Chapter 28

1.6K 33 0
                                    

Xerra's POV

Nakaupo si Levy sa pang isahang sofa. Nanginginig ang kanyang mga tuhod at marami syang galos sa katawan. Halatang hindi sya mapakali at panay kagat sa mga daliri nya.

Naudlot ang check up ko sana sa ospital sa biglaang pagdating nya. Ibang-iba na sya sa Levy na kilala ko noon.

Ang payat payat nya!

Inabutan sya nang isang baso nang tubig ni Kuya Lust at sinusuri naman ni Kuya Sloth na doktor pala si Levy sa malayuan.

Nang makita kasi namin si Levy sa pinto nang bahay ay agad agad kong inutusan Ram na tawagan si Kuya na sinama naman si Kuya Sloth.

Hindi ko alam kung papaano ko sisimulan more like hindi ko alam kung saan sisimulan!

Hindi nya tinanggap ang baso ng tubig na binigay ni kuya kaya inabot ko ang baso kay kuya at ako ang nagbigay.

Sa pagkakataong ito ay inabot nya ang baso nang tubig at ininom iyon. Napansin ko ang pangingitim nang kanyang mga kamay na para bang itinali sya nang matagal. Sumulyap ako kay Kuya Sloth na tumango sa akin na para bang mayroon na syang konklusyon sa nangyari kay Levy.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, naghahalo ang emosyon ko.

Naawa ako sa kanya at nagtataka, pero yung galit at wala. Matagal na akong naliwanagan tungkol doon pero ang buong akala ko ay nagdadalang tao sya? Was it really just a scene?

Dahan-dahang umangat ang kamay ko at hinaplos ang kanyang likod. Agad syang napaigik kaya naalarma ako.

"Are you okay?" Dali-daling tanong ko.

Umangat ang kanyang mga mukha. Nang magtama ang aming mga mata ay nagsituluan ang kanyang mga luha.

"Tulungan nyo po ako." Umiiyak na turan nya.

Gusto ko syang yakapin nang mahigpit pero baka masaktan ko sya dahil sa rami nang galos sa kanyang mga katawan!

"Levy anong nangyari sayo?" Kalmado at puno nang pag-aalalang tanong ko.

"Sasaktan po ako nila Tatay at Kuya, tulungan nyo po ako! Ayoko ko na pong mabugbog, magpapakabait po ako." Umiiyak na sumbong nito at niyakap ang kanyang sarili.

"Shh, tumahan ka Levy." Pagpapakalma ko at sumulyap kay Ram na bakas din ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"Tulungan nyo po ako!" Sigaw nya bigla kaya naging alerto sila kuya.

Bigla syang nagwala nang subukan syang lapitan ni Kuya, she's trashing and crying leaving Kuya Sloth with no choice but to sedate her.

Inihiga sya ni Kuya sa long sofa, naawa ako sa kanya.

"I think she experienced a very traumatic event in her life. Kilala nyo ba sya?" Tanong ni Kuya Sloth.

Si Ram na ang sumagot kay Kuya Sloth kasi abala ako sa pagpupunas sa mga putik sa kamay ni Levy.

"She's our maid before." Ani ni Ram.

"Saan nyo sya nakilala?" Tanong ni Kuya.

"Nakilala namin sya noon nang minsang kumakain kami ni Xerra sa isang diner. Gulong-gulo sya kaya tinulungan namin. Inalok namin sya nang trabaho na agad din naman syang pumayag sa kadahilanang wala syang matutuluyan." Pagpapaliwanag ni Ram.

"No parents then." Ani ni Kuya na nakatingin kay Levy.

"She's actually pregnant before, habang nandidito sya sa mansyon ay nabuntis sya. She gave her daughter up to the father." Naiiling na dagdag ni Ram.

"Whose the father?" Dali-daling tanong ni Kuya.

Lahat natahimik at lahat nang mata ay nasa kay Ram na nagdadalawang isip kung sasabihin ba.

Bumuntong hininga sya at napahilamos sa mukha. "It was Enigo." Sagot nya na ikinasinghap ko.

"They were fuck buddies, minsan ko nang pinangalaran si Levy pero hindi sya nakinig sa akin. I even punched Enigo for that pero walang may nakinig sa akin. Until one day Enigo, fucked up." Hirap na hirap na turan nya.

I was shocked! I never know this! Ni hindi ko man lang napansin!

"Sinabi nya kay Enigo na nagdadalang tao sya, but Enigo rejected her immediately. Bigla syang nawala matapos noon at biglang bumalik. Ibinibigay nya ang batang kakasilang lang sa akin, nakiki-usap na ibigay kay Enigo. Balisang-balisa sya noon, ni hindi ko nga natanong kung bakit nya nagawang ipamigay ang bata. She just kept on mumbling the word "tatay" and "kuya". Pagpapaliwanag nya pa.

Parang hindi ako makapaniwalang mayroon silang anak ni Enigo! Ni hindi ako makapaniwalang meron palang namagitan sa kanilang dalawa!

My brother sighed, "Kami na ang bahala sa kanya." Suhesyon nya.

"Dadalhin namin sya sa quarters sa society, hahanapin namin ang gumawa nito sa kanya. She can't stay here, I don't want your family to be in danger again." Maawtoridad na sabi ni kuya.

Sabay-sabay naman kaming tumago. Alam ko namang wala akong maitutulong sa paghahanap nang taong sumakit sa kanya kaya ipapaubaya ko iyon kila Kuya.

I think it was also the right choice na sumama sya sa society, mas ligtas sya doon at mas lalong ayokong isa-alang alang ang kaligtasan nang pamilya ko.

Umupo si Ram sa tabi ko na mayroong malungkot na ngiti sa labi. Sumandal ako sa kanya at kumuha nang lakas.

He took my hand and give me squeeze silently telling me that everything is gonna be fine.

Pinag-uusapan namin ang kalagayan ni Levy ng dumating si Enigo na walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha.

Gulat na napatingin kami sa kanya. Hindi naman kasi namin sinabing naririto si Levy.

"How was she?" Walang emosyong tanong nya habang nakatingin kay Levy na walang malay.

"Well, she's not feeling well." Seryosong sagot ni Kuya Sloth.

"Plano namin syang dalhin sa society, mas maaalagaan sya doon at pwedeng pwede syang bantayan ng mga tao doon habang hinahanap namin ang taong gumawa nyan sa kanya." Ani ni kuya.

Natahimik naman si Enigo na para bang nag-iisip.

"Let her stay in my house" biglang turan nya na ikinagulat naming lahat.

Akmang magpoprotesta ako ng makita ko ang lungkot sa mukha ni Enigo.

"It's my fault why this happened anyway. Kung hindi ko sya pinagtulakan noon edi sana masaya kami ngayon. Hindi sana sya ganyan ngayon." Malungkot na turan nya.

"Gusto kong ayusin kami sa prosesong aayusin ko rin sya." Ani nya pa.

"You can't keep her safe man, baka bigla kayong sulungin nang mga taong gumawa niyan sa kanya. We don't know what they are capable of. Baka parte sila nang org." Ani ni kuya.

Sumeryoso naman ang mukha ni Enigo na halatang pinal na desisyon nyang mananatili sa puder nya si Levy.

"I'll throw myself on the lions den, then. Saan ba ako pwedeng magpamembership sa society na iyan?"

----

Not edited

Carrying The CEO's Baby (REVISING)Where stories live. Discover now