Cassy's POV:
Hayyy.. I sighed for I don't know how many freaking times already! Its Monday and yeah, I am starting the week like this.
Panong like this ba kamo ang ibig ko sabihin?
Well, para lang namang akong timang kanina pa nakayuko dito sa table sa sulok ng cafeteria habang manaka naka kong inuuntog ang sarili ko. Pero mahina lang naman. Di naman ako ganun kasidasta sa sarili ko. At mabuti na lamang eh maaga pa at wala pa halos tao dito sa cafeteria.
And why I am doing this to myself? Ugh. I don't know either! All I know is di pa din ako makaget over sa nangyare saken, samen ni Dette, at lalong lalo na samen ni Renz over the weekend!
I mean, about Dette finding out that I am her most idolized top star and Renz kissing me in public! Well, yung samin ni Dette, medyo nakahinga na ako ng maluwag dahil kahit paano eh nakapag usap na kame thru call pagkauwe namin ng bahay nung araw na yun. I made sure I explained my side very well and I am happy na naintindihan nya ako. Though di pa din syempre maiaalis sa kanya na sabihin sa akin mga sama ng loob nya. Tinanggap ko lahat yun at inihingi ko sa kanya yun lahat ng tawad.
Actually as a proof na ok na talaga kame, well kasama ko lang naman sya ngayon right at this very moment. Maaga din sya pumasok at kasalukuyan ding nasa harap ko at tila tuliro din. Though wala pa sya kinukwento saken, alam kong there's something going on her.
"Hayyy." Sabay pa naming buntunghininga this time. Nagkatinginan kame at biglang tumawa ng malakas. Napatingin tuloy ang mangilan ngilan ng tao dito sa amin. Para kameng baliw dalawa kung titingnan. Hahaha.
" Care to share? " ako na naunang bumanat. Baka mamaya ako pa kulitin nya. Parang di ko yata kaya i-share yung nakakahiyang nangyari na yun saken. Baka sabihin pa ni Dette nagiging wild na ko! Jusme.
" S-Share what? " Bigla syang namula habang sinasabi nya yun. Matiim ko tuloy syang tinitigan. Hmm... There's something fishy talaga eh.
" Haynaku Dette ah. Wag kana magmaang maangan saken. Kilalang kilala kita pag may nagpapastress sayo. Ano ba yan kase? Kanina ka pa kaya dyan ang lalim ng iniisip. " Mahabang sermon ko. Mukhang kailangan ko pa tong pigain bago umamin saken eh.
" Aba Cassy, ako lang ba? Eh ikaw, care to share din? Kilala din kitang bruha ka. What's your problem this time? Oh, let me rephrase my question this time. I mean, WHO is your problem this time?" Taas baba pa kilay nya at nakangisi ng nakakaloko habang sinasabi nya yun. Ako naman ang nagblush ngayon. Gosh. Ang galing talaga netong babaeng tong manghuli eh.
" Alam mo Dette para fair, wag nalang muna tayo magshare ngayon. Saka na pag ready na tayo. Di ko pa kase kaya ikwento eh. Nakakahiyaaaaa! " I screamed habang takip takip pa mukha ko. For sure sobrang pamumula ko na ngayon. Bigla ko na naman naalala nangyari after I realized that Renz is really kissing me publicly.
Wanna know what happened?
I slapped him. Yeah, you heard me right. I slapped him! Bigla ako nakaramdam ng hiya nung matauhan ako at marealize kong we are making out in public. I immediately pushed him and slapped him. Kahit ako nagulat sa ginawa ko! Kaya idinaan ko nalang sa pagwo-walk out ang lahat. Dali dali akong sumakay sa taxi at dumerecho nang uwi. Di pa kami nagkikita after nun. Di sya sa guest house namin umuwi. Ni hindi nya rin ako kinontak after ng pangyayaring yun.
Gosh. Is he mad at me? But why?! I'm the one who should be mad!
Now you all know bakit ako ganito. Monday na Monday eh stressed agad. I've been thinking a lot kung paaano ko ba sya haharapin today sakaling our paths crossed.
" Huy teh! Ano na? Kanina pa kita tinatawag di moko sinasagot. Mukhang sobrang lalim na naman iniisip mo. Sabi ko, fine. Sige saka na naten open up sa isat isa. Ako din kase di ko pa keri ikwento." Napangiti naman ako kay Dette. One of the reasons why I love her. Makulit lang sya pero sobrang understanding. Swerte talaga magiging boyfriend netong bestfriend ko na to eh.
YOU ARE READING
I'm A Nerd AND I'm Famous!
Teen FictionCassidy Victoria Moore (Irene of Red Velvet) An eighteen year old college girl living an upside down yet normal nerdy life, & at the same time, a fabulous & successful celebrity life?! How possible it can be, right?! Well, believe it or not, Cassi...
