papa na nasa labas ng office niya.

“May meeting siya?” tanong ko,

“Wala po siyang important meeting pero may mga kausap po siya ngayon.” Sagot niya, napalunok ako at tumango. Hindi pa siguro ito ang time para doon---

“Papasukin mo siya,” nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses ni Mama---I mean, ni Mylene.

“Sige po, pasok na po kayo.” Pinagbuksan niya kami ng pinto pero hindi ko sila dinapuan ng tingin. Pumasok ako at nagulat nang makitang nandoon din si Grace na nakaupo sa couch habang may hawak na magazine sa kamay.

“Ryle,” gulat na tanong ni Papa nang makita ako, maging si Grace ay napatayo.

“You can start with your meeting, dito muna ako.” Sabi ko at naupo sa isang high stool sa kitchen ng office ni Papa.

“Actually, w-we’ll talk about… family matters.” Kinakabahang sabi ni Grace at tumingin kay Mama na nasa pinto ng office. Hindi siya nakatingin sa kahit sino sa amin. “You can join us.” Sabi pa niya, bumaba ako sa high stool at naupo sa katabing couch ni Grace. Si Papa naman ay naupo sa isang silya sa left part namin.

Enemies Turned into Lovers (Good Girls Series #3)Where stories live. Discover now