Cassy's POV:
" Tumigil na kayong dalawa kundi pag-uumpugin ko na talaga kayo!" I shouted at last! Kanina pa talaga ako nagtitimpi sa totoo lang! Kanina pa din ako asar na asar dito kina Renz at Brix. Kulang nalang magbugbugan eh!
Andito lang naman kame sa school garden kahit na oras ng klase. Kahit na dapat eh nasa classroom ako ngayon at ineenjoy ang dapat sana'y mga natututunan ko ngayon! After ng eksena ng relationship kuno declaration ni Renz kanina at ang pagbubunyag ni Brix ng mukha niya sa lahat ng tao na nasa loob at labas ng classroom kanina, tuluyan ng nabadtrip ang professor namin dahil nga nagkagulo na tapoa ayaw pa paawat nitong dalawang kumag na to. Kaya ang ending, pinalabas kaming tatlo! Dito na daw namin ituloy ang kung anong eksena namin at huwag idamay ang klase nya.
Oh diba ang saya lang? These two didn't even have a hint kung gaano kahalaga para sa akin ang pag-aaral ko. nakuuuuuu! Kung di lang talaga ako sabit sa kanila, iiwanan ko na talaga sila dito eh! Hayaan ko na silang magbugbugan kung yun gusto nila. Eh kaso nga hindie eh! Hindi yun ang sitwasyon! Ugh!
Mukha namang effective ang pagsigaw kong yun dahil nakuha ko na both ang attention nila dahil tiningnan nila ako. Natigil na din ang walang puknat nilang batuhan ng masasamang tingin. Mabuti na lamang talaga at kami lang ang tao dito dahil oras nga kase dapat ng klase!
" Cassy, we need to talk. Now. " napalunok naman ako sa kaseryosohan ng boses ni Brix. Bihirang bihira ko makitang ganitong side ng bestfriend kong ito. Ako talaga tumitiklop pag ganyan na approach nya saken. It means he's mad. VERY VERY MAD.
" If you want to talk to my girlfriend, you need to get through me first. " seryoso din namang sagot ni Renz. Hinila niya pa ako sa kamay at inilagay na naman sa likod nya. Pero umalis din ako agad at humarang ulit sa gitna nila dahil nakita kong akma na namang sasagot si Brix.
" Hep! Ako lang muna magsasalita pwede? " tiningnan ko sila at hinintay ang sagot nila. Parehas namang paghalukipkip ang ginawa nila. Then I will take that as a yes!
" Brix, I will explain everything to you later. Let me talk to Renz first ok? See you at my room later. Dating gawi. Bye Brixy! " di ko na sya inantay na makasagot. Basta ko nalang hinila si Renz papunta sa kwarto nya sa taas ng basketball building. Buti malapit lang din yun dito sa garden. Dun lang naman alam kong pwede kaming makapag-usap ng safe eh.
Wala kame imikan habang naglalakad kame sa papunta sa tinutuluyan nya. Kung ako badtrip, mukhang mas badtrip ang isang ito. At yun ang di ko maintindihan sa kanila ni Brix, kung meron dapat mabadtrip dito, ako lang yun dapat!
" What the hell was that Renz! " bulyaw ko kaagad pagkadating na pagkadating namin. Nagulat naman sya sa muling pagsigaw ko. Pero ngisi lang ang isinagot nya saken ng makabawi.
" What? I did nothing wrong, babe. " nakakalokong sagot nya.
" Anong wala? You just announced sa buong Brenton U na tayo na! na boyfriend kita! Tapos sasabihin mo wala kang ginawang mali? Ni hindi man lang naten napag-usapan yun! Basta basta ka gumagawa ng decision! "
Nagulat ako ng bigla niya akong hinapit sa bewang palapit sa kanya. Tila naglaho yata lahat ng galit na meron ako at napalitan ng kaba. Ito na naman ung unusual heartbeats ko pag nagkakalapit kame. What's worst is natatameme talaga ako at di ko mapigilan mapatitig sa napakalapit nyang mukha.
" Nakakalimutan mo yata babe, kung ano ang naging sitwasyon kaya tayo ganito ngayon? Di ba ikaw ang may kailangan sakin? Because you need my fuckin' mouth to shut up. I thought it's very much clear to you that you don't have a say on whatever I want to do. As long as you play you're part, wala tayong problema. Unless you have another way in mind on how to shut me up. Just say so, madali ako kausap. Mas mag-eenjoy ako dun for sure."
YOU ARE READING
I'm A Nerd AND I'm Famous!
Teen FictionCassidy Victoria Moore (Irene of Red Velvet) An eighteen year old college girl living an upside down yet normal nerdy life, & at the same time, a fabulous & successful celebrity life?! How possible it can be, right?! Well, believe it or not, Cassi...
