Chapter 8

3.3K 119 4
                                    

Rameses POV

Seeing her breakdown also affected me. Parang sinagasaan ng rumaragasang tren ang puso ko habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata.

Masakit sa puso na nakikita ko s'yang umiiyak pero mas masakit pa rin ang mga katagang binitawan nya na parang sirang plaka na nagpaulit-ulit sa aking isipan.

I don't love you anymore Ram.

I don't love you anymore Ram

I don't love you anymore Ram.

Hearing her said that she doesn't love me anymore was like something already expected, pero masakit pa rin kasi umasa ako na baka mahal n'ya pa rin ako. Pakiramdam ko ay halos lahat na nang emosyon ay nasa akin na. The disappointment, the pain, the sadness, lahat maliban nalang siguro sa saya. All the negative emotions. Lahat iyon ramdam ko.

Wala na ba talagang ibang paraan pa para masalba natin ng relasyon natin, Xerra?

I would love to ask her that. Gusto kong masalba ang relasyon namin pero hindi ko alam kung saan ko sisimulan. I hugged her close to me, para na akong bakla umiiyak sa harap nya. Lalaki ako pero pagdating sa kanyang ay pakiramdam ko ay nanghihina ako. I broke her trust, no, I broke everything about her when she saw me in the hospital with Levy. I know it's my fault.

Kasalanan ko kung bakit nasira kami. Kasalanan ko kasi nakinig ako kay Kaisen. Kasalanan ko kasi nagpadala ako.

Fuck me for being insecure.

-----

"Xerra it's time to eat!" Sigaw ko mula rito sa kusina.

"Teka! Nagbibihis ako!" Pasigaw na sigaw nya.

A smile appeared on my lips before setting our breakfast.

"Hey," She greeted with a small smile on her lips when she entered the kitchen.

"Hey,"  I greeted breathlessly. Ang ganda-ganda nya sa suot n'yang bistida.

She really looks so beautiful in my eyes. She's always the one who can capture my heart. She's the one I have been dreaming of. Everything about her is just so perfect and I am a lucky bastard she got wed to.

Ang kaso ay sinayang ko lang.

"Anong ulam?" Tanong nya nang makaupo sa silya.

"Fried chicken," Kibit balikat na sagot ko. Natawa naman sya kaya napasimangot ako.

Ang ganda-ganda sa pandinig ang kanyang tawa, ang kaso ay tinutukso nya lang ako.

"Stop laughing," Umay kong turan at mas lalong sumimangot.

"Whatever Ram," She said saka nagsimulang kumain ng mayroong ngiti sa labi.

"Anong plano mo ngayon? Two weeks lang Ram, might as well make it memorable," She asked.

"Truths? I just wanna stay on the bed with you."

Xerra's POV

"Truths? I just wanna stay on the bed with you."

Nabulunan ako dahil sa pinagsasabi nya. Agad akon uminom nang tubig. I glared at him but he just laughed at me. Ramdam na ramdam ko ang pamumula nang aking pisngi.

"Let's go to the treehouse again," Pangungulit pa nya.

"Hoy! Pinagbigyan lang kita kagabi! Saka isa pa masakit ang katawan ko dahil sa pinanggagawa mo!" Reklamo ko.

"What? I didn't do anything. I just made love to you all night," Ngising-ngising turan nya.

Nailing na lang ako. Talo talaga ako sa lalaking to, oo.

Sa totoo lang ay parang nawala ang isang bagay na nakadagan sa akin. Ang buong akala ko ay magagalit sya o magwawala sya nang sabihin kong hindi ko na sya mahal, akala ko ay hindi nya na ako papansinin pa pero kabaliktaran ang lahat.

After saying that I don't love him anymore, he just smiled sadly at me before kissing my forehead and hug me. Parang walang masakit na nangyari, he took care of me. Binuhat nya ako rito sa kubo nya kung saan kumpleto ang lahat nang gamit. Mas malaki pa itong kubong to kumpara sa kubong tinuluyan ko noong nakaraan.

Ang islang to kasi ay isang pribadong isla. Maraming kubo pero hindi bukas sa mga turista. Ang alam ko rin ay regalo ito nang ama ni Ram sa kanyang ina noon first anniversary nila. I mean, the love between Ram's parents was like a fantasy. Kitang-kita sa mga mata nila yung pagpapahalaga at pagmamahal sa isa't isa.

When I first met them, I thought they were strict people, but they welcomed me as one of their family. Isa pa iyon sa ugaling hinahangaan ko sa kanila.

"Ang lalim na naman nang iniisip mo. Hindi mo na naman ako pinapansin," Napakurap ako nailing.

"I'm just thinking about your parents Ram. Kamusta na sila?"

Nagkibit balikat sya bago sumubo nang kanin. "They were doing great. Nasa Singapore sila ngayon ni Dad para magbakasyon," Ani nya.

"Nagalit ba sila sa nangyari sa ating dalawa?" Tanong ko.

"Hmm, mom nearly disowned me," Simpleng sagot nyang ikinangiwi ko.

"Are you still on good terms with your parents Ram?" Hindi ko maiwasang itanong.

"Let's not talk about it," Ani nya.

"Ram, can we not run away anymore? Kasi kung tatakbuhan natin ang lahat, mas lalo tayong gugulo Ram. Hindi tayo makakausad kung ganoon."

Sa totoo lang ay parang nauubos na ang pasenya ko. Para kasing wala syang balak sabihin ang lahat sa akin!

"Fine, I'm on good terms with dad pero si mom ay hindi. She constantly nags about you. Sinisisi nya ang lahat sa akin na, which is true. Totoo naman kasing kasalanan ko eh. Kung hindi sana ako nagpadala," Mapait na turan nya saka ibinaba ang kutsara't tinidor.

"Tapos na akong kumain. Magpapahangin muna ako sa labas," Ani nya pa saka tumayo at lumabas.

Nakagat ko ang labi ko habang nakatitig sa pintong nilabasan nya. Inabot ko yung cellphone na binigay nya sa akin kagabi at tinawagan ang numero ni Kuya. It took three rings before he answered the phone.

"Hey kuya," Matamlay na pambungad ko.

"Oh? Ba't matamlay?" tanong nya.

"Nag-usap na kami ni Ram kuya," Sabi ko.

"Tungkol san?" Tanong nya.

"Tungkol sa kung bakit kami nasira."

"oh tapos?"

"Sinisisi nya ang sarili nya sa nangyari."

"Aba'y buti at alam nya. You've been through a lot because of him, Xerra. Kung hindi sana sya gago ay masaya kayo ngayon at mayroong kikilalaning ama si Rin."

Natahimik ako sa sinabi ni kuya. Baliktarin man ang mundo ay pawang katotohanan ang naituran ni kuya. I've been through a lot because of him. Pero naawa na ako. Parang hindi kaya nang puso kong nakikita syang ganito. Matamlay ang kanyang mukha at pinipilit ang sariling ngumiti sa tuwing kasama ako.

"Oh ba't natahimik ka? Wag mong sabihin na nahuhulog ka na ulit sa kanya? Sinabihan na kita, Xerra. Wag kang makipaglaro sa apoy kasi masusunog ka."

"Whatever kuya. Gusto ko lang naman na magkaroon na kami nang closure eh. Gusto ko ng iwanan ang kahapon kuya. I wanted to have a life with no hate anymore. Pagod na akong balikan pa yung mga pasakit na nararamdaman ko. Gusto ko nang magpatawad kuya."

Closure and forgiveness because love is rare, life is strange, nothing last and sadly, people change.

--------------------------------------

Happy 1.5k reads

-Anjie_Ly

Carrying The CEO's Baby (REVISING)Where stories live. Discover now