Cassy's POV :
Today is the day.
The Basketball Championship Tournament!
And its a no ordinary day for Brenton U. Its a very very special day not just for the players but for all of the students. Its our alma matter's pride and glory.
The school has a valid reason on why they've been giving the basketball team a very special treatment. They are all scholars and even have their own building that is not shareable to other students. Brenton U is well known for all the trophies and achievements the basketball team has brought over the years. And very well known din ang aming school dahil sa mga bigating guest na nagpepresent before the tournament. Last year nga, kilalang singer din ang nagperform eh.
This year, bali-balitang matindi din ang makakalabang team nila Renz na mula lamang sa kalapit na University. Kaya di kona sya halos makasama at makausap after the day na nirequest nya saken kung pwede ang topstar side ko ang maging guest performer ng kanilang team.
Napapikit ako ng mariin ng maalala ko na naman yung araw na un. I cannot commit dahil kilala ko si Lyka. Siguradong di ako papayagan nun dahil iniiwas ako nun sa issue. Wala sanang problema kung guesting lang kaya lang I am known na tumatanggi sa guesting pag mga liga or kung anumang palaro pa yan. Kahit national event pa yan. Ayaw ni Lyka eh. Di daw bagay sa image ko. Di naman daw kailangan lahat ng event na porket afford ang TF ko eh grab na namin agad. Mapili talaga sya. Eh lalo pa kaya to na laban lang ng basketball between Universities.
Ilang araw na talaga ako nasstress sa totoo lang. Ni di ko man lang naexplain kay Renz ang side ko dahil umalis din sya agad pagkatapos nya akong sabihan ng " I will be expecting you Cassidy. Di na ko kukuha pa ng iba. Ikaw lang ang gusto ko."
And then after that, di ko na nga sya nakausap dahil sobrang busy na nila sa training. Di na din sya umuuwi sa guest house namin. Mukhang okay na ulet sya mag stay sa place ni Sir Vince. Mabuti na din yun dahil nakauwi na si Daddy nung isang araw. Di pako ready magkaharap sila.
Back to my problem, kanina ko pa tinitingnan si Lyka with puppy eyes. Magkatabi kame ngayon sa sasakyan at kagagaling lang sa isang photoshoot. Kulang kulang one hour na lang at magstart na ang Basketball tournament sa school. Sa Brenton U kase ang napiling lugar na pagdarausan neto ngayong taon.
"Wag mo kong tingnan ng ganyan Cassidy. I said NO. Masisira lang ng pipitsuging event na yan ang ilang taong pinaghirapan naten sa career mo. Sa tingin mo ba di nila uusisain kung bakit ka pumayag mag guest dun? At saka bakit ba pilit na pilit ka magguest dyan? I am not buying your reasons Cassy. Na dahil alma matter mo ganun? Oh come on Cassy, I know you." Mahabang litanya ni Lyka. Seryoso talaga ang mood nya. Lalo tuloy ako nastress. Pag ganito sya magsalita, final decision na talaga nya yun.
Oh God. Ano ba gagawin ko? Di ko naman pwede sabihin na dahil boyfriend ko si Renz. Mas lalo ako malilintikan pag ganun. Hanggang ngayon kase, wala pa talagang alam si Lyka. Nakiusap din ako kay Mommy na wag sabihin dahil kilala ko nga tong babaeng to, for sure pag nalaman nya totoo, uusisain nya lahat at malakas pakiramdam kong pati pagpapanggap namin ni Renz ay malalaman nya. Lagot ako pag nangyari yun.
"Fine. Payagan mo na lang akong manood ok. Wala naman na akong commitment diba. Can I just watch Lyks pleaaaaassse? " binigay todo ko na pagpapaawa effect ko baka sakaling umeffect.
"Eh bakit ba bigla ka naging interested sa mga events ng school nyo? Dati naman ayaw mo ah. Mas gusto mo pa nga magpahinga eh. " Bigla naman akong napaiwas ng tingin sa kanya. I blushed kahit na alam kong wala naman sya ibig sabihin sa tanong nya.
" Hmmmm. Dahil ba dun kay poging boylet last shoot. Yung Renz ba yun? Balita ko basketball player sya ng school niyo ah? "
Tila mas lalo nag init ang pisngi ko sa tinuran nya. Bigla kong sinabihan ang driver namin na itabi na nya at bababa na ako. Mabilis kong sinuot ang mask at cap ko saka walang salitang bumaba at naglakad palayo sa sasakyan namin bago pa man ako mapigilan ni Lyka.
YOU ARE READING
I'm A Nerd AND I'm Famous!
Teen FictionCassidy Victoria Moore (Irene of Red Velvet) An eighteen year old college girl living an upside down yet normal nerdy life, & at the same time, a fabulous & successful celebrity life?! How possible it can be, right?! Well, believe it or not, Cassi...
