Chapter 12: Court

37 3 10
                                    

Her Side

Tulala ako habang naggagawa ng cappuccino kaya hindi ko naiwasan ang sermon ni Chef Von.

"Psstt!" tiningnan ko yung tumawag, kung makasitsit naman 'to! Mukha ba akong aso?! "Anong nangyayari sa 'yo?" takang tanong ni Ryle. Nga pala, hindi niya pa alam. Tanging si Glaiz lang ang nakakaalam.

"Shanty, Ryle, tara, mag-lunch na tayo." aya ni Chef Timmy na hindi namin namalayan ang paglapit. Tumango na lang ako bago tanggalin ang toque blanche, apron at gloves. Inilugay ko rin muna ang buhok kong nangulot mula sa pagkaka-braid. Tinaas ko rin ang sleeves ng suot ko hanggang siko dahil sa banas.

"Hoy!" hinabol ako ni Ryle habang palabas. Bakit ba ang kulit nito?! "Anong order mo?" tanong niya, nagtingin ako sa menu at saka ko tinuro ang fried chicken and rice at isang soda. "Putol ba ang dila mo? Ba't hindi ka nagsasalita?" nagkibit-balikat ako 'tsaka pumunta sa table namin ni Ryle. Siya na ang bahala mag-order noon.

Nilabas ko ang phone ko at tiningnan kung online na ba sila Eycee at Calvin. Pero hindi pa sila online, malamang may klase pa. Maging sila Brent at Treijan ay hindi online. Sila Shanel at Matthew naman ay pumapasok din. Si Ate Sharly ay nasa trabaho. Kaya wala akong ma-contact.

"Oh," inilapag ni Ryle ang pagkain ko sa tapat ko. Wala akong gana habang tinititigan yun. "Hoy, Shantelle Yorenz! Ano bang nangyayari sa 'yo?" clueless niyang tanong na mukhang nag-aalala na rin sa akin. Uminom muna ako ng sprite bago siya tiningnan.

"Sila Xyle at Marra, na-aksidente." malungkot na sabi ko. Kita ko ang gulat sa kanya at hindi nakaimik. Gusto kong umiyak dahil sa lungkot. Mga kaibigan ko 'yun, eh! Parang mga kapatid ko na rin sila. I love them both! I love Marra and Xyle! I can't just sit here comfortably knowing that my friends aren't feeling well.

"Kumusta na sila?" concerned na tanong niya. Napasimangot ako.

"Okay na naman si Xyle, nakausap na nga namin kagabi." sinabi nila Ron at Leo na posibleng hindi yun aksidente dahil nag-imbestiga sila, nagulat kami roon. Sabi naman ni Xyle ay posibleng hindi siya aksidente dahil may nakita siyang something suspicious. Pinagsabihan naman kami nila Tita Miya na 'wag sasabihin kay Marra na alam naming may possibility na hindi yun aksidente dahil ayaw nilang mag-worry si Marra.

"Mabuti naman at wala masyadong nangyari kay Xyle." napasimangot ako sa sinabi niya. Pero tama naman siya, buti na lang wala masyadong natamong pinsala si Xyle. "Eh si Marra?" tanong niya pa, do'n ako nalungkot.

"Wala pa siyang malay. Naka-cast ang braso niya dahil nasuklo, may bandage din ang ulo niya dahil sa pagkaka-untog niya, nagkaroon siya ng mga sugat." sabi ko, napatulala ako sa kawalan. Nagi-guilty ako, nagtampo ako kay Marra. Nakakalungkot na nangyari 'to, tapos hindi pa namin napag-uusapan ang mga nangyari. Pinapangako kong pagka-gising niya, yayakapin ko na siya agad.

Nagulat ako nang hawakan ni Ryle ang balikat ko. Matagal akong napatingin sa kamay niya.

Bakit ba parang ang bait ni Ryle sa 'kin these past few weeks?

"Hindi ko masasabing okay lang 'yan, pero magiging okay rin ang lahat, Shanty." napatingin ako sa kanya, nginitian niya ako ng matamis. Ewan ko, pero nahawa na lang ako sa ngiti ng lalaking siraulo na 'to. Kumain na ako ng lunch, parehas kaming natahimik ni Ryle.

Hanggang sa nag-vibrate ang cellphone ko. Agad ko yung tiningnan at bumalik ang kaba nang makita ang caller ID.

Azeiah Carlene's calling...

Agad ko yung sinagot.

"Kumusta sila Marra at Xyle?" tanong ko,

"Xyle's fine, nakikipag-landian na nga, eh." masyado kong kilala si Eycee at alam kong umiirap siya ngayon.

Enemies Turned into Lovers (Good Girls Series #3)Where stories live. Discover now