Chapter 20: Dinner

25 3 8
                                    

His Side

Inaayos ko ang suot na dark blue long sleeved polo habang nakatayo sa tapat ng gate nila. Ilang beses din akong tumikhim bago naisipang pindutin ang door bell.

“Good evening, Sir Ryle.” Bati sa akin ng maid nila, ngumiti ako bago tumango. “Pasok po kayo,” sabi niya at pinapasok ako. Bitbit ang isang bouquet ng roses at food container na may lamang pagkaing niluto ko mismo ay naglakad ako papasok sa bahay nila. Napatikhim pa ulit ako dahil sa kaba. Hindi ko maiwasang hindi kabahan. Haharap ako sa pamilya ni Shantelle. Hindi naman bago dahil kilala ko na sila simula pa nung bata ako, pero haharap ako sa kanila hindi bilang si Ryle lang. Ryle na anak nila Mylene at Ryan Fortaleza na kaibigan nila Tito Sanjo at Tita Marjorie. Haharapin ko sila bilang official na manliligaw nung babaeng abno.

“Ryle!” sinalubong ako ng nakangiting si Shanty. I smiled upon looking at her. She’s wearing an elegant sky blue dress that hugs her body perfectly. Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Damn it! She’s pretty! “Bakit ka namumutla?” tanong niya nang makalapit sa akin.

“K-Kinakabahan ako…” wala sa sariling sagot ko na tinawanan niya.

“Seriously? Kung may dapat kabahan dito, si Austin ‘yun.” Sabi niya na tinatawanan pa rin ako. Tumikhim ako at binigyan siya ng makahulugang tingin.

“Walang rason para hindi ako kabahan, haharapin ko lang naman yung mga taong maghahatid sa ‘yo patungo sa akin sa altar.” Sabi ko habang nakatitig ng diretso sa mga mata niya. Kita kong natigilan siya sa pagtawa at namula ang mga pisngi niya.

Ngumiti ako, at least nabawasan ang kaba sa dibdib ko. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang pisngi niya bago ibigay sa kanya ang bouquet.

“Ryle!” sigaw ni Tita Marjorie na kabababa lang ng hagdan, bigla niya akong niyakap ng mahigpit at humalik sa pisngi ko. “Nice seeing you, Hijo!” sabi niya kaya napangiti ako.

“Nice seeing you rin po, Tita.” Sabi ko habang nakangiti. “I cooked foods po,” pinakita ko ang mga containers na hawak ko. Agad naman siyang napangiti at parang na-excite sa nakita.

“Manang! Pakikuha naman po nito.” Sabi ni Tita Maj at lumapit ang maid na naghatid sa akin nung isang araw kay Shantelle sa movie room. Kinuha ng maid ang hawak ko at dinala yun sa lamesa.

“Good evening po, Tita.” Napakunot ang noo ko nang pumasok sa loob si Sir Austin, yung secretary ng President ng VU na si Sir Brent. May dala siyang dalawang bouquet, binigay niya kay Tita ang isa. Kaya pala sabi ni Shantelle ay siya ang dapat kabahan dahil nandito rin siya.

“Anong ginagawa ni Sir Austin dito?” bulong ko kay Shantelle na manghang-mangha habang pinanonood si Austin na nakikipag-usap kay Tita. Mukhang nambobola si Austin dahil tumatawang namumula si Tita.

“Ah, ‘di ba sabi ko naman na magdi-dinner ang mga manliligaw namin?” tanong ni Shanty, nakasimangot akong tumango.

“’Wag mong sabihing ikaw ang nililigawan n'yan?” nakasimangot kong tanong kaya nakaani ako ng hampas sa braso mula sa kanya. “Kunwari ka pang hinahampas ang braso ko, for I know gusto mo lang madama ang biceps ko.” sabi ko at tinaas-baba ang kilay. Agad niya akong sinamaan ng tingin.

“Biceps ka d'yan! Sabihin mo na lang kasi na bonak ka! Hindi naman kasi ako ang nililigawan ni Austin, si Ate!” sabi niya kaya napangisi ako.

“Akala ko ikaw eh. Naniniguro lang.” sabi ko at nagkibit-balikat.

“’Wag ka munang magpapaloko-loko mamaya ha? Nandito yung Tita ko galing Laguna, maawa ka naman.” Bulong niya.

Enemies Turned into Lovers (Good Girls Series #3)Where stories live. Discover now