Chapter 9 : Brixy

181 7 0
                                        

Cassy's POV:

" Mommy, I'm home! Andyan na po ba si Brixy?! " sigaw ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng bahay dahil alam kong di nya ko maririnig, for sure andun na naman si Mommy sa veranda tumatambay habang walang sawang pinagmamasdan na naman ang mga tanim niyang bulaklak. Yes, my mom loves flowers as much as she loves cooking and baking. Mga katangian na di ko minana sa kanya.

Mom and I are the exact opposites when it comes to our hobbies. She's the home buddy type while I'm the outgoing and adventurous type. But when it comes to physiques, people say I'm the exact replica of my mother. Sobrang kinis at puti kase ni Mommy! Mala-labanos talaga. People say Im very lucky dahil namana ko iyon.

" Mam Cassy, naliligo lang ho ang mommy niyo. Pinapasabi nya nga po saken na iinform daw po kita agad na andun na sa kwarto niyo si Papa Br-este Sir Brix po pala. " tila kinikilig na sabi saken ni Adelle, ang pinakabata naming kasambahay dito, and my most favorite as well. Super crush kase nito si Brix, ultimong lahat ng telenovelas ni Brix napanood na nya, updated din sya sa lahat ng shows and take note, lahat ng paborito ng bestfriend kong yun alam na alam netong si Adelle.

" Sus. Wag ako Adelle. Sige na, ilabas mo na yang iniimpit mong kilig! Kinindatan ka na naman ba ni Brix?" Kahit di nya sabihin saken, alam kong oo! Loko talaga yung mokong nayun. Kaya patay na patay sa kanya tong isang to eh. Pero wag kayo, hanggang pang-iidolo lang daw talaga sya. Dahil botong boto daw sya sa loveteam naming dalawa. Kame daw for sure ni Brix ang magkakatuluyan. Natatawa nalang ako pag sinasabi yun ni Adelle. Imposible naman kase. Tsk. Parang kapatid lang turing sakin ni Brix, at ganon din naman ako sa kanya.

" Wag kana pala sumagot Adelle, halos ipagsigawan na ng reaction mo eh! " asar ko sa kanya na ikinapula ng mukha nya.

" Eto naman si Mam. Wag ka na magselos. Sige na mam pumanhik ka na sa kwarto mo. Kanina pa naghihintay forever mo dun eh. Ayieee! " I just rolled my eyes on her at di na pinansin pa mga pang-aasar nya saken. Isa lang naman ending nyan eh. Ipipilit nyang kame nga daw ni Brix ang magkakatuluyan. Haynaku.

I am about to open the door in my room ng umurong ulit ako. Para akong tanga dito. Kanina pa ko urong sulong. Ewan ko ba kung bakit kinakabahan akong harapin si Brix ngayon. Baka kase alam kong may kalokohan akong ginawa? Kalokohan bang matatawag yun?! Wala lang naman akong choice eh! I just need to find solutions to my problem. Lalo na't alam kong makakasira ng bongga sa career na pinangangalagaan ko. haist! Bahala na nga!

Desidido na sana akong muling buksan ang pinto ng kusa itong bumukas at iniluwa ang gwapong mukha ng bestfriend ko. kung dati rati nakangiting mukha nya ang dinadatnan ko, sobrang seryoso naman ang isinalubong nya saken ngayon. Nakaramdam na naman ako ng kaba. Di talaga ako sanay na ganyan sakin. Mukhang mahaba habang sermon toh! Wahhhh!

" Kanina ko pa alam na nandyan ka kaya pumasok ka na. Wag mo na dagdagan badtrip ko ngayon araw na to Cassidy. " Napalunok ako. Naloko na. binuo na pangalan ko. He often calls me Cassy.

" Brix, Im so sorry if di ko to agad nasabi sayo. Kailan lang naman kase nangyari eh. At saka wa-"

" Boyfriend mo ba talaga yung Renz na yun? " he seriously asked after cutting me off. Shocks. How am I gonna answer. Di ko kayang sabihin sa kanya ang pagpapanggap naming ito ni Renz. Not until magkausap kame ulit ni Renz. Marami pa kaming dapat linawin sa pretend relationship na to. At malakas ang pakiramdam kong maghahain din sya ng conditions nya. For sure isa dun na bawal ipagsabi sa iba ang deal na meron kame. Haist.

" Y-Yes. " di makatinging sagot ko.

" Kailan pa? "

" Ahm, few days ago? " sagot ko na sinamahan ko pa ng pilit na ngiti. Jusmiyo. Pinagpapawisan ako kahit ang lakas ng aircon dito sa room ko. para akong nasa hot seat!

I'm A Nerd AND I'm Famous!Where stories live. Discover now