Chapter 19 : Fiancee

304 11 4
                                        

Cassy's POV:

Two weeks has passed, masasabi kong maayos naman ang naging takbo ng pretend relationship namin ni Renz. People within our university doesn't suspect us anymore on whether our relationship is real or not.

And the main reason behind that is Renz himself. Why? Well he's so sweet in our every pretentions. Yung kulang na lang eh langgamin na kame sa sobrang kasweetan nya. Yung tipong gustong gusto ko na sya suntukin sa lahat ng kamanyakan nya saken pero di ko magawa dahil nga di naman pwedeng mabuko kami.

I can say that all is well except for one part. Kaming dalawa mismo. Kaming dalawa pag kami na lang. Magulo ba? I don't know why Im feeling this way towards him pag kami na lang ang magkasama pero sigurado akong there's something different with the way he is treating me now than before. I mean, all in all ganun pa din naman sya saken, sweet, kung makayakap at makahapit kala mo eh totoong boyfriend ko, nakatira pa din naman sya sa guest house namin, at super close na sila ni Mommy.

All is still the same except for one thing. His kiss. Yep as in kiss or halik nya. He's not making any attempt to kiss me anymore. There are times na mapapatigil kame at magkakatitigan kame, pero sya din umiiwas. Kahit na kitang kita ko naman sa mata nya na nakatingin sya labi ko at tila gusto akong halikan. Am I just being assuming? Haynaku! Whatever. I don't even know why Im thinking this nonsense. Mas makakabuti pa ngang ganito ang nangyayari. Kung tutuusin wala naman talaga sya karapatan gawin saken yun. Di ako affected. Naninibago lang ako. Oo tama yun lang yun.

I am currently walking making my way to my last subject ng biglang may humigit sa braso ko. Muntik na akong mapatili sa sobrang pagkagulat pero agad din namang natakpan ng taong yun ng kamay nya ang bibig ko kaya di ko na naituloy pa.

" Kainis ka Brix! Anong trip mo ngayon ah! " Pinaghahampas ko talaga tong kumag kong bestfriend pagkakitang pagkakita ko na sya pala yun. Ang loko tawa lang ng tawa. Infairness sa kanya, di na sya nagdidisguise pag nasa school sya. Alam na naman ng lahat na dito sya nag-aaral at isa pa, Malaki ang tiwala namin sa security ng school na to. Mahigpit talaga. Kudos to Prinicipal Vince Greyson for that.

" Eto naman! Namiss lang kita eh. Bihira na kita makasama Cass. Masyado ka nang busy sa boyfriend mong ugok. " Napatawa naman ako dahil dun. Niyakap ko sya bigla tulad ng dati kong ginagawa pag nilalambing ko sya. At tulad ng dati, tila naramdaman ko na naman na nanigas ang katawan nya. Ewan ko ba dito kay Brix kung bakit nagkakaganun pag niyayakap ko. Di na nasanay sanay. Arte talaga!

" Wag ka nag magtampo Brixy. Promise babawi naman ako this coming weekend. Yun eh kung di ka busy. At saka hoy ah! Mukha namang pinagpalit mo na din ako kay Dette! Kala mo di ko napapansin? Lagi kayo magkasama kahit na para naman kayong aso't pusa! Ikaw ah, type mo ba yung bestfriend kong yun?! " Sabe ko habang nakatingala sa kanya at nakayakap pa din sa kanya. Medyo malapit ang distansya ng mukha nya saken pero wala akong paki dahil di naman ako naiilang. Namiss ko kase talaga tong si Brixy.

" First of all Cassy, di ko type yung babaeng kala mo manok kung makaputak na yon. Palagi lang kame magkasama kase wala kame choice. We're partners for a certain project. Secondly, pwede bang lumayo layo ka na saken dahil kung di mo napapansin kanina pa may mga nakatingin saten. Wag mo dumihan ang napakagwapong image ko. And lastly, alam mo bang kung nakamamatay lang ang tingin kanina pa ako patay at nakabulagta dito? "

Napakunot ang noo ko sa sinabi nyang yun. Di ko kase nagets. Di na ako nagkaroon pa ng chance na magtanong pa kay Brix dahil naramdaman kong biglang may humigit ng bewang ko palayo kay Brix. Nanglalaki ang mata ko sa sobrang pagkabigla dahil sunod kong namalayan na eh nakaharap ako sa napakalapit na mukha ni Renz habang tila galit na nakatingin sya saken. Napalunok ako ng wala sa oras. I have never seen him this mad before. Ano na naman bang kasalanan ko?

I'm A Nerd AND I'm Famous!Where stories live. Discover now