Chapter 14 : Sanity

186 5 0
                                        

Cassy's POV:

" Ayoko nga sabi Dette! Kung gusto mo ikaw nalang! Wag mo na kasi ako piliting sumama! " I said to Dette for I don't know how many freaking times already. Kanina pa kame dito sa di kalayuan sa basketball gym na tila naglalaro nang tug of war. Kanina pa din kase nya ako pinipilit na pumunta sa gym at manuod nga daw ng magaganap na game ng team nila Renz.

" Ano kaba Cassy! Jowa mo di mo man lang i-cheer! Saka balita ko di ito yung normal practice game nila! May naghamon daw sa fafa Renz mo kaya nauwe sa basketball match! "

That got me curious. May naghamon? Sino maglalakas loob humamon sa hari ng basketball ng Brenton U?

" Sino naman ang humamon? Outsiders ba? " tanong ko kaagad kay Dette. Pero napaisip din ako na imposible yun kase sobrang higpit ng school sa security. Di ka basta basta makakapasok unless estudyante or empleyado ka dito.

" Seryoso ka ba dyan teh? Di mo lam? Jowa mo yun! Dapat ikaw ang No. 1 updated! At isa pa, hindi outsiders ang makakalaban ni Renz. Taga dito din sa school na to! At kilalang kilala mo! " Napakunot naman ang noo ko . Eh sya lang naman kilala ko sa school na to, pati si Brix... oh my gosh! Don't tell me!?

" Si Brix?! " malakas kong bulalas habang nanglalaki ang mata ko. Tila biglang sumakit ang ulo ko dahil pakiramdam ko maii-stress na naman ako ng bongga today dahil sa dalawang kumag na yun!

Di ko na hinintay pang makapagsalita pa si Dette. Agad agad ko syang hinawakan sa kamay at patakbong pumunta agad sa gymnasium.

Malakas na hiyawan agad ang sumalubong samin pagkapasok na pagkapasok namin sa gym. Di na ako nagtaka pa na ang aabutan ko ay isang punong punong gym. Ganito kalakas ang hatak ni Renz sa mga estudyante dito. Masasabi kong di rin naman papahuli ang bestfriend ko dahil marami din akong naririnig na sumisigaw at nagchi-cheer sa kanya.

Mukhang nasa kalagitnaan na ang laban dahil pawis na pawis na silang dalawa. Yep. Silang dalawa lang ang nasa gitna ng court. Akala ko ba practice game to? Then it should be a match between two teams?! Eh sa nakikita ko ngayon, one on one ang labanan nila eh.

" Haba na talaga ng hair mo Cass! I heard dahil sayo kung bakit sila nauwi sa match! " Tila kinikilig na bulong saken ni Dette. Nagtatakang napatingin ako sa sinabe nya.

" What? Ako? Ano namang kinalaman ko dyan! Di ko nga alam na may match sila ngayon eh. "

" Oo ikaw. There's a deal between them and the prize is you. That's what I heard and it's legit! "

Tila umakyat lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa ulo ko dahil sa sobrang nabadtrip ako sa narinig ko! Anong karapatan nilang gawin akong premyo! Without a second thought, pumunta ako sa kinalalagyan ng mga spare balls at kumuha ng dalawa. Lumapit ako sa kanila at wala akong pakialam kahit pa nasa gitna sila ng laban at kung gumagawa na ako ng eksena. Im really pissed bigtime!

Nang sa tingin ko ay tama na ang distansya, walang sabi-sabing binato ko ang bola sa kanila at tumama yun sa ulo nila. Bullseye!

" Fuck! "

" The hell?! "

Sabay pa nilang bulalas. Syempre alam niyo na kung sino yung nagmura. Sabay din silang tumingin saken na tila ba papatay ng tao pero nagbago din bigla yung reaction nila ng makita nilang ako ang may gawa nun.

" Babe? "

" Cassy?"

Sabay na naman nilang sabi. at syempre alam niyo na din kung sino ang tumawag sa akin ng babe! Di pa din ako nagsasalita. Nilapitan ko sila at saka piningot ang tig-isang tenga nila. Gusto kong matawa actually sa nakikita kong reaction nila but Im still too mad to do that.

I'm A Nerd AND I'm Famous!Où les histoires vivent. Découvrez maintenant