Cassy's POV:
Nagkakagulong mga estudyante ng Brenton U ang nadatnan ko pagkadating na pagkadating ko ng school ngayong umaga. Seems like everybody is heading to one direction, and its our building. I wonder what is happening?
Di ko na lang pinansin pa ang mga estudyanteng halos di na magkandarapa sa pagtakbo, basta ako chill lang na naglakad dahil di pa naman ako male-late. Ayoko ng usisain ang kung ano na namang pinagkakaguluhan nila dahil unang una, wala naman akong pake at pangalawa, ayokong madagdagan pa ang stress ko dahil kay Renz pa lang quotang quota na ko. Simula ng magkasama kame sa Tagaytay hanggang makauwe kame kahapon, cold pa din sya makitungo saken. Ni hindi na nga nya ako kinukulit sa kwarto ko, dun lang sya nagstay sa guest house namin. Kahit nga si mommy, tinatanong sya saken, wala naman ako maisagot na matino dahil hindi ko na din alam. Kahit ako naguguluhan sa kanya, one moment he is sweet, and then next moment he is grumpy. Haynaku!
Napakunot ang noo ko ng mapansing sa mismong room namin nagkakagulo ang mga estudyante. Ano na namang meron?
After almost forever bago ako makalusot at makapasok sa room namin dahil sobrang siksikan at halos di sila magpadaan, doon ko napagtanto ang dahilan ng pagkakagulo nila. And believe me, I am way more shock than everyone. Because there is new face. And that new face is not just someone. A face that makes the reason why the people are reacting like this especially the guys.
Am I really seeing her here? Am I really seeing Nathalie Madrigal in our very own room? At di lang yan, nakaupo sya sa mismong tabi ng upuan ko?!
Namayani ang katahimikan the moment her eyes landed on me. She stand up and gracefully walked towards me. Matiim syang nakatingin saken. Parang bigla naman ako nahiya sa itsura ko ngayon. The usual nerd me. Tsk. Mukha akong ewan kung itatabi ako sa kanya. She literally stands out here. Her beauty and class screams elegance. That’s why everybody is swooning over her. Kahit nga sila Mindy at mga alipores nya na gandang ganda sa mga sarili nila eh tila nananahimik ata ngayon habang manghang manghang nakatunghay sa kanya.
“ Hi, Cassidy right? Do you remember me? “ she said to me nicely na sinabayan pa ng mahinhing pagngiti. Gusto ko sana syang sagutin ng “ Hello? Panong di kita maalala eh ikaw lang naman reason bakit nagtotopak yung Renz na yun hanggang ngayon! “ Char lang. Syempre alam ko namang di yan ang tamang isagot. Haha.
“ Yes I do. But we’re not properly introduced yet. “ Tipid kong sagot na sinamahan ko din ng tipid na ngiti. Gusto ko nga din sana itanong paano nya nalaman pangalan ko eh di naman kame pinakilala sa isat-isa pero hinayaan ko na lang. Baka nabanggit ng daddy ni Renz or si Renz mismo nung nag-usap sila.
“ Oh, well then let’s make it proper. I’m Nathalie Madrigal, Renz’s ex-girlfriend. “ walang alinlangan nyang sabi sabay lahad ng kamay nya saken. Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid at di din nakaligtas saken ang pag-asim ng mukha ni Mindy. But above all, di ko alam paano ko i-handle ang gulat ko sa way ng pagpapakilala nya saken. Kailangan talaga ganun?
“ Nice to meet you Nathalie, Im Cassidy Victoria Moore, Renz’s girlfriend. “ ganting sagot ko naman. Kahit di ko nagustuhan paano sya nagpakilala, kinamayan ko pa din sya. Ngayon pa lang ramdam ko na mabigat dugo nya saken. I wonder what is the reason? Dahil ba sa mahal nya pa si Renz? Oh eh di sila nalang ulit. Wala naman akong pake. Hmpf.
“ By the way, you’re my classmate din pala? I will be studying here and seems like we’re on the same course pala. Oh and seatmate din yata? Haha. What a coincidence huh.. I hope we get along well Cassidy. “ tinalikuran nya din ako agad pagkasabi nun. Bumalik sya sa upuan nya, kinuha ang cellphone nya at tahimik na ginamit yun. Mukhang wala na syang balak pang pansinin ang mga tao sa paligid kaya unti unti ding umalis ang mga ito lalo na nung dumating na ang professor namin.
YOU ARE READING
I'm A Nerd AND I'm Famous!
Teen FictionCassidy Victoria Moore (Irene of Red Velvet) An eighteen year old college girl living an upside down yet normal nerdy life, & at the same time, a fabulous & successful celebrity life?! How possible it can be, right?! Well, believe it or not, Cassi...
