Chapter 27 : Busted

64 5 0
                                        

Cassidy’s POV:

“ Cassy bilis namaaaaan! Male-late tayo nyan eh! “ muli na namang sigaw ni Dette saken. Di ko na nga mabilang ilang beses na nya yan sinabe saken simula ng magkita kame kanina. Andito kame ngayon sa isang kilalang mall sa Manila dahil nga magpapasama daw sya saken sa kung saan. Hindi ko naman sya mahindian dahil nga nangako ako sa kanya na sasamahan ko sya ngayong araw na to kahit pa na may commitment din ako today. Hindi ko pa nga alam ng details dahil ni pagkausap kay Lyka di ko na magawa dahil sa daming ganap sa buhay ko ngayon.

Honestly, kung di lang talaga ako nangako kay Dette, hanggat maari ayaw ko umalis this morning dahil nga wala padin ako halos pahinga! Di nako nakatulog ng maayos after ng sinabe ni Renz saken last night. Kainis! Mukha tuloy akong bangag ngayon. Di ako fresh tingnan. Ang lalim ng eyebags ko! Yari ako neto kay Lyka mamaya, sasabihin nun pahihirapan ko na naman syang takpan ng make up ang eyebags ko. Haist.

“ Eh bakit kaba kase nagmamadali Dette? Sabe mo late afternoon pa ang event na puntahan mo, eh 10am palang oh!” tumigil sya sa paglalakad at paghila saken ng marinig nya ang reklamo ko. Humarap sya saken ng nakapamaywang at naniningkit ang mga mata.

“ Haynako teh ah! Wala ka karapatan magreklamo! Remember, may atraso kapa saken dahil sa mga eksena mo sa bar kahapon ah! Saka nagpromise ka saken ka today eh! “ Di naman ako nakasagot dahil guilty talaga ako. Di ko pa nga alam pano ko sasabihin sa kanya na hanggang lunch time lang ako pwede eh. Hayyy. Bahala na lumusot maya!

“ Oo na, oo na. Sorry na for what happened yesterday. Eh teka san ba kase ang punta naten? “ bigla naman nag iba ang expression agad ng mukha nya. Naging biglang sobrang saya at tila teenager na kinikilig.

“ Eh kase teh, ang totoo nyan. Sasamahan mo ko sa isang fan signing event ng idol kong si Avic Monteza!“ halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat ng marinig ko ang sinabe ni Dette. Wala sa loob na kinapa ko ang cellphone ko at tiningnan ang mga messages ni Lyka saken. I think I almost faint ng maconfirm ko ngang ang commitment na meron ako mamayang hapon eh isang fansigning event at dito nga sa mall na to! Napatampal ako sa noo ko ng wala sa oras. Bakit ba kase di ako nagbasa ng details regarding sa event mamaya! Oh God. Pano ko ba to lulusutan?

“ a-ahmm, Dette kase a-ano eh, di nalang kaya ako sasama? Di ko naman idol yang si Avic Monteza na yan diba?! “ palusot ka na sinamahan ko pa ng ngiti na alam kong pilit lang. Feeling ko tuloy mukha akong tanga.

“ I know! Kaya nga kita sinama eh! Kase gusto kong makilala mo sya. Ang goal ko talaga ngayon eh maging idol mo din sya para naman if ever na magustuhan mo nga sya, edi dalawa na tayo! Tapos lage na akong may kasama sa mga lakad ko sa kanya. O dabaaaa? Ang saya nun tehhh! “ super sayang explain nya saken. Jusme! Mas lalo akong mahirapan makalusot neto eh!

“ Kase Dette, honestly ano, hindi ako pwe--- “

“ I won’t take no for an answer Cassidy Victoria. Magagalit nako talaga sayo! I mean, come on, wala naman masama if you will try diba. Besides nangako ka naman ng time mo saken ngayon eh. Kaya I don’t see the reason bakit parang ayaw mo. “ biglang lungkot ng mukha nya. This time ramdam ko na parang nagsisimula na sya magtampo saken. Kilala ko yan eh. Pag nagalit pa naman yan hirap makipagbati. Hayyyy. God! Ano bang gagawin ko? Mas madidisappoint naman sya kung papalabasin kong di tuloy ang signing event mamaya. Besides, alam kong di papayag si Lyka! Gusto ko ng sabunutan sarili ko sa stress sa totoo lang. I need to think fast!  

Hindi ko alam kung bakit pero si Brix ang unang unang pumasok sa isip ko. Tama! Sa kanya ko hihingi ng tulong since kilala nya si Dette at alam nya sitwasyon ko. Dali dali akong nagtext sa kanya habang si Dette eh naging busy din sa pagkalikot ng cellphone nya. Saktong katatapos ko lang magsend ng bigla na naman akong hilahin ni Dette dahil nga malelate nga daw kame.

I'm A Nerd AND I'm Famous!Where stories live. Discover now