Cassy's POV:
Malambing at may kalakasang pagtawa ni Mommy ang agad na narinig ko as I made my way to our kitchen. I can't help but rolled my eyes sa eksenang dinatnan ko. Mom is sitting in front of Renz looking so happy sa view na nasa harap nya. Ang kumag na Renz naman, naka-apron at naghihiwa ng mga tila ba spices ng niluluto niya. Wow ah? Close na sila agad? Eh parang sa pagkaka-alala ko kanina lang sila nagkakilala. And one more thing that amazes me is that my mom let him touch the kitchen that easily. Eh ang mga katulong nga dito, ilang linggong paninilbihan muna bago pinagkatiwala ni Mommy ipagalaw ang mga gamit nya dito sa kusina eh.
Haynaku! Eh bakit pa ba ako nagtataka?! Renz and his charms to women, he's simply irresistible. Well, maliban lang siguro saken. Wala kaya sya effect saken. Wala talaga.
" Ehem... " tikhim ko dahil tila 5 minutes na yata ako nakatayo dito pero di pa din nila ako napapansin. Sayang saya yata sila magkwentuhan masyado eh di naman sila close?!
" Cassidy anak! Andyan ka na pala! I think mana ka talaga sa akin anak! Ang galing mo pumili ng boyfriend. Renz here is an amazing cook! " bwelta agad saken ni Mommy ng mapansin na nya ako. Yung itsura nya sa totoo lang eh parang teenager na kilig na kilig. Sumbong ko kaya to kay Daddy. Chos!
" Mommy, I think we need to talk first. " di makatinging sagot ko naman. Alam ko naman kase na kahit ganyang saya pinapakita saken ni Mommy. Yari pa din ako dyan mamaya. Kaya mabuti pang harapin ko na ngayon pa lang. Pahamak kase talaga tong si Renz eh! sarap pakain sa kanya nung sandok na hawak nya!
" Hija, that's rude! Ni hindi mo pa nga binabati si Renz oh? What kind of girlfriend are you?! Kanina pa kaya sya dito. three hours ago pa. kanina ko pa nga kinukulit na gisingin ka kaagad. Kaya pinapanhik ko na sya sa kwarto mo. "
" Three hours?! At mommy pumayag ka talaga pumasok sya sa kwarto ko?! " nanglalaki ang mata kong binalingan ng tingin si Renz. Ibig sabihin maaaring three hours na din nya ako pinagmamasdan kanina?! Ugh! Mas lalo ako nabwiset!
" Yeah babe, three hours ago pa ako andito. But that's fine. Di ko naman namalayan ang oras eh. busy kase ako sa pagtitig sayo habang natutulog. " and he said it so casually na akala mo eh hindi nya alam na nandito si Mommy!
" Renz! Stop it! Your mouth ha! " saway ko sa kanya habang pinandidilatan ko sya ng mata. Ang loko, nginisian lang ako sabay iling.
" Ahhh, ang sweet niyong dalawa. Naaalala ko tuloy kame ng Daddy Giddy mo before. Hayy. Dalaga na talaga ang unica hija ko. " kinikilig pang komento ng mommy ko. seriously? Anong sweet dun? Kulang na nga lang sunggaban ko tong kumag na to eh at paghahamapasin sa sobrang inis ko sa kanya. Feeling ko talaga tong mommy kong to may topak minsan eh.
Sabagay, di na ko magtataka sa excitement nyang yan. Kung di niyo kase naitatanong, dati pa excited si Mommy magkaboyfriend ako. Kinakabahan daw sya saken kase college na ako eh bakit daw ni manliligaw wala ako eh ang ganda ganda ko naman daw. Eh paano, eversince wala ako pinapanhik dito sa bahay. Kahit manliligaw ko wala sya nabalitaan saken. Eh paano naman kase ako magkaka-manliligaw sa school? Eh nerd nga ang peg ko dun. Sa showbiz pa, may mga ilang palipad hangin saken pero wala din namang pumapasa saken. Saka mas priority ko kase talaga ang career ko. Buti pa si Daddy --- OMG Si Daddy nga pala!
" Mommy, where's Daddy? Papagalitan ako nun pag nalaman nun na pinapasok mo si Renz dito without his consent! " kung si mommy kase maluwag saken sa ganito, si Daddy naman ang mahigpit. Gusto niya kase dadaan daw muna sa kanya bago ko maging boyfriend. And I never hate him for that. Alam ko naman concern lang sya sa unica hija nya.
" Alam na nya hija. Ako na bahala sa Daddy mo. Nakalimutan mo siguro na kahapon ang business trip nya papuntang Paris. 2 months sya mag-stay dun diba? Kaya after 2 months ka pa mapapagalitan. Hahaha! "
YOU ARE READING
I'm A Nerd AND I'm Famous!
Teen FictionCassidy Victoria Moore (Irene of Red Velvet) An eighteen year old college girl living an upside down yet normal nerdy life, & at the same time, a fabulous & successful celebrity life?! How possible it can be, right?! Well, believe it or not, Cassi...
