The truth was I didn’t want to sleep early. I didn’t want to stay in my room yet. Dahil kapag nandoon ako, naaalala ko si Atlas. Naaalala ko ang mga panahong magkasama kami at nagpapanggap. Mga panahong kahit nasasaktan ako ay nararamdaman ko pa rin ang kasiyahan. Itanggi ko man sa aking sarili, alam kong nangungulila ako kay Atlas.

My dad was right. When you love someone, it would stick to you like a glue. Na kahit ilang beses mong subukang kalimutan ay nananatili pa rin. Na kahit gaano man kasakit ang idinulot nito sa puso ay sadyang mahirap kalimutan.

Katulad na katulad ng nararamdaman ko para kay Atlas. I was trying to forget the feelings that I had for him. Ngunit sadyang mahirap kalimutan ang isang pag-ibig kapag nakaukit na ito sa puso. I was still trying. At hindi ako mapapagod sumubok na kalimutan si Atlas para sa aking sarili at para sa magiging anak ko.

Nang magsawa ako sa panonood ay dumeretso na ako sa aking kuwarto. It was exactly midnight and I could already feel the urge to sleep. Ininom ko muna ang reseta sa akin ng doktor bago hinayaan ang sariling matulog. Umaasa na sana sa pagpikit ng mga mata ko, makalimutan ko na rin ang lahat.

I woke up the next morning feeling heavy. Sobrang sakit ng ulo ko na parang binibiyak. Namistula ring hinahalukay ang aking sikmura. Kahit nahihirapan ay agad akong bumangon. Dumeretso kaagad ako sa banyo at dumuwal sa lababo.

I touched my belly as I continuously vomiting. Kahit wala nang mailabas at puro tubig na lang ay hindi pa rin ito natigil. I was in my first trimester of my pregnancy. Masyado akong pinahihirapan ng batang nasa sinapupunan ko. Bukod sa malaki ang nabawas sa timbang ko ay halata rin ang aking pagpayat.

“Miss Olive! Naku!”

I heard Jenny in her usual hysterical tune. I also felt her hand in my back. Caressing it slowly. Hindi ko na lamang ito pinansin at pinilit na ayusin ang aking sarili. I hated this feeling of unstoppable puking, but maybe I needed to experience it. Marahil, ganito lamang talaga ako kapag nagbubuntis.

“Ayos na po ba kayo, miss?” tanong ni Jenny sa akin pagkatapos ng ilang sandali.

Tumango ako matapos kong maghilamos ng mukha. I took the towel from the cabinet and wiped my face. Pagkatapos ay binalingan ko naman si Jenny na nasa aking tabi. Her eyes mirrored concern over me.

Hinawakan ko ito sa balikat at ngumiti. “I’m fine, Jen. Pakialalayan lang muna ako. Please,” wika ko. Nahihilo pa rin ako ngunit mas maayos na kumpara kanina.

Inalalayan ako ni Jenny papunta sa aking kama. Naupo kaagad ako sa paanan niyon. I asked her to get my vitamins and she did. Mabilis ko rin iyong ininom. Apat na klase iyon na pawang para sa akin at sa baby. Para sa kaligtasan naming dalawa. Lalo na at maselan ang kalagayan ko.

“Thank you, Jen.” Nakangiti akong hinarap ito matapos inumin ang mga vitamin.

“Dadalhan ko na lang po kayo ng pagkain,” wika nito. She was in front of me and I could feel her fear because of what happened.

“Ano ka ba!” I took her hand and I smiled when I felt it was shaking. “I will be fine now. In fact, first day of work ko ito. Remember?”

“Eh, masama po ang pakiramdam n’yo, miss. Magtatrabaho pa rin kayo?” ungot nito. Halata sa boses ang pag-ayaw sa aking sinabi.

Natawa ako nang mahina. I stood in front of Jenny. Maayos na rin ang pakiramdam ko mula nang makaupo saglit. Today was my first day of work. I cancelled all my appointments for the past month because of what happened. Hindi na pwedeng hindi ako papasok. My secretary would be fuming mad if ever.

“I am the boss, Jen!”

Iniwan ko si Jenny nang nakasimangot. I went to my dressing room and picked some clothes for me. Pinili ko ang isang komportableng floral dress for me. Hanggang hita ang haba niyon habang kinuha ko naman ang isang flat sandals sa lagayan niyon.

Pagkatapos kong maligo ay umalis na ako ng bahay. I did not want to take any bodyguards with me but they insisted. Pakiramdam ko, nasasakal ako. My dad was very protective about my safety. Natatakot itong may masamang mangyari na naman sa akin.

But I didn’t want to. Alam ko namang wala nang mananakit sa akin. Isang buwan na rin namang hindi nagpaparamdam si Atlas kaya panatag ako. Maybe, he already accepted and signed the annulment papers. Hindi malabong ganoon nga ang nangyari base na rin sa sinabi ni Dad na pagdala nito ng babae sa mismong bahay namin noong Bagong Taon.

I sighed as I remembered the thought. I tried my best to shrug it off. I didn’t want to stress myself from Atlas. Ibinaling ko na lamang ang paningin sa labas ng bintana ng kotse. Saka ko lamang napansin na nasa tapat na pala kami ng aking klinika.

Nang maiparada ng dala kong driver ang kotse ay mabilis akong bumaba. I smiled and tried to lighten my mood. Today was my first day of work and I didn’t want to ruin it. Masaya rin akong makitang muli ang aking klinika at makapagtrabahong muli.

I instantly opened the door and the familiar scent greeted me. My smile widened even more. The white and light green interior was very beautiful for my eyesight. It emphasized purity and cleanliness. A good view to relax. For me and for my client.

“Good morning, Miss Ramirez. May naghihintay po sa inyo, Doc!” nakangiting wika nito.

“Sino?” tanong ko. Natigil rin ako sa paglalakad.

I roamed around the place when my secretary did not budge to give me an answer. My heart beat eratically as I met Atlas’ intense gaze at me. He was sitting proudly on the couch in the visitor’s area. Mariin ang bawat titig sa akin. Mariin na may pag-aakusa.

“Miss, ayos lang ba kayo?”

I looked back to my secretary and nod. Ngunit ang totoo, parang gusto ko nang umuwi at bumalik na lang sa bahay. Malayo kay Atlas. Malayong-malayo.




@sheinAlthea

WIFE SERIES: Tears Of A WifeWhere stories live. Discover now