(Photo of Yummy Renz Anderson on top! :) )
Cassy's POV:
"I will let you if you want to fall for my charm. Who would not be, right?" he even winked after saying that.
I think I just heard the most nonsense things I ever heard my whole life. At di na ako magtataka kung manggagaling yun sa ubod ng yabang at damuhong Renz Timothy Anderson na to!
Ang mas pinagtataka ko pa nga eh kung saan nya hinuhugot ang ubod ng taas nyang confidence! Di porke gwapo sya at maganda ang katawan,
- Hindi ko sya pinupuri ah!Yun naman kase talaga ang totoo, ok! - eh feeling nya lahat ng babae eh magkakandarapa na sa kanya! Well, ibahin nya ako. I won't fall for his charm ever!
"Masyado bang maganda ang view, babe? " tila nagising ang diwa ko mula sa malalim na pag-iisip ng marinig ko ang sinabi nyang yun. I blushed kahit ayoko! This jerk! Iniisip nyang gwapong gwapo ako sa mukha nya kaya ako nakatitig! And what's with him calling me Babe?! Ugh!
Di ko na naituloy pa ang dapat sanang pagsagot ko dahil naramdaman kong bumaba sa bewang ko ang kamay nya at mas hinapit pa ako palapit sa kanya. That made me gasp aloud and blushed even more. This is the first time na may lalaking nakalapit, nakahawak, at nakagawa sa akin nang ganito! And I don't even know what to do! Feeling ko tuloy mukha nakong timang ditong nakatitig lang sa kanya habang nanglalaki ang mga mata ko.
No Cassidy! This is so not like you! di ako papayag na basta na lang masira ang image ko as "the untouchable nerd" sa school na to! Not ever! Lalo na kung dahil lang sa lalaking to!
" Let go of me. " di makatingin kong sagot sa kanya. I started trying to push his chest pero walang epekto. Ano bang katawan meron to? Ang tigas eh!
" Is that your way of saying thank you? Let me remind you babe, I just saved your face from hitting the floor. " tila nang-iinis nya pang sagot saken. If not only for his famous smirk na nakapermanente na yata sa mukha nya, eh baka maniwala pa akong maganda talaga ang intention nya sa pagsalo nya saken. At saka isa pa, di ko naman sya inobligang saluhin ako ah!
" Look Mr. Anderson, can you please let me go? We can talk but not this near! Can't you see that we're already making a scene here? Kailangan talaga nakayakap ka saken? " nagawa ko ring titigan sya sa mata nya habang dere derecho akong nagsalita. Pero mas lalo lang ata akong nailang ng mapansin kong di sya sa mata ko nakatingin, kundi sa labi ko! Suddenly I feel conscious. Strawberry lip gloss naman ginamit ko kaninang umaga diba? Mabango naman un saka maganda sa lips diba? Ugh! Cassidy?! Umayos ka?!
" I'll let you go but you have to say the magic words first. " I can see the determination in his eyes. Mukha talagang di niya ako bibitawan unless marinig nya ang gusto niya marinig. Napalunok ako dahil sa kaba. Sa totoo lang, kanina pa ako kabado dahil sa eksena naming ito. Ramdam na ramdam ko ang mga nanunuot na tingin ng mga taong nakapaligid, ang dami ng nakikiusosyo, yung iba nga mga nagbubulungan pa. I can see the disgust in most of their faces. Di na ako magtataka, their most adored king is holding me close. Ugh. Bwiset talaga tong damuhong to kahit kailan. Daming pakulo!
" F-Fine! T-Thank you! Thank you for catching me! O ayan. Sinabi ko na! Let go of me now! " I didn't even look at his face when I said that. Baka mas lalo lang ako mairita at di ko pa masabi.
"Wrong answer. That's not the magic words. Try harder, babe. " this time napatingin akong muli sa sobrang lapit nyang mukha sakin. I don't really mind how near he is because I'm really pissed.
" Pinagti-tripan mo ba ako Mr. Anderson? " taas kilay kong tanong sa kanya. Sinasalubong ko talaga ang tingin nya just for him to know how pissed I am! I even want to punch his annoying face right now!
YOU ARE READING
I'm A Nerd AND I'm Famous!
Teen FictionCassidy Victoria Moore (Irene of Red Velvet) An eighteen year old college girl living an upside down yet normal nerdy life, & at the same time, a fabulous & successful celebrity life?! How possible it can be, right?! Well, believe it or not, Cassi...
