Chapter 21

2.7K 84 7
                                    

Xerra's POV

Pumasok ako sa private room ni kuya. Kumakabog ang puso ko, natatakot baka hindi ako kikibuin ni Ram.

I'm scared of what the outcome of our talk. I'm scared, I'm scared of losing him. Napakatanga ko para hindi sya bigyan nang pangalawang pagkakataon. Pinagsisihan ko yun. Tama nga sya, pareho lang naman kaming nasaktan.

Ang kitid naman ang utak ko at inisip lang sarili.

Hingiin mo lang ulit, Ram ibibigay ko. Nagmamakaawa ako, sana hilingin mo pa ang isa pangpagkakataon para sa atin. Para sa buhay natin, sa pagmamahalan natin at sa anak natin.

Nakaupo sya sa long sofa patalikod sa akin. Abot ang kaba ko sa puso. Kabog nalang ata nang puso ko naririnig ko!

Para wala akong lakas na harapin sya. Natatakot akong sa pag-uusap na ito ay mawawala sya sa akin.

"Maupo ka Xerra." Nagulat ako sa biglang pagsasalita nya.

"Go on, maupo ka. Mag-uusap tayong dalawa." Ulit nya kaya natauhan ako.

Nagmamadaling naupo ako sa pang-isahang sofa paharap sa kanya.

Silence was the first that happened. Walang gustong maunang magsalita sa aming dalawa. Natatakot na sa pagbuka palang nang bibig ay magkakasakitan kaming muli.

Nanlalamig ang aking mga kamay at habang tumatagal ang katahimikan ay mas lalong lumalakas ang kabog nang puso ko at mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko.

His sigh was the one who broke the silence, "What now? Tatahimik na lang ba tayo dito?" Tanong nya habang nakatingin sa mga collection ni kuya na baril.

Ni hindi nya man lang ako matitigan sa mata.

"Hindi ko alam kung saan sisimulan, natatakot akong baka masaktan natin ang isa't isa pagbubukas ang bibig ko at magsalita." Sagot ko sa kanya habang nakatingin sa panga nyang namumula.

Napaaway ba sya?

"I'll ask you again, Xerra." Ani nya sa seryosong boses kaya napalunok ako.

"Do you still love me?"

Simpleng katanungan, simpleng oo at hindi pero hindi ko man lang mabukas ang bibig ko para sagutin sya.

Mahal pa ba kita Ram? Hindi ko alam! Nalilito ako, papaano nga kung totoong awa nga lang tong nararamdaman ko sa iyo tulad nang sinabi mo sa akin sa isla?

Papaano kung mag-oo ako tapos hindi na pala kita mahal at ginagawa ko lang ito para bigyan nang kumpletong pamilya si Rin?

Nahulog ako sa aking sariling isip at parang hindi ako makaalis. Ang dami nang paano, ang dami daming tanong, ang daming hindi kasiguraduhan.

What if I say no and regret it in the end?

What if I say no and he'll find a new lover and forget about me? About us?

"Xerra, your silence is making me crazy." Napaangat ako nang tingin sa kanya.

Namamasa ang mga mata ko at pakiramdam ko ay nawawalan ako nang lakas sa katawan.

"It's just a yes and no, Xerra. Ang hirap bang sagutin?" Ani nya ba.

Hindi ko parin magawang sumagot. Natatakot akong pagsisisihan ko ang magiging sagot ko!

Handa na ba akong sumubok ulit? Bakit ngayon pa ako nagdadalawang isip?

"Fine, I'll take your silence as a no. Kasi kung nahal mo pa talaga ako, you wouldn't be confused by your feelings or decision, Xerra. Wag kang mag-aalala, susuportahan ko si Rin at hindi sya lalaking walang kinikilalang ama." Ani nya sabay alis nang silid.

Gustong-gusto ko syang pigilan, gustong-gusto ko sya hilain pabalik at mag-usap nang masinsinan.

Pero papaano ko nga ba yun gagawin kung heto ako? Pinapangunahan nang takot? Ni hindi ko man lang mabuka ang mga bibig ko para magsalita!

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganito?

If I kept on doing this, I will lose him but on the other hand I am not doing anything for him to make him stay!

Nanghihina ang katawan ko kaya walang buhay akong napasandal sa sofa at umiyak nang umiyak.

Nasa ganoon akong estado nang mapasukan ako ni Kuya na kasama si Hybrid.

Ipinasok nya muna si Hybrid sa kulungan nito bago lumapit at binuhat ako paupo sa kanyang kadungan.

I cried even harder.

"Hindi ba't sinabi kong mag-usap kayo nang masinsinan? Hindi ba maganda ang kinalabasan nang pag-uusap nyong dalawa?" Malambing na tanong nya dahilan para mas maiyak ako lalo.

I hugged him tightly. "I don't know kuya." Umiiyak na turan ko.

"Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin na hindi ko man lang mabuka ang bibig ko para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko." Ani ko na pinipigilan ang sariling huwag humikbi.

"Paano ko ba naman kasi sasabihin kung ako mismo hindi ko alam kung anong tunay kong nararamdaman sa kanya?"

Humigpit ang pagkakayakap nya sa akin at sinuklay ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri. Inalis nya rin ang mga hibla nang buhok kong natatabingan sa mukha ko.

"I'm scared to have him back kuya, pero natatakot din akong mawala sya. Hindi ko na alam kung ano ang gusto ko kuya. Nalilito na ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko, kuya." Himutok ko.

"Xerra, Ram is a member of the society now."

Nanlamig ang buong katawan ko. "Me and Greed blackmailed him kapalit nang anak mo." Dagdag nya pa.

"Kuya naman! You're job is dangerous, why do you have to drag him there?!" Galit na sigaw ko sa kanya at umalis sa kanyang kandungan.

"I know." Simpleng sagot nya. "Xerra, made up your mind. You're hurting the man. Hindi lang ikaw ang nasaktan nang maghiwalay kayong dalawa. You're selfishness is just confusing you, Xerra." Ani nya saka tumayo at tinignan ako sa mga mata.

"Sort your feelings out before everything turns around. Baka huli mo nang matanggap sa sarili mong mahal mo pa si Ram ay wala na yung tao." He said before entering Hybrid's den.

Mula sa glass cage ay kitang-kita ko syang masayang nakikipaglaro sa alaga nyang leon.

Baka huli mo nang matanggap sa sarili mong mahal mo pa si Ram ay wala na yung tao.

Baka huli mo nang matanggap sa sarili mong mahal mo pa si Ram ay wala na yung tao.

Baka huli mo nang matanggap sa sarili mong mahal mo pa si Ram ay wala na yung tao.

Bakit ba ang kitid naman nang utak mo ngayon Xerra?! Ano ba talagang gusto mo?!

Nasa malalim akong pag-iisip nang mayroong pumasok na lalaking kasing tangkad ni kuya.

"Where's Lust?" Tanong nito sa akin na halata ang pagmamadali.

Tinuro ko yung kulungan ni Hybrid.

"Wrath? What are doing here?" Ani ni kuya na kakalabas lang nang kulungan.

"Look dude, the organization got a our bird. Rameses Ritz Sarce is in danger."

----------

Goodnight! Bukas ulittt❤️

-Anjie_Ly

Carrying The CEO's Baby (REVISING)Where stories live. Discover now