Chapter 17

2.9K 71 10
                                    

Xerra's POV

Nakaupo ako sa kandungan ni Ram habang nakatitig sa papalubog na araw. Hawak nya ang aking kamay ay mayroong ginhawang nararamdaman nang balikan namin ang nakaraan naming dalawa.

"Ram, sasabihin mo na ba sa akin kung ano iyong ginawa ni Kaisen sa iyo? Sa atin?" Mayroong pagbabakasakaling tanong ko.

"Hmm, sure." He replied immediately.

Hindi ko alam kung matutuwa pa ba ako o mas lalong malulungkot. Parang gusto kong bawiin nya yung sinabi nya kaninang titig na sya.

For sure iniisip nyang ito lang ang habol ko sa kanya, pero nahihirapan na rin ako. Parang gusto kong malaman na hindi!

Sumandal ako sa dibdib nya, naramdaman kong gumalaw sya nang bahagya, ipinatong nya ang kanyang baba sa aking balikat.

"At first it was Kaiser who sent me a message after many years. Nagulat ako syempre, imagine? My long friend texted me. Matapos nang ginawang kagaguhan sa iyo ni Kaisen ay nagpakalayo-layo sya. Ang sabi nya ay gusto nyang magkaroon nang tahimik na buhay hanggat nasa kulungan si Kaisen." Pakukwento nya.

"Nagulat ako lalo nang mabasa ang mensaheng ipinadala nya. Ang sabi sa text ay nakalabas na si Kaisen sa kulungan, maglilimang buwan na at hindi nya makontak o mahanap ang kanyang kapatid."

Nanlamig ang katawan ko sa narinig. Nakalabas na si Kaisen sa kulungan?!

"Hey, calm down." He said kissing my neck. "Hindi ka naman nya masasaktan hanggat naririto ako, Xerra." Ani nya.

Kumalma naman ako nang bahagya at mas lalong sumiksik sa kanya. Yung init na nanggagaling sa katawan nya ang nagsisilbing lakas para hindi ako tuluyang matakot.

Parang paraan iyon na nagsasabing hindi ako nag-iisa.

"Want me to continue?" He asked. I quickly nod.

"So yeah, nakalabas sya sa kulungan. I was about to tell you when my secretary came inside my office. Mayroon syang dala-dalang kulay itim na folder. I asked her about it, ang sabi nya ay ipinapabigay nang private investigator ko."

Biglang humigpit ang pagkakapit nang kamay nya sa kamay ko kaya pinisil ko iyon.

"It had your photos with Kaisen. Nag-uusap kayo sa cafe at mukhang masaya pa kayong dalawa."

Mariin akong napapikit, what? Bakit naman ako lalapit kay Kaisen sa gayong nagawa nya akong gaguhin noon?!

"Ofcourse I didn't believe it, I fired my private investigator and hired a new one in a different agency, pero araw araw ay iyon ang mga natatanggap kong report." Sabi nya pa.

"Sinusbukan lang yung tiwala ko sa iyo, yun ang sinabi ko. But one day, I saw you talking to him with my own eyes. Wala akong lakas para lapitan ka noon. Wala akong lakas na hilain ka pauwi at kausapin." Ani nya na mayroong bahid nang lungkot sa kanyang boses.

"Nauna akong umuwi sa bahay, ang sabi ko naman ay namamalikmata lang siguro ako kaya umuwi ako. Pero pagkarating sa bahay ay wala ka. Ang sabi ni Levy sa akin ay umalis ka raw."

Cafe? Naguguluhan ako. Kung aalis man ako sa bahay namin noon ay pupunta ako sa mall para maggrocery o magshopping! Minsan naman ay nagcacafe hopping ako kasi paborito ko ang cake!

But meeting in a cafe with Kaisen?! Bakit ko naman gagawin yon?!

"But when you got home, doon na simulang nagduda ako. You are wearing the same dress, the girl is wearing inside the cafe." Mapait na turan nya.

Carrying The CEO's Baby (REVISING)Where stories live. Discover now