Chapter 13

2.9K 81 2
                                    

[FLASHBACK]

Xerra's POV

Wala akong masyadong nakausap sa loob nang classroom. Lahat naman ata dun ay first class, ako lang ata yung naligaw.

Noong sinabi nang mag-asawang Sarce na mag-aaral ako sa isang private school ay hindi ko naman iniexpect na ganitong klaseng private school yun! Like what the hell?

Lahat shosyalin! Nakakaestress na minsan. Mas maraming masungit at maldita! Naparaming hambog!

Hindi nakakapagtaka kung bakit masinungit si Sir Ram. Nuknukan ba naman nang mga kasungitan ang mga estudyante rito!

Isabay sa part na late na pala akong pumasok! Magsesecond semester na sa katapusan hindi ko tuloy ma imagine kung anong hila-hila ang ginawa nila para makapasok lang ako sa taong ito. Tambak yung mga worksheets ng mga teachers sa akin, aaminin kong may utak ako pero hindi rin ako sure kung matatapos ko to bago ang exam.

"Hi! You're the new girl right?"

Napasulyap ako sa lalaking mayroong suot na atipara. Gwapo sya subalit naroroon yung kakaibang vibes na parang kinakilabutan ako sa kanya!

"Ah, oo. Ako nga pala si Xerra" pagpapakilala sabay lahad ng kamay ko na agad nya ring inabot at nakipagkamay sa akin.

Agad na nagsitayuan ang mga balahibo ko at nahila ang kamay palayo sa kanya.

"Ako si Kaisen Dai Tulko." Pagpapakilala nyang may ngiti sa labi.

Naguguluhan ako sa emosyong nakikita ko sa mga mata nya. Yung ngisi nya ay kakaiba. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman pero parang ayoko sa presensya nya!

"Kung mayron kang di ma gets sa klase magtanong ka lang. Ganyan lang mukha ng mga tao dito sa classroom pero may respeto naman at may kabaitan naman kahit papaano." Sabi nya na ikinatango ko saka ngumiti nang pilit.

"Ah, ano. Tamang-tama. Pwede bang ituro mo sa akin yung daan patungo sa-"

"Xerra."

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko kay Kaisen nang marinig ko ang pamilyar na boses.

Sir Ram was leaning on the door frame. Nakasuksok yung dalawang kamay nya sa bulsa at yung bag nya nakasablay lang rin sa balikat nya tulad noong kaninang umaga.

Hindi ko napigilan ang mapalunok nung mapansing matalim ang tingin nito sa akin at kay Kaisen.

"Kuya Ram." Agaw pansin naman ni Kaisen. Wait? Magkakilala sila?

Lumapit si Kaisen kay sir Ram at kaswal na nakipag-usap na para bang matagal nang magkaibigan ang mga ito. But instead of smiling, Sir Ram is frowning all the time, making Kaisen chuckled.

Pasimple kong inikot ang tingin sa buong silid. Kita ko yung mga kakaibang tingin ng mga kaklase kong babae at bakla na para bang kilig na kilig. Yung iba naman ay kumukuha nang litrato ni Sir Ram.

Nakow! Famous ata tong boss ko.

Inayos ko yung mga gamit ko pero hindi ako lumapit kay sir Ram. Kinikilabutan ako kay Kaisen At isa pa ayokong mapatay ng mga fans noh! Ang kaso nga lang ay gutom na ako. Ano ba kasing ginagawa ni Sir Ram dito sa classroom?! Magtatanong na sana ako kay Kaisen kung saan ang canteen nang school eh. May pera naman ako, binigyan ako kanina ni Nanay Enay, incase raw na wala akong pera, well wala nga akong pera. Saka bente lang tong pera ko. Nah, baka mayroong patel, yun nalang bibilhin ko.

Carrying The CEO's Baby (REVISING)Where stories live. Discover now