Chapter 22: Only

27 3 11
                                    

His Side

“Nakakainis ka! I hate you!” na-stuck kami sa traffic, umiinit na ang ulo ko dahil parang hindi umuusad ang sasakyan. “I hate you, Ryle! I hate you!” hindi ko siya pinansin at isinandal ang siko sa bintana. Pinatay ko muna ang aircon at binuksan ang bintana dahil baka maubusan kami ng gas kapag nagtagal pa. “I hate you! You’re irritating me!” sobrang traffic! Kelan ba matatapos ‘to?! “You’ve got into my nerves!” isama mo pa ang babaeng ‘to na kanina pa daldal nang daldal. Wala sigurong balak tumigil. “Nakakainis ka---“

“Shanty, stop. Wala na tayong magagawa, nangyari na.” inis siyang suminghap.

“Na hindi mangyayari kung iniwasan mo!” that caught me off guard.

“Fine, it’s my fault. Pero wala na talagang mangyayari kung iimik ka lang maghapon d'yan.” Mahinahong sabi ko, tinitigan ko siya. Inis siyang humalukipkip pero halata pa rin ang pamumula sa mukha niya.

“You’re seriously getting into my nerves!” bulong niya na narinig ko.

“Eh sa puso mo, wala pa?” nakangising tanong ko,

“Damn you!” sabi niya at tinulak ako, natawa na lang ako at kumuha ng lollipop sa glove compartment. Binuksan ko yun at sinubo. “Hindi ka man lang nag-sorry! Ang kapal mo!” bored ko siyang tiningnan bago ngumiti ng inosente.

“I loved it, so why say sorry?” nakangiting sabi ko kaya halos suntukin niya na ako. Tumawa lang ako at umiwas, sakto namang umandar na ang mga sasakyan sa harap ko kaya nag-overtake na ako sa mga sasakyang nasa unahan ko. Rinig na rinig ko pa ang busina nila kaya natawa ako.

“Hoy! Ang bilis mong magpatakbo!” puna niya,

“It took almost an hour to overcome that heavy traffic, nakakasawa rin.” Sagot ko habang mas dinidiinan ang apak sa gas. Nakita kong may aksidente pala kaya nagka-traffic.

Maya-maya pa ay na-traffic ulit kami. mas mabagal pa nga ngayon ang usad. May daan sa tabi ng high way pero may mga police officers na nakabantay.

May inabot ako sa likod, isang jacket. Binalumbon ko yun at binigay kay Shantelle,

“Anong gagawin ko rito?” nakataas ang isang kilay na tanong niya.

“Ilagay mo sa tiyan mo,” kumunot ang noo niya.

“Huh?” hawot!

“Ilagay mo sa ilalim ng damit mo, sa tapat ng tiyan. Mag-pretend kang buntis.” Lalo pang kumunot ang noo niya at nagsalubong ang kilay.

“Anong gagawin mo?” inis akong napakamot sa ulo, pilit kong hinahabaan ang naturally short temper ko.

“Pretend as my pregnant wife.” Sabi ko.

“May asawa kang buntis?” irita kong tiningnan si Shantelle na manghang nakatingin sa akin. Hindi ko tuloy alam kung totoo bang gulat siya inaasar niya lang ako.

“You’ll do it or I’ll put it inside your shirt for real?” tanong ko, nagpamewang naman siya kahit nakaupo pa rin.

“As if you can?” paghahamon niya, ngumisi ako bago kinagat ang lollipop dahilan para mabasag yun at maiwan na lang ang stick. Tinapon ko ang stick sa labas bago siya ngisian at kagatin ang labi.

“Try me,” mas mapanghamong sabi ko kaya inis siyang umirap at umiling. Ginawa niya nga talaga yung utos ko and that was my cue to blow my horn and do overtaking. “Umarte ka,” bulong ko kay Shanty nang biglang harangin ng isang traffic enforcer ang sasakyan namin.

Enemies Turned into Lovers (Good Girls Series #3)Место, где живут истории. Откройте их для себя