Chapter 9: Sayang

31 4 18
                                    

Her Side

Desperada ba talaga ako? Am I that desperate for Treijan?

I never had any boyfriend ever since. Marami akong naging manliligaw, but I don't entertain any of them. I liked someone before, but he didn't like me back. Now that I found him, now that I already met Treijan, bakit niya ako pinagbabawalan?

"Treijan, are you avoiding me?" hinila ko ang braso nya, he looks at me innocently.

"Ah, no?" sabi niya at napakamot sa ilong.

"Eh bakit? Bakit hindi mo ako pinapansin? And why aren't you wearing the watch I gave you?" tanong ko at tiningnan ang kamay nya, pero isang black watch lang ang suot niya at isang silver bracelet.

"Shantelle, may gusto ka ba kay Ryle?" seryosong tanong niya. Nanlaki naman ang mata ko.

"No! Wala! Bakit mo ba tinatanong?" bakit naman ako magkakagusto sa lalaking siraulo na yun? Treijan's better! Mabait, matangkad, caring, matalino and so on.

"'Di ba, boyfriend siya ni Xyle?" tanong niya, umiling ako.

"No, hindi si Xyle. I think it's Frey." sagot ko,

"Freyah Hidalgo?" tanong niya, napanganga ako bago tumango. "Gaano katotoong nagseselos ka sa kanila." my jaw dropped because of his question. Seriously?!

"Who told you that?! Kukutusan ko lang!" sabi ko, natahimik siya at nag-iwas ng tingin. Tumangging magsalita, I know he won't tell me. "Treijan, please." pakiusap ko

"Sabi ni Ryle, pinalalayo niya ako sa 'yo. I'm sorry, Shantelle." tuluyan na siyang lumayo, and I was left here, hurt.

Bakit?!

Bigla akong nagalit kay Ryle. He has no right to do that, to tell Treijan those lies! Kaya sinugod ko siya, never minding those people around us. Pero nasaktan ako nang marinig ang sinabi niya. Hindi ko napigilan, nasaktan ko siya physically.

Am I really desperate?

Nakaupo ako mag-isa sa cafeteria. Wala akong magawa. I was planning to call Xyle, but I know she's busy.

Nagulat ako nag maupo si Eycee sa kaharap kong upuan. She's looking sternly at me. Parang natakot naman ako bigla.

"Marra messaged Xyle to talk to you, but Xyle couldn't go." seryoso siya at tumawag ng waiter. Pero wala siyang matawag. "Damn it!" sabi niya at tumayo, pero saktong pagtayo niya ay nabangga niya ang isang freshman na may dalang fruit shake, avocado flavored pa kaya naalala ko si Ryle.

"S-Sorry po," hindi mapakaling sabi ng bata. Si Eycee naman ay nakakasindak na ng tingin.

"Fuck, are you even looking at your way? Are you dumb?" galit na tanong ni Eycee. "You know what? Kaya ka binigyan ng mata, para tumingin ka sa daan mo. Eh, kung tatanga-tanga ka lang naman, you should donate your eyes to those blind people! Wala rin namang silbi sa 'yo." inawat ko na si Eycee dahil paiyak na ang freshman.

"Ahh, Eycee, careful with your words." sabi ko at nginitian ang freshman student. "Be careful next time. I'm sorry sa mga sinabi niya. You can now go." mabilis na umalis ang freshman. Ako naman ay kumuha ng tissue para mapunasan ang braso si Eycee na natapunan ng shake.

"You're defending her?!" inis na tanong ni Eycee, nginitian ko naman siya bago umiling.

"No, I just pity her after hearing your blunt words." sabi ko at tinapon sa trash can ang tissue. Nakita kong napailing siya bago umorder ng lychee juice. Pagkabalik niya sa table ay seryoso lang siyang nakatingin sa 'kin.

Enemies Turned into Lovers (Good Girls Series #3)Where stories live. Discover now