Chapter 14

2.8K 93 5
                                    

[FLASHBACK]

Xerra's POV

Lulang-lula ako sa laki nang canteen! As in! ang laki laki nya na parang kasing laki nang foodcourt sa palengke!

"Come on, we'll seat there." Ani ni sir Ram saka ako hinila palapit sa isang bakanteng table.

"What do you want?" Tanong nya sa akin.

I pouted my lips, sigurado akong walang mabibili ang bente pesos ko sa canteen na to.

"Wala ata akong mabibili sa perang ipinabaon ni Nanay Enay sa akin, Sir Ram. Mukha naman kasing sosyalin tong mga benta dito eh." Nakasimangot na turan ko.

Tumitig ito sa akin bago napa-iling. "Stay here, I'll go get something to eat." Ani nya.

Gusto ko sana syang pigilan pero malalaki masyado yung hakbang nya! Nakakahiya naman to. Mukhang makakautang ako wala sa oras nito.

"Xerra!" Napalingon ako nang marinig ko ang pangalan ko.

Nakita ko si Kaisen kasama yung kamukha nyang lalaking sinigawan din ni Sir Ram kanina. Lumapit silang dalawa sa akin. Naupo si yung kamukha nya sa upuang paharap sa akin habang si Kaisen naman ay umupo sa tabi ko at inakbayan ako.

Agad akong nakaramdam nang ilang pero ganoon na lamang ang kaba ko nang pisilin nya ang balikat ko. Parang napapasong inalis ko ang kanyang pagkakaakbay sa akin at lumayo sa kanya. Natawa naman yung nasa harapan namin at napailing.

"Yang kamanyakan mo talaga, Kaisen." Ani nito saka bumaling sa akin.

"Hi miss beautiful. Ako si Kaiser, magkabatchmate kami ni Rameses at yang kurimaw na katabi mo ay ang kapatid ko." Pagpapakilala nya at inabot ang kamay.

Nakipagkamay naman ako at ngumiti nang pilit. "Ako si Xerra." Simpleng pagpapakilala ko at agad na binawi ang kamay.

Nagbiruan ang dalawang magkapatid sa harap ko pero wala akong maintindihan kasi kakaibang dayalekto ang kanilang ginagamit. Napabuntong hininga na lang ako kahit hindi ako mapakali kasi panay yung pagdidikit nang balat ni Kaisen sa akin.

"What are you two doing here?" Rinig kong boses ni Sir Ram.

Nakahinga ako nang maluwag nang dahil sa pagdating nang presenya nya. Kunot noong nakatingin sya sa akin na para bang tinatanong kung okay lang ba ako. Simpleng tango na lang at ngiti ang ipinakita ko sa kanya.

"Makikikain kami, dre." Sagot nung kuya ni Kaisen.

"Hindi ba sinabi kong maglinis kayo?" Kunot noong tanong ni Ram.

"Mamaya na kuya, pakainin mo naman muna kami." Sagot ni Kaisen.

Nanghinayang agad ako nang umupo sa tabi ni Kaiser si SIr Ram. Akala ko pa naman ay tatabi sya sa akin. Hmpt!

Maya-maya pay nagsidatingan ang pagkain namin. Sa sobrang rami nang inorder ni sir Ram ay kailangan naming ipagdugtong ang dalawang table. Pakiramdam ata nang isang to ay isang baranggay ang papakainin! Hello? Mauubos ba namin yan?

"Let's eat." Agad na sabi ni sir Ram.

Nakikain nga ang dalawang damulag. Habang kumakain kami ay panay sulyap ko sa mga estudyanteng dumadaan. I pouted my lips lightly sa tuwing napapansin kong sa akin sila nakatingin.

Carrying The CEO's Baby (REVISING)Where stories live. Discover now