Chapter 6: Date

38 5 49
                                    

His Side

"Hindi mo na ba ako mahal, Ryle?" umiiyak niyang tanong. Ginamit pa niya ang scarf sa leeg niya para punasan ang mga luhang naglalandasan mula sa mga mata niya pababa sa pisngi niya.

"Look, I still like you." I calmly said before holding her hands gently. "But I think, this won't work." lalong humagulhol si Freyah. Napasimsim na lang ako sa avocado shake ko.

"Ryle, I really love you." halos hikain na si Freyah sa pag-iyak kaya na-guilty ako.

"I know, I know." marahang sabi ko at tinapik ang balikat niya. "But please, give me some space." namumula ang mata niya nang tingnan niya ako.

"Space!? Fuck that space!" tumayo siya at binitbit ang bag niya.

"Wait, Freyah!" sinubukan ko siyang pigilan pero tuloy-tuloy lang siyang naglakad palabas. Napailing na lang ako bago bayaran ang mga kinain namin.

Dire-diretso akong sumakay sa kotse ko. Wala naman talaga akong pakialam kung magalit si Freyah sa akin, sanay na akong manakit ng babae emotionally. Pero hindi ko matanggap yung hindi niya pag-respeto sa hinihingi ko. For Pete's sake, space lang yun! Break up lang yun, hindi niya naman ikamamatay kung magbe-break kami!

Umuwi agad ako, nag-shower bago humiga sa kama. Iniisip ko si Shantelle. Yung Babaeng Abno na yun?! I have never imagined that she will be the cause of my break up with someone.

Napaisip ako, sa ilang taon naming magkakilala. Halos umikot na ang mundo namin sa isa't-isa. Magkaibigan ang mga magulang namin, pero kami, hindi magkasundo. Hindi rin naman imposibleng mahulog ako sa kanya.

Pero ang pinagtataka ko... Kailan yun nag-umpisa?

Kanina, habang tinititigan ko si Shantelle. Doon ko lang na-realize na may gusto na ako sa kanya.

Kaya ba lagi ko siyang inaasar? Kaya ba gusto kong laging naiinis siya? Dahil may gusto na ako sa kanya?

~•~••~•~

"Seriously, Dude?! Bakit ako ang kailangan mong isama dito?!" napipikong tanong ni Yuan. "Nananadya ka ba, Dude?!" inis niya pa ring tanong,

"Sshh!" pagpapatahimik ko bago suklayin ang buhok ko gamit ang kamay.

"Alam mong malaking gulo 'to pag nakita ako ni Sharlene!" bulong niya,

"Kung hindi mo sinaktan yung tao, wala tayong problema." sabi ko

"Eh? Gago ka ba, bro?" hindi siya mapakali, palinga-linga siya. Natawa na lang ako nang maalala kung paano siya nabaliw kay Sharly noon.

"Wala si Sharly, may trabaho siya." sinabi ko para matahimik na siya. Napabuntong-hininga na lang siya.

Nandito kami sa ospital ng pamilya ni Shantelle. Magpapaalam ako kung pwede akong mag-intern. Natanong ko na si Eycee kung pwedeng mag-intern sa restaurant at hotel nila. Pumayag naman siya, pero nakataas ang kilay sa 'kin. Ang taray!

"Paano kung dumating? Shit ka, Ryle! You're a piece of shit!" sinamaan niya pa ako ng tingin, natawa lang ako.

"Tell me, hindi ka pa ba nakaka-move on? Yuck!" pang-aasar ko,

"Yuck din! Kaya nga ako may girlfriend, eh!" umirap siya.

"Bro, hindi lahat ng may girlfriend, hindi pa nakaka-move on kay ex." tinapik ko ang balikat niya at nilampasan siya. Sumunod naman siya agad. Lumapit ako sa reception ng Cortez's Hospital. "Hi, Miss." kinindatan ko ang nurse.

Enemies Turned into Lovers (Good Girls Series #3)Where stories live. Discover now