Chapter 29: Cherry Blossom

25 3 9
                                    

His Side

"Bakit ang unfair?" tanong bigla ni Shantelle kaya napatingin ako sa kanya. Pero binalik ko rin agad sa daan ang tingin.

"Alin ang unfair?" tanong ko,

"Nung nililigawan mo ako, lagi kang may pa-bouquet, ngayong sinagot na kita, ni isang tangkay ng kalachuchi wala kang bigay." sabi niya, bahagya akong napatawa. Ramdam ko naman ang sama ng tingin niya sa akin kaya tumigil ako.

"Mamaya mo na isipin ang bulaklak. Malapit na tayo sa first itinerary natin." nakangiting sabi ko habang pinipihit ang manibela.

"Lakas maka-field trip." sabi niya, napangiti ako at inihinto ang kotse nang makapag-park. Lumabas ako at inalalayan din siyang bumaba. I smiled upon holding her hand, I interlocked our fingers as I gently pulled her inside.

"I want our first date as couples to be this memorable." nakangiting sabi ko na nagpangiti rin sa kanya. Hinila ko siya papasok sa simbahan. We made a sign of the cross before proceeding to the fourth to the last row of the church's chair.

"May kinakasal ata?" tanong ni Shantelle, I smiled and shook my head.

"Okay lang 'yan, as long as hindi ka tututol sa kasal, wala tayong problema." nginitian ko siya bago lumuhod at magdasal. Nagpasalamat ako at ipinagdasal na rin ang nangyayari sa pamilya ko, pati ang mga kaibigan ko, pamilya ni Shantelle at ang relasyon namin.

Nang matapos ako ay naupo na ako. Hinintay ko matapos si Shantelle, habang hinihintay siya ay pinapanood ko yung kinakasal na nagbibigayan ng wedding vows. Mukhang kasing-edad ko lang sila, mahahalata naman yun sa mukha nila. Napakabata pa nila kung tutuusin para ikasal, pero hindi mo talaga mako-kontrol ang love.

Naupo si Shantelle sa tabi ko, hinawakan niya ang kaliwang kamay ko gamit ang dalawang kamay niya. Inihilig niya rin ang ulo sa balikat ko. I gave her a sideward glance and smiled after seeing her watching the wedding ceremony being held right now.

"Someday, I'll marry you too." sabi ko, ramdam ko ang pagngiti niya.

"Sabi mo 'yan, ha?" natatawang tanong niya. Tumango naman ako, alam kong ramdam niya yun.

"Oo naman, kahit ikahiya mo pa ako sa harap ng buong mundo, pakakasalan pa rin kita." hinigpitan niya naman ang hawak sa kamay ko.

"Hindi kita ikinahihiya." tiningnan ko siya at nakita kong nakasimangot siya. "Ikinahihiya ko yung sarili ko," this time ay ako naman ang sumimangot.

"Bakit naman? Bakit mo ikinahihiya yung taong gustong-gusto kong ipagsigawan at ipagmayabang sa buong mundo?" tanong ko, napangiti naman siya at napailing ng marahan.

"Ang cheesy mo." natatawang sabi niya, "Sabi ko kasi sa kanila noon, hinding-hindi ako magkakagusto sa 'yo. Wala akong ibang nararamdaman sa 'yo kundi inis." natawa naman ako.

"I guess you swallowed your words." sabi ko, nakangiti ng malawak.

"Do I?" tanong niya, natawa ako at tumango. "Yes, I do. It happens unexpectedly. Ikaw din naman, eh, dati inaasar lang kita na crush mo ako kaya mo ako inaaway, pero ngayon... Ang cheesy mo na 'pag kaharap ako." nakangiti ko siyang tiningnan. Hindi ko makuhang mapikon sa kanya kahit nakakapikon naman yung sinabi niya.

"Sa 'yo lang ako gan'to, Shantelle." tumingin siya sa akin pero nag-iwas lang ako ng tingin. Tumingin ako sa kinakasal ngayon. "What do you prefer, beach wedding, garden wedding, civil wedding or church wedding?" tanong ko na hindi tumitingin sa kanya.

Enemies Turned into Lovers (Good Girls Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon