Chapter 28: Introduction

26 4 8
                                    

His Side

Sinagot niya na ako!

Nakangiti akong naglakad papasok ng bahay. Alam ko ring pagagalitan ako ni Mama dahil maga-ala una na ako nakauwi. Pero okay lang namang pagalitan nila ako, at least sinagot na ako ni Shantelle.

Nakangiti akong umakyat ng hagdan, nang makaakyat ako nang tuluyan, doon ko naman naramdaman ang uhaw. Bumaba ulit ako at pumunta sa kusina para uminom ng tubig.

Pagkainom ko ng tubig ay nagdesisyon akong maligo. I was about to go upstairs when I heard a familiar voice. Hinanap ko kung sino yun, at nakita ko si Mama sa backyard. May kausap sa phone. Nagtago ako sa likod ng nakabukas na pinto at sinilip siya sa maliit na siwang.

"Wil, natatakot ako. Any time, he can hurt me." huh? Sinong Wil? At sinong mananakit? "Matagal na siyang kinukutuban sa mga nangyayari. Ayoko, ayoko!" pabulong niyang sabi. Kita ko ang takot sa mukha ni Mama habang palakad-lakad siya hawak ang phone na nakadikit sa tenga niya. "You know we can't do that! May anak ako! I love him and I can't---how dare you!"

Sino ang kausap niya? Bakit parang iba ang pakiramdam ko doon? Lalabas na sana ako mula sa pinagtataguan ko nang may mauna sa akin.

"H-Hon," sabi ni Mama, nakatingin sa pinto.

"Who are you talking with?" seryosong tanong ni Papa, napakagat na lang ako sa ibabang labi ko. Alam ba nilang narito ako? At naguguluhan ako sa mga narinig ko mula kay Mama.

"A-Ah, kausap ko lang s-si... Wil---Wilma." yung Mama ni Karlo? Bakit? Bakit sila mag-uusap?

"Hmm, anong pinag-usapan niyo?" seryoso pa ring tanong ni Papa. Nasa likod ang kamay niya habang naglalakad papalapit kay Mama na mukhang kinakabahan.

"We're talking about business, nakakakutob na si Papa na may problema tayo kaya inaaya niya akong magpunta sa ibang bansa. Magtatayo kami ng ibang business doon, pero hindi ako pumayag. Ayokong iwan si Ryle." seryoso rin ang boses ni Mama. Bumuntong-hininga naman si Papa at tumango.

"Go to your room, sleep now." kumunot naman ang noo ni Mama sa sinabi ni Papa.

"Hindi ako matutulog sa tabi mo?" tanong ni Mama na parang maamong tupa na nakatingin kay Papa. Umiling naman si Papa.

"I have to do something, kailangan kong tapusin ang unfinished business ko dahil tatakbo akong congressman under Mr. Del Mundo." sabi ni Papa na ikinagulat ko. Tatakbo siyang congressman?

"Kumusta yung business niyo ni Grace?" tanong ni Mama na ngayon ay nakahalukipkip na.

"Oh, c'mon, Lene! Hindi ba dapat ako ang nagtatanong kung tapos na ba yung business niyo ni Wilton?" sarcastic na tanong ni Papa. Kita ko naman ngayon ang galit ni Mama.

"Wala ka bang tiwala sa akin?" seryosong tanong ni Mama, napainom ulit ako sa baso ng tubig ko sa kaba.

"What if I tell you that I don't have?" diretsong tanong ni Papa, maluha-luha naman siyang tiningnan ni Mama.

"Tanggap ko namang hindi na kita mabibigyan ng an---"

"Hindi ito tungkol doon, Mylene. I already have Ryle as my son. What we are talking right now is your affair with your damn employee!" sigaw ni Papa, napapikit naman si Mama. Muntikan ko nang mabitawan yung baso sa gulat.

No, that's not true.

Walang relasyon si Mama at kung sino mang Wilton yun! Mom has been so loyal to my father since then, it's not possible for Mama to have that affair with someone else. Parang bigla akong nanghina. Ayoko nang ituloy ang pakikinig ng usapan nila dahil nai-spoil yung saya ko dahil sa nangyari kanina.

Enemies Turned into Lovers (Good Girls Series #3)Where stories live. Discover now