Cassy's POV:
" Are you ok Cassy? " tila nag-aalalang tanong sakin ni Lyka. Mukhang kanina nya pa napapansin na wala ako sa sarili ko. I am not that focused. At aminado naman ako dun. Nakakahiya nga kay Lyks, kase we are in the middle of a magazine shoot. Inaantay nalang talaga nila direk na matapos akong ayusan.
Haiisssst! I am mentally screaming right now! Di talaga ako maka-move on sa nangyari kahapon! Ni hindi nga din ako nkatulog ng maayos! I kissed Renz Timothy Anderson for pete's sake! Why the hell did happen?! That jerk! Naisahan niya talaga ako dun! Na-void tuloy agad yung condition kong bawal nya akong halikan. Kaya mas dapat na mag-doble ingat ako ngayon sa manyak na yun. Naku talagaaaa! Paano ko ba sya maiaalis sa isip ko? Feeling ko tuloy di ako makakatrabaho ng maayos neto eh!
Mabuti na lang din talaga at may scheduled shoot ako this day. May dahilan ako para makaalis ng maaga sa bahay at di sya makita. My gosh! I don't even know how I will face him! Aba kung sya wala ng hiya, pwes ako naman meron noh! I really don't know how I will first react when he approached me.
" Huy Cassidy Victoria Moore! Kanina pa kita kinakausap di mo ko sinasagot! Sabi ko ano bang problema mo?" Tila ngayon ko lang naintindihan ang kanina pa palang sinasabi ni Lyka. And by the looks of it, she's kinda annoyed na. hahahaha. Pinisil ko nga sa ilong.
" Eto naman aga-agang highblood! Wala naman to. Diba nga sabe ko sayo, alam na pala nina Mommy and Daddy ang pagpasok ko sa showbiz. Until now syempre, nabo-bother pa din ako." Palusot ko na lang. hinding hindi ko aaminin sa babaitang to ang cause ng pagkakaganito ko noh! e di inasar na naman ako ng bongga neto. Mukhang botong boto pa naman to sa kumag na Renz na yun!
" Haynaku Cass, how many times do I have to tell you na wag ka na mag-worry. Wala lang nga yun kina tita. Suportadong suportado ka ng mga yun maniwala ka saken. Kilalang kilala ko na mga yun eh! ilang taon ba naman na lage ko sila nakakausap." This time di ko napigilang irapan sya. Naalala ko na naman kase na isinikreto nya saken to ng three years! Imagine? Three years!
" Wag ka na magtampo, eto naman. Alam ko naman naiintindihan mo naman na bakit ko isinikreto sayo diba? Wag ka na tampo ah? Isipin mo nalang yung bright side. At least, nabawasan mga taong pinaglilihiman mo. At mas madali na sayo makaalis pag may mga commitments tayo. O dabah! " natatawa nalang ako habang napapailing dahil sa ka-OA-yan ng pagsasalita ni Lyks. Halatang halata mo talaga tong isang to pag may kasalanan saken eh.
" By the way Lyks, bakit di pa tayo nag-start? Na heads up mo na naman si Direk na ok na ako diba? " takang tanong ko. 10 am kase dapat ang start ng shoot. Eh mag 10:30 na kaya.
" Eh ang balita ko, wala pa daw yung makakapartner mong guy sa shoot na to. Male-late daw ng dating pero malapit na naman daw."
" Male-late? E di ako na muna sana ang kunan nila. Para di sayang ang oras sa lalaking di marunong magpahalaga sa tamang oras ng shoot. " Napasimangot tuloy ako. Pinaka-hate ko kase talaga sa lahat ng nakakatrabaho ko eh yung nale-late. Kase ako never na-late! Ayoko kase masabihan na pa-importante ako.
" Di pwede Cass. Di ba nabanggit ko sayo, this is magazine cover for this month of February. Ano ba meron pag Feb? di ba valentines day? So this is a couple shoot. Di uubra na ikaw lang kukuhaan. Dahil lahat ng shots, alam ko magkasama kayo. Kumalma ka nga lang dyan. Mabuti pa pumunta ka na dun sa studio dahil kakatext lang saken ni Direk, in 10 minutes daw start na ng shoot niyo. Andyan na daw sa kabilang dressing room eh. Inaayusan na."
YOU ARE READING
I'm A Nerd AND I'm Famous!
Teen FictionCassidy Victoria Moore (Irene of Red Velvet) An eighteen year old college girl living an upside down yet normal nerdy life, & at the same time, a fabulous & successful celebrity life?! How possible it can be, right?! Well, believe it or not, Cassi...
