Chapter 6

3.6K 130 7
                                    

Xerra's POV

"Nahihibang ka na, Ram. Hindi mo alam ang pinagsasabi mo." Mahinang turan ko habang nakatitig sa kanyang mga mata.

"Pagbigyan mo na ako, Xerra. Nakikiusap ako." Pagmamakaawa nya.

I stared at him in disbelief. Bakit ba kasi yan ang gusto mong mangyari Ram?

"Ram ano sa tingin mo ang sasabihin ni Levy dahil sa pinanggagawa mo? Hindi ka ba nahihiya sa anak nyo?"

Parang tinarak ang puso ko sa emahinasyong umiiyak ang anak nila dahil sa ginagawa namin ngayon. Naawa ako sa bata dahil naiipit sya sa sitwasyon.

"I'm sorry I lied. I'm really really sorry that I lied, Xerra."

What is he talking about? Why can't you just be straight to the point, Ram?

"I am sorry for hurting you two years ago. Nasakatan ako Xerra kaya nagawa ko iyon sayo. I was saving my ego and pride, I am sorry."

Tumulo ang luha sa kanyang mga mata kasabay nang kanyang paghagulgol. Hearing him cry broke my heart.

I guess deep inside me, he is still there. But what ego, is he talking about?

"Kausapin mo ako nang maayos Ram! Wag mong mas lalo pang guluhin ang aking isip! Ano ba talaga ang gusto mong mangyari!"

Hindi ko maiwasan ang pamasigaw dahil sa frustration na nararamdaman.

"Two years ago, I saw you happy with him. Parang sinakal ako at sinampal ako sa katotohanang mahal mo parin sya. I saw you with him that day, dala nang panghihinayang at sakit ay ginamit ko si Levy para saktan ka."

Kumunot ang aking noo dahil sa kwento nya. Sinong sya?

"Levy is pregnant, but it's not mine." bulong nya at yumuko para punasan ang luha sa kanyang mga mata.

"Sinong sya, Ram?" Mababang tonong tanong ko sa kanya.

Nanginginig ang aking tuhod at bibig, parang pinipiga ang puso ko sa sobrang lakas nang pagkakabog. Parang may mali, mayroon ba dapat akong malaman? Ano nga ba ang totoong rason para kami ay maghiwalay? Bakit hindi ko man lang naisip ang biglaang pagbabago nya?

"Sinong sya Ram?!" Sigaw ko sa kanya saka hinila ang kanyang mga kamay.

Tumingin sya sa akin pero agad nyang iniwas ang tingin na para bang ayaw nyang sabihin sa akin kung sinong sya ang tinutukoy nya.

"Ram, please tell me." Pakikiusap ko.

Pakiramdam ko ay sasabog ang utak ko. Nagwawala ang buong sistema ko at litong-lito ako. Sino sya? Sya ba ang sumira ng relasyon naming dalawa? Wala na akong ibang minahal pa kundi si Ram lang at wala nang iba!

"Ram naman, kung wala ka naman palang plano sabihin sa akin kung sino, edi sana hindi ko nalang ibinalik pa yung kahapon!" Galit na sigaw ko sa kanya.

"Bakit ba tinatanong mo pa kung sino kung gayong kilalang-kilala mo naman sya!" Balik na sigaw nyang mas lalong ikinakunot nang aking noo.

"Kilala mo sya, mahal mo naman sya kaya gustong-gusto mo nang bumalik sa Maynila para makasama sya diba?! Kaya gustong-gusto mo nang pirmahan ko nang divorce papers para tuluyan na kayong magsama diba?!" Sigaw nya rin saka umiyak at niyakap ako habang nakaluhod parin sya.

Nagpumilit akong kumawala sa yakap nya. Pinagtutulukan ko sya.

"Ano bang pinagsasabi mo?! Hindi kita maintindihan! Sino ba kasi sya at ganyan ka na lamang magsalita!" Nangangalaiting sigaw ko sa kanya.

"Si Kaiser!"

Parang tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang pangalang iyon. Para akong nawalan nang lakas at napatitig sa kawalan.

Sunod sunod na tumulo ang mga luha ko, bakit hindi nya muna itinanong? Bakit hindi sya sinabi sa akin? Bakit hinayaan nyang masira ang relasyon namin dahilang sa kanya?

"Ram." Tawag ko sa kanya at dahan-dahang dumistansya sa kanya.

"Mahal na mahal kita, Xerra. Mahal na mahal parin kita." Mahinang turan nya.

Mas lalo akong naluha. Nasira ba kami dahil sa isang maling paratang? Hindi ba ganoon ka tibay ang relasyon namin para masira nang ganoon-ganoon na lang?

"Ram, bakit hindi mo sinabi sa akin?" Umiiyak na tanong ko sa kanya. Hindi ko maiwasan ang pumiyok.

Parang nabawasan ang sakit sa puso, parang biglang humilom ang sugat na dala-dala ko noon.

"Can you just say yes to my plea, Xerra? Pwede bang kalimutan muna natin sya? Pwede bang kahit sa kaunting pagkakataon lang ay tayo muna? Yung ikaw at ako lang, wala ng iba."

My heart swell. Hindi ko alam kung tama ba to, pero parang naliwanagan ako. Parang nagkaroon nang tuldok ang katanungan sa puso ko at nadagdagan iyon nang panibago pero sa pagkakataong ito ay walang halong sakit kundi koryusidad.

Dahan-dahang umangat ang kamay ko at hinaplos ang kanyang pisngi.

"Pumapayag ako, Ram. Pero gusto ko, habang magkasama tayong dalawa'y sasagutin mo ang lahat nang katanungang patuloy na bumabagabag sa utak ko. Let's find ourself again, Ram. Pero hindi ko alam kung handa akong bigyan ka nang pangalawang pagkakataon. Ang kaya ko lang na ibigay ay ang dalawang linggong kapiling ka." Sinserong turan ko saka hinalikan ang tungkling nang kanyang ilong.

"Sapat na sa akin yun, Xerra. Mahal kita."

He gently grab my nape ang kiss me on the lips squarely. Kusang pumikit ang mga mata ko at tinugon ang kanyang halik.

Ramdam ko pag-aalaga sa bawat hagod nang kanyang labi sa akin.

"Mahal na mahal kita, Xerra. Mahal na mahal kita." Bulong nya.

Bumaba ang halik nya sa aking leeg pabalik sa aking labi. He kept on kissing, nipping and licking my neck. Lalong-lalo na yunb parteng kinagat nya noong nakaraan.

"Masakit ba?" Tanong nya habang hinahalikan yun.

"Sa tingin mo?" Sagot ko. He chuckled lightly at binuhat ako paupo sa kandungan nya.

"I'm sorry, I just missed you. Nadala din ako sa galit kaya nakagat kita." Pagdadahilan nyang ikina-iling ko.

"Nangangagat ka na pala ngayon pag-galit ka?" Natatawang tanong ko.

He hummed as an answer before kissing me again on the lips. Pero sa pagkakataong to ay ramdam na ramdam ko ang kasabikan nya lalong-lalo na nang maging malikot ang kanyang mga kamay.

"Minamanyak mo ako ah." Habol hiningang tanong ko nang pakawalan nya ang labi ko at saka namang pinanghahalik-halikan ang aking leeg pero humalakhak lang sya at patuloy sa ginagawa nya.

I can feel his chest vibrating when he chuckled. We are so close from each other. Ramdam na ramdam ko ang init sa kanyang katawan na syang bumubuhay sa apoy.

Dahan-dahang pumasok ang kanyang kamay sa suot kong blouse. He cupped my breast before looking up at me.

"Can I make love to you, wife?" He ask with husky baritone voice sending chills and tingles in my body. I saw lust in his eyes, kitang-kita ko ang repleksyon ko sa kanyang mga mata.

Our eyes are both burning with desires.

I licked my dried lip, "No one is stoping you, Ram."

------------------

Syempre alam nyo na kung ano yung ganap next chapter ?❤️. Happy reading ❤️. Mamayang gabi ulit❤️.

-AnjieLy

Carrying The CEO's Baby (REVISING)Where stories live. Discover now