Chapter 24 : Dizzy

105 4 0
                                        

Cassy's POV:

Hindi ko alam paano ako magrereact sa eksenang nakita ko.

Until now, nananatili akong nakatulala sa lugar kung saan magkahawak kamay pang umalis si Renz at Nathalie. Hindi ko pa din magawang gumalaw sa kinatatayuan ko kahit ramdam na ramdam ko na ang mga mapanuring titig sakin ng mga taong nandito sa cafeteria ngayon. Rinig na rinig ko din ang mga bulungan ng ilan sa paligid ko.

I cant blame them if they are reacting this way. Eh ako nga na alam nilang current girlfriend, di ko alam paano ako magrereact sa eksenang yun. And what I hate the most is why am I feeling this pain in my heart. Dahil ba sa kahihiyan? Or more deeper than that? Di ko na nagawa pang sagutin ang sarili kong tanong dahil naramdaman ko na lang ang biglang paghila ni Dette saken papalayo sa cafeteria.

Di na ako nagreact ng kung ano at nagpatianod nalang sa kanya kahit na di ko alam saan nya ko dadalhin.

“ Ok ka lang ba Cassy?” tanong agad saken ni Dette pagkaupong pagkaupo naming sa loob ng kotse nya. Ni hindi ko na namalayan na dito nya ako hinila papuntang parking lot dahil tila na-blanko ang utak ko sa eksenang yun nila nila Renz at Nathalie.

“ I’m fine Dette. Bakit naman magiging hindi ako ok?“ kalmadong sagot ko kay Dette pero di ako makatingin sa kanya derecho dahil baka mahalata nyang nagsisinungaling ako.

“ Sus! Wag ako Cassidy. Para saan pa at bestfriend moko? Kilalang kilala kita no. At sa nakikita ko, 100% sure akong di ka ok. Selos ka teh? “ Napatingin ako bigla kay Dette dahil sa biglang tanong nyang yun saken. Only to find her amused and playful face. Haist. Kung pwede lang talaga na sabihin sa kanya ang arrangement namin ni Renz para mas maintindihan nya ako, ginawa ko na. Kaya lang di pa pwede eh.

“ Hindi ako nagseselos ok. May t-tiwala naman ako kay R-Renz. “ iwas tingin ko na namang sagot sa kanya.

“ Really? You’re not jealous kahit magkahawak kamay silang umalis ni fafa Renz? “ nahimigan ko na naman ang pang-aasar nya sa mga tanong nya. This time di ko naitago na tila nasaktan ako sa sinabi nyang yun. Alam kong kitang kita nya paano ako nagreact sa tanong nyang yun na di ko man lang nasagot. Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya.

“ Haynaku! Kakatamad na pumasok ngayon teh! Tara at tayo'y magliwaliw nga! “ Di na ako nakatutol pa ng bigla nyang paharurutin ang sasakyan nya papunta sa di ko alam. Baka nga ito ang kailangan ko din talaga sa ngayon. Kailangan ko ng mapaglilibangan.

Halos napanganga ko ng makita kung saang lugar ako dinala ni Dette. Sa restau bar lang naman ni Renz! And by the looks of it, mukhang wala syang idea na kay Renz to. Nagpatianod nalang din ako sa kanya ng hinila nya ako papasok, for sure  naman wala dito yung mokong na yun dahil bihira lang din naman sya dumaan dito dahil tiwala sya sa taong pinagmamanage nya dito.

“ Bakit sa ganitong lugar moko dinala Dette? “ takang tanong ko. Sa tagal kase naming magkasama ng babaing to, never pa ko niyaya neto sa mga bar. Kikay lang tong bruhang to pero di ito gimikera. Mas gusto pa netong tumambay sa kitchen at garden nya kesa sa mga ganitong lugar. One thing nga to sa nagustuhan ko sa kanya, kase good influence sya saken.

“ maganda kase feedback na naririnig ko bout this place. Saka para maiba naman tau teh. Saka minsan lang naman. Sayang naman kase pagiging young, wild and free naten! Ay cross out mo pala yung wild, di pala tayo ganun. “ sagot nya with matching make face pa. Natawa naman ako dahil dun.

“ Nakooooooo! Yan ang kanina ko pa hinihintay sayo eh. Sa wakas at napangiti din kita kahit paano. “ sabe nya ng may pagkurot pa sa pisngi ko.  Saka nya ako hinila paupo sa table na malapit lang sa bar lounge.

I'm A Nerd AND I'm Famous!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon