Cassy's POV:
" I said No! Tigilan mo ko Renz ah. Sabi ng ayoko ngang sumakay dyan! " reklamo ko for I don't know how many times already. Kanina pa kami nandito sa parking lot dahil kanina pa din kami nagpipilitan na sumakay ako sa big bike nya. No freakin' waaaay! Di talaga ako fan ng mga ganitong klaseng sasakyan. Pakiramdam ko kase eh napaka-prone sa accident. Kaya mas preferred ko talaga ang 4 wheels over big bikes. Tapos sya pa ang driver? Jusmiyoooo! Eh nung nakita ko sya last time na patakbuhin to, halos di na sya sumayad sa lupa eh!
" Pumayag na nga ako sa trip mong date, umabsent na nga ako for the first time sa mga klase ko, tapos sa ganyan mo lang ako isasakay? Pasakayin mo na ako sa lahat wag lang dyan!" Napahilamos na naman sya ng mukha dahil halatang naiinis na sya katigasan ng ulo ko.
" Fuck Cassidy! I told you it will be better if we will use my bike. Malapit lang naman yun dito sa University. Kaya halika na at sumakay ka na. Wag na matigas ang ulo mo. Kanina pa tayo dito, damn it! " gusto ko sanang tawanan ang iritado nyang mukha pero wala ako sa mood dahil nangingibabaw din ang inis ko sa kanya.
" Bahala ka sa buhay mo. Aalis na lang ako kung ipipilit mo yang gusto mo. " Agad ko din syang tinalikuran pagkasabi ko nun. Pero di pa man din ako nakakailang hakbang ng maramdaman kong umangat ang katawan ko sa ere dahil binuhat nya ako. I ended up sitting in front of him and in between his laps. Di ko na nagawang makapagprotesta dahil pinaharurot nya agad ang big bike nya.
" I hate you Renz! Ibaba mo sabe ako eh! My God! Wala man lang tayong helmet! " wala na talaga akong magawa kundi sigawan nalang sya at lingunin sya patalikod. Di ko naman sya magawang hampasin dahil baka madisgrasya pa kame lalo. Oh god! Ang bilis nya talaga magpatakbo! Pakiramdam ko malalaglag ang puso ko! Wala akong ibang makapitan kundi ang mga braso nya sa magkabilang gilid ko.
" I don't need those goddamn helmets. Isa pa, malapit lang naman ang pupuntahan naten. Just relax and ako ng bahala sayo, babe. You're safe with me. " I don't know why pero medyo kumalma ako ng sinabi nya yun. Maybe I somehow trust his words.
Nanahimik na lang ako at di na nagsalita pa. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at nagdasal na sana nga safe kame makarating.
" Open you eyes Cassidy and enjoy this ride. " Yes indeed, I opened my eyes, pero hindi dahil sinabi nya kundi dahil naramdaman ko ang mas paglapit ng katawan nya saken. Tinanggal nya yung isang kamay nya sa pagmamaneho at iniyakap sa bewang ko. He also bent down his head when he said that to me kaya ramdam na ramdam ng left ear ko ang hininga nya. And what made me gasp aloud is when he kissed the side of my neck!
" Renz Anderson! Isa ah! Di na nga ako natutuwa sa pagsakay mo saken dito, kaya please lang ayusin mo yang pagmamaneho mo at itigil mo yang mga kalandian mo! " Inis na inis kong sigaw sa kanya. Pero ang loko humalkhak lang. Bwiset to! Akala yata joke ko lang yung natatakot ako!
" Alright, alright. Only if you promise to open your eyes. "
" Eh paano kung ayoko?! " pagmamatigas ko pa. Pakialamero kase pati pagbukas pagsara ng mata ko! ugh!
" Then I will stop and kiss you till we become breathless. Right here. Right now. I dont care if we're in the middle of the road. " seryoso nyang sagot. I became stiffed at what he said. This jerk! Alam kong kayang kaya niyang gawin yun! At di pa ako siraulo para magkaroon ng scandal kasama sya!
" Fine! Manahimik kalang! Bwiset ka talaga Renz Timothy Anderson. Dami mo paandar alam mo ba yun?! " Muli ko syang narinig na humalakhak bago mas pinaharurot pa ang pagpapatakbo nya.
Laki ng pasasalamat ko ng tumagal lang ng sampung minuto ang byahe. Totoo nga ang sinabe nya na malapit lang. Oo malapit lang pag ganun kabilis ka magpatakbo!
YOU ARE READING
I'm A Nerd AND I'm Famous!
Teen FictionCassidy Victoria Moore (Irene of Red Velvet) An eighteen year old college girl living an upside down yet normal nerdy life, & at the same time, a fabulous & successful celebrity life?! How possible it can be, right?! Well, believe it or not, Cassi...
