Chapter 26: Partner

30 4 8
                                    

His Side

“Hey, are you okay?” Today’s Friday, katatapos lang ng exams namin nang mapansin ko ang pananahimik ni Shantelle habang kumakain kami sa Pizza Hut.

“I’m fine,” sabi niya at ngumiti ng pilit, umiling ako habang kumakain ng pizza.

“You seems not,” sabi ko, tumingin sya sa akin. Ngumiti lang ako, “Tell me everything, I’m here to lessen your load.” Ngumiti siya at umiling.

“I know that you have loads too,” sabi niya na tinanguan ko agad.

“Of course, GoSurf 50.” Sinamaan niya ako ng tingin kaya natawa ako, “Yun load ko, eh, ikaw? Giga Surf?” tanong ko kaya lalong sumama ang tingin niya sa akin.

“Line kami eh, sorry.” Sabi niya kaya natawa ako.

“Pero seryoso, you can tell me everything that’s making you that serious.” Sabi ko at inabot ang kamay niya. “Tell me,”

“Family problems,” sabi niya at sumimsim sa iced tea niya. “Alam mo yun? Isang bagay lang yun, pero damay kaming lahat.” Naging seryoso siya habang nakatitig sa kawalan. “Hindi ko inaakala na nakaya ng isang yun yung buong pamilya namin. yung akala naming matagal ng wala, nandito pa rin pala. Sana mahanapan na ng lunas yun.” Gusto ko mang itanong kung ano yung tinutukoy niya, pero alam ko namang sasabihin niya sa akin kung pwede. Pero ngayon, baka hindi pa dahil hindi niya sinabi ng diretso kung ano yun.

“Yeah, the cure is yet to come. It’ll come soon, claim it.” Pinilit kong palakasin ang loob niya, nakita ko naman ang dahan-dahan niyang pagngiti.

“How ‘bout you, alam kong meron ka ring dinadala.” Sabi niya na seryosong nakatingin sa akin. Inosente ko siyang tiningnan bago tingnan yung bag ko at pinakita sa kanya. Kaya ayun, hinampas ako. “I mean, you have problems too.” Napakamot siya sa pisngi kaya natawa ako.

“Bukod sa magiging resulta ng exams at sa pambayad ko ng mga inorder natin, wala naman na.” pagsisinungaling ko, ayokong dumagdag sa problema niya at ayoko rin na mag-alala siya.

Mapaghahalataang may gusto sa ‘kin,

“You sure?” tanong niya, tumango ako at ngumiti ng malawak sa kanya. Kumain lang kami nang biglang may maglapag ng tray sa tabi ko, gano'n na lang ang pangungunot ng noo ko nang makitang yung unggoy.

“Yuck! Bakit ka nandito?!” iritadong tanong ko nang makita si Treijan.

“Ah, ayaw mo ba? Sa tabi na lang ba ako ni Shantelle?” mapang-asar na tanong niya, agad ko siyang sinamaan ng tingin.

“No!” mabilis na sabi ko na tinawanan niya. Naaalibadbaran ako sa itsura ng mokong na ‘to, kala mo naman gwapo!

“First of all,” panimula ni Treijan, nagseryoso bigla ang mukha. “I want to apologize, Shantelle. Hindi ko intensyong masaktan ka, I’m sorry if I decided to choose her over you. Sana magkaayos na tayo---kayo ng kaibigan mo.” Tss! Napairap na lang ako bago magpatuloy sa pagkain. “I’m sorry if I have to be the reason of you and your friends’ conflict.” Tinitigan ko si Shantelle na seryosong nakatitig kay Treijan. Nagpabalik-balik naman ang tingin ko sa kanila.

“I can’t tell you that it’s fine only, I can’t tell that it’s not okay too. I learned my lessons as well,” nakangiting sabi ni Shantelle at tumingin sa akin. Ngumiti siya ng matamis sa akin na parang sinasabing wala akong dapat ipag-alala. Ngumiti rin ang mokong sa tabi ko at tumikhim.

Enemies Turned into Lovers (Good Girls Series #3)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt