Chapter 7

3.4K 121 7
                                    

Xerra's POV

Nagising ako dahil sa malakas na hilik ni Ram. Bahagya akong gumalaw pero napangiwi ako dahil sa naramdamang sakit sa aking kaibuturan.

Talagang hindi nya ako tinigilan kahapon hanggang gumabi. Kahit sa pagkain namin ay minamanyak nya ako!

Dito na kami sa tree house nagpalipas nang gabi. Hindi na ako nagreklamo pa kasi napagot na din ang katawan at isip ko.

Inilakad nya na lamang sa isa sa nga caretakers nang isla ang mga beddings na gagamitin namin kasama ang mga damit at pagkain.

Ang tanging suot ko lang ay isang kulay puting polo ni Ram. Malaki naman syang tao kaya natatabunan ang katawan ko hanggang sa tuhod. Sya naman ay sanay na matulog nang walang pang-itaas kaya nagboxer lang sya sa ilalim nang comforter.

Sumilip ako sa bintana, medyo maliwanag na sa labas. Marahil ay alas singko na nang umaga.

Panay parin hilik ni Ram kaya sinipa ko sya. Tumigil ang paghilik nya at bahagyang gumalaw. It was not that long nang humilik na naman ang animal.

Napatitig ako sa mahimbing nyang kaanyuan. Bahagyang nakaawang ang kanyang mapupulang labi. Tumataas-baba ang kanyang dibdib.

Maraming nangyari kahapon, sa sobrang rami ay hindi ko alam kung tama ba nga ba ang desisyon kong pagbigyan sya, not to mention that I gave him way to my body again.

Nararamdaman ko ang takot, alam kong parati akong talo pagdating sa patigasan ng puso. Natatakot akong biglang bumigay ang pader na dalawang taon kong binuo para wag lang muling masaktan.

Ayokong makita muli ang sarili kong muli sya pagkatiwalaan at mahalin sa loob nang aming pagsasama rito sa isla. Natatakot ako sa posibleng mangyari pagnalaman nyang mayroon na kaming munting anghel at naghihintay sa Maynila.

Naguguluhan parin ako, ano ba ang ginawa ni Kaiser para mawala ang tiwala nya sa akin?

Pinipilit kong balikan ang mga alaala ko noon subalit wala akong maalala na nagkasama o nag-usap kami ni Kaiser!

"What are you thinking?"

Napapitlag ako sa boses ni Ram. Kunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin.

Iniwas ko ang tingin sa kanya kasi bahagyang nalihis iyong comforter. Kitang-kita ko tuloy yung matipuno nyang dibdib at abs!

"W-wala." Nuutal kong turan.

"I've been calling you for how many time already wife."

Napangiwi ako. Ganoon ba ka lalim ang iniisip ko at hindi ko man lang narinig ang pagtawag nya sa akin?

"Come here." He said tapping the space beside him.

Napabuntong hininga ako saka gumapang palapit sa kanya. Cereful enough not to touch me sore core.

Humiga ako sa tabi nya at umunan sa kanyang braso. Atomatiko namang pumulupot ang isa nya pang braso sa aking baywang.

Napapikit ako nang suklayin nang kanyang mga daliri ang buhok ko gamit ang kamay nyang ginawa kong unan.

"What are you thinking Xerra?" Ulit na tanong nya. Sumiksik ako sa kanyang tagiliran. Amoy na amoy ko ang kanyang mabangong pabango.

"I'm thinking about Kaisen." Sagot ko.

Naramdaman ko ang paninigas nang kanyang katawan at ang paghigpit nang pagkakapulupot nang kanyang mga kamay sa aking baywang. Natigil rin ang pagsusuklay nya buhok ko.

"Can we please stop talking to him?" Ani nya pero umiling ako.

"No, we need to talk about him Ram. Gusto kong malaman kung anong ginawa ni Kaisen o kung ano man ang sinabi nya sa iyo para masira tayo Ram." Ani ko sa kanya.

"Alam mong sya ang taong kinatatakutan ko Ram. Ayoko ko sa kanya, alam mo yan, pero bakit ganoon? Bakit nasira tayo? Nalilito ako Ram. Kung pupwede lang alamin ang lahat-lahat ngayon mismo ay gagawin ko para mapanatag na ako." Aniko at mas lalo pang sumiksik sa kanya.

"I don't really know what to feel Ram. Nang marinig ang kanyang pangalan galing sa bibig mo ay nagsitayuan ang aking mga balahibo. Parang mayroong panganib na parating Ram. Natatakot akong mawala ang meron ako ngayon tulad nang nangyari sa akin noon." Puno nang takot at pangambang turan ko.

"Nawala ka sa akin noon Ram. Ikaw lang ang meron ako, pero nawala ka rin. Ayoko ko nang muling maranasan ang mawala ang lahat sa akin Ram. Ayoko ko nang maiwang mag-isa at mag-isang harapin ang pagsubok na hindi ko alam kung papaano lalagpasan." Naiiyak na pag-aamin ko.

Muling bumalik ang mga alaalang iyon sa akin. Parang piniga ang puso ko sa sakit. Marahil ay kung hindi ako nahanap ni kuya ay hindi ko alam kung saan ako pupulutin.

"I really don't know what to say, Xerra." Mahinang bulong nya at hinalikan ang taas nang aking buhok.

"Pareho lang tayo nasaktan Ram. Nasaktan tayo sa padalos-dalos na desisyon." Tugon ko.

"Do you think we're happy and with a big family if ever we did not separate before? Sa tingin mo ba mayroon na tayong anak kung sakaling hindi ako nagpadala nang makita ko kayo ni Kaisen? Sa tingin mo ba mahal mo parin ako kung hinintay ko ang paliwanag mo?" Panghihinayang ang nakalatay sa kanyang boses.

Hindi ko tuloy maiwasan ang mapahikbi dahil sa pinagsasabi nya. Gusto kong sabihin na, "siguro nga" pero hindi ko mabuka ang bibig ko para magsalita.

Para akong lumulutang sa isang madilim na silid. Hindi ko maibuka ang bibig upang masabi sa kanyang mayroon na kaming anak.

Kung sasabihin ko ba ay magagalit sya? Pagsasabihin ko ba'y ilalayo nya sa akin si Rin?

Imahinasyon pa lamang ay parang sinasakal ako. Hindi ko kayang mawala sa akin si Rin. Hindi ko kaya!

Pero papaano naman sya? O God, kailan ba ito matatapos?

Anak ko na lamang ang pinaghuhugutan ko nang lakas. Hindi ko alam ang gagawin kung mawawala sya sa akin. Hinding-hindi ko alam kung saan ako mapapadpad.

I am selfish Ram. Pasensya ka na pero hindi ko kayang mawala si Rin sa akin. Pareho tayong makasarili Ram. Mayroon tayong kanya-kanyang rason o dahilan upang maging ganito tayo ka selfish.

Bahagya syang gumalaw at ipinagtapat ang aming mukha sa isa't isa. He cupped my cheeks, slowly caressing it with so much care in every touch.

"Would you forgive me for not trusting you and try again? Would you give me a second chance in your life, Xerra?" Napakalamyos nang kanyang boses na parang isang napakagandang melodiyang kay gandang pakinggan.

Mariin akong napapikit. My lips trembled before answering him

"I am sorry Ram, but we can't go back to the things that are once broken. Ang tanging gusto ko na lamang ngayon ay kasagutan Ram." Mahinang bulong ko.

"I don't love you anymore, Ram." I whispered at him.

Kitang-kita ko ang pamumuo nang luha sa kanyang mga mata. Ang bawat gurit nang sakit sa mga magaganda nyang mga mata.

I am sorry for being selfish Ram.

-----

Isang mahalagang paalala, hindi po ako nagsusulat