Chapter 31: Oath

28 4 8
                                    

His Side

Tapos na ang Christmas break, ibig-sabihin noon ay balik-university na kami. Sabay kaming pumasok ni Shantelle ngayon, sinundo ko siya dahil sabi niya ay sira raw ang brake ng kotse niya.

"How's your week?" tanong niya. Simula kasi nung insidenteng 'yon ay hindi na kami nagkita pa ulit. Hindi rin ako umuwi sa bahay dahil naiinis ako. Unti-unti akong nadadala sa isipang paano kung totoo yung accusations ni Papa kay Mama? "Hey!" tawag ni Shantelle, tumingin ako sa kanya pero ngumiti lang siya. "You're spacing out."

"Hindi okay ang weekend ko..." sabi ko at sumimangot, kumunot naman ng noo niya at tumingin sa akin. "Hindi kita nakita, eh, paano ako sasaya? Eh ikaw yung euphoria ko?" nakasimangot kong tanong. Nag-iwas lang siya ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.

"B-Bilisan mo na nga!" malakas na sabi niya kaya napangiti ako. Pumasok kami sa unang klase namin at wala pa ang professor. Umupo agad ako sa seat ko.

"Hey," napatingin ako kay Lance na bumati sa akin. Tinanguan ko siya.

"Bakit?" tanong ko.

"Wala," umiling siya. Napaismid na lang ako. Malakas ang tama ng isang 'to.

I looked at Shantelle who's reading her book silently. Inilapit ko ang armchair ko sa kanya at saka ko sinandal ang ulo ko sa balikat niya. I heard her gasped out of astonishment.

"Ryle!" pilit niya kong tinulak pero hindi ako nagpatinag.

"Just let me be here for a while, please." malambing na bulong ko, tumigil naman siya sa pagtulak sa akin.

"Nasa klase tayo." she whispered again, umiling ako at pumikit.

"That's true, my week has been a sad one." bulong ko, napatigil naman sya. Ramdam ko rin ang pagtitig niya sa akin. "I missed you, love." nagmulat ako at tinitigan siya.

"I missed you." bulong niya at binaba ang libro.

"Ayiiiieeeh!" napaayos ako ng upo nang magkantyawan ang mga kaklase namin. Nangunguna dito yung kaibigan ni Shantelle na si Glaizza. Napailing na lang ako at napangiti.

"Yung dating magkaaway, sila na ngayon!"

"Kaya nga, eh!"

"'Wag mo na akong aawayin, Seth, ah? Baka magaya tayo d'yan. Hindi ko masikmura."

"Eww, ikaw pa talaga, Glaizza?"

Natawa na lang ako sa mga narinig ko.

"Parang dati nga lang, bangayan lang kayo nang bangayan ni Shantelle. Who would have thought that enemies like you could turn into lovers?" tanong ni Lance, umiling na lang ako.

"You should find someone too." suggest ko.

"How can I find someone if I don't know what to find?" tanong niya. Natigil ang pag-uusap namin nang may dumating na professor.

NASA second subject na kami, nakikinig lang ako ng ayos na paminsan-minsan pang tinitingnan si Shantelle na busy sa pagsusulat ng notes.

"So, we'll have an activity by pairs." sabi ng professor na nasa unahan.

"Ano ba naman 'yan? College na tayo, ga-graduate na at lahat, may pa-activity pa rin?" rinig kong bulong ng mga kaklase namin sa unahan.

"Umay!"

"Saying something?" tanong ng mataray na professor kaya nanahimik ang lahat. "So, you can choose your pair after I announce the instructions." tumingin ako kay Shantelle, bahagya pa akong nag-pout para magpaawa. Ngumiti naman siya at tumango kaya napangiti rin ako. "With regards of our les---" napatigil sa pagsasalita ang professor dahil may kumatok sa pinto. Iritado naman niyang binuksan ang pinto pero sinalubong lang siya ng mataray na mukha ni Eycee.

Enemies Turned into Lovers (Good Girls Series #3)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora