Chapter 26

1.7K 34 1
                                    

Xerra's POV

Nagkakagulo kami ngayon rito sa bahay nang mommy ni Ram. Panay ang bangayan ni Kuya Kuya Lust at Kuya Sloth.

Si kuya Gluttony naman ay kinakain iyong kalalabas lang na cake sa oven kahit pa iyong icing, hindi din naman sya pinapagalitan ni Mommy.

Si Kuya Wrath ay nakikipaglaro kay Daddy nang chess, habang si Kuya Envy ay nakikipag-agawa kay Ram dahil buhat-buhat nito si Rin at gustong gusto ding buhatin si Rin.

Si Kuya Greed ay pinapakialaman ang winery ni Daddy. Panay bukas nang mga wine, titikman lang iyon ng kaunti at saka ibabalik na naman sa rack.

Walang katulong sa bahay ngayon, when Mommy and Daddy heard that these boys are coming ay naghanda agad ang mga ito.

Maaga pa kaming pumunta rito kasi atat na atat na talaga silang kumain kasi daw libre!

Nabulyawan pa sila ni Ram kanina bago kami tumuloy dito kasi pinagpipilitan nilang tig-iisa sila nang chopper. Panay tuloy sila reklamo ng Jeep ni kuya na hindi ko inaakalang meron pala ang dinala namin.

Ofcourse they fought about it but in the end kuya Wrath won when he threatened them that he'll lock all of their bank accounts.

Habang tumatagal kasi ay nakikilala ko na sila isa isa. Kuya Wrath was actually a tech guy. Minsan ko na syang nahuling binawasan nang Isang daang milyon sa account ni kuya Lust at sampung milyon kay Kuya Greed na ikinataas nang presyon nang dalawa.

Si Kuya Gluttony naman ay kung hindi mo sya makikita sa kusina ay nasa kwarto at natutulog, mahilig din syang kumain parating nagpapalibre kay Kuya Greed na walang paki-alam sa pera nya.

Si Kuya Envy naman ay masyadong mahilig sa bata na kahit yung anak ng pusa ay talagang yayakap-yakapin nya.

Si Kuya Sloth naman ay ang masasabi kong mature sa kanila nang konti. Parati kasi sya yung sumasaway kung iinit ang ulo ni kuya, pero minsan sya ang nang iinis kay kuya.

Syempre, ang kuya ko naman na ubod nang kakuriputan. Wala talagang panahon na hindi nya bubulyawan ang anim sa tuwing pupunta sila sa bahay nya.

Parang wala lang din naman sa anim kaya parating talo si Kuya.

"My wife!" Maktol na ani ni Ram.

Mahaba ang nguso nya at mukhang lugong-lugo.

"Anong nangyari sayo?" Natatawang tanong ko.

Mas lalong bumagsak ang kanyang balikat.

"Envy happened." He murmured at yumakap sa akin nang mahigpit.

"He is always stealing Rin from me! Naiinis na ako sa kanya." Maktol nya.

"Hayaan mo na si Kuya Envy. Minsan nya lang naman nakakasama si Rin eh." Natatawang turan ko pero sinamaan nya ako nang tingin.

"Anong minsan?!" Sakristong turan nya.

Napangiwi naman ako, halos araw-araw kasi pumunta si Kuya Envy sa bahay para hiramin si Rin at kung saan saan dadalhin. Minsan uuwi silang maraming bitbit na toys, meron pa minsang umuwi silang merong dala-dalang susi nang mga kotse. Nang totoong kotse! Minsan titulo nang lupa minsan naman ay share sa kumpanya.

"Hayaan mo na kasi." Saway ko sa kanya. "Sige na, hilain mo na si Kuya Gluttony paalis sa kusina. Walang maluluto kung nandoon sya." Utos ko sa kanya.

Bagsak balikat nyang hinila si Kuya Gluttony paalis sa kusina at itinabi kay Kuya Greed.

Dalawa na tuloy silang tinitikman ang mga alak at nakisabay pa talaga sa Ram.

Naglakad ako palapit kay Mommy na nagluluto nang ulam.

"Meron po ba ang maitutulong ma?" Magalang na tanong ko rito.

Bumaling naman sya sa akin at ngumiti.

"Pwede mo ba akong hiwaan nang sibuyas, Xerra? Tapos tawagan mo ang Tiya Cashie mo na magdala nang pagkain mula sa kanilang restaurant. Ang lakas lakas kasi kumain nang kaibigan nang Kuya mo, mabilis nyang nakakain ang luto ko nang mag-isa." Natatawang turan nito.

Si Tiya Cashie ay kapatid ni Mommy, mababait sila lalong-lalo na yung anak nilang si Shaineu.

"Sabihan mo na rin sila na dito na kumain sa bahay para mas marami tayo." Dagdag nya pa.

"Bakit po ba kasi hinayaan mo nyo po si Kuya Gluttony na kumain nang kumain?" Naiiling na tanong ko.

"Abay kay bibo nya naman kasi. Panay gigil nya tuwing kinakain nya ang luto ko. Hindi ko matanggihan, grabe pumuri eh." Natatawang sagot nya sa akin.

Natawa nalang din ako at napa-iling. Ipinaghiwa ko muna ng sibuyas si Mommy saka tinawagan si Tiya Cashie. Nagulat pa ito nang ako yung tumawag.

Hindi pa kasi nila alam na nagkabalikan na kami ni Ram. Noong nalaman ng magulang ni Ram ang tungkol kay Kaisen ay nagalit ang mga ito. Nabugahan pa nga si Ram, kasi masyado raw syang nagpadala na totoo naman.

Maghapon naming hindi nakasama si Rin noong araw na iyon kasi inispoil nila ang bata. Spoiled na nga kay Kuya Envy at Kuya Lust, spoiled din kay Mindy at Ram.

Napabuntong hininga ako nang maalala ko si Mindy. Ilang araw na rin mula nang sinabi nyang uuwi na sya sa Amerika. Ang sabi nya noon ay tatawag sya sa akin pero ni isang tawag ay wala akong natanggap.

Kataka-taka ring hindi mahanap ni Kuya Wrath sa ano mang data base si Mindy. Kahit raw sa data base nang society ay wala. Pinili naming isekreto iyon kay Kuya, actually it was kuya Wrath who suggested to keep our mouth shut hanggang sa mahanap nya si Mindy.

"Hali na kayo! Kakain na!" Sigaw ni mommy.

Nagsipasukan naman sila Kuya. Nanalangin muna kami at nagsimula nang kumain.

Nasa kalagitnaan kami nang pagkain nang dumating si Tiya Cashie at kasama nya si Shaineu na nakasuot nang daring na kulay pulang dress.

"OMG! Xerra you're really here!" Tili nya at niyakap ako nang mahigpit.

"I so, so miss you!" Tiling dagdag nya.

Binati ko narin si Tiya Cashie na naluha talaga ng makita ako.

"Hey, Gluttony! Have you seen my phone?" Biglang salita ni Kuya Sloth na kakapasok lang nang dining hall at kunot na kunot ang kanyang noo.

"Oh my god! What are you doing here?!" Sabay saby kaming napatingin kay Shaineu na turo-turo si Kuya Sloth na halatang nagulat din.

"Sorry but I don't know you." Ani ni kuya Sloth nang makabawi sa gulat.

"You don't know me?! Wala akong pakialam! Bayaran mo ang kotse ko!" Sigaw ni Shaineu.

"Ang ingay mo. Reklamo ni Kuya Sloth at nagmamadaling umalis nang dining hall na sinundan naman ni Shaineu.

Nagkatinginan kami sa isa't isa na mayroong nag-iisang iniisip.

"What the fuck just happened?"

---------

Bukas ko na po aayusin. Di po ako pwedeng tumagal kakahawak nang phone kasi masama parin pakiramdam ko.

Malapit na rin po yung ending kaya maraming salamat sa pagsusuportaaa ❤️❤️.

Sana excited na kayo sa story sa story ni Greed❤️. Siguro yung story ni Greed yung masasabi kong pinaghirapan ko talaga. Like kahit ako na sumulat ay napapalakpak sa nagawa ko sa story ni Greed huhuhu.

See you soon. Tatlong update bukas and isang update kay Greed.

Love lots,

-AnjieLy

Carrying The CEO's Baby (REVISING)Kde žijí příběhy. Začni objevovat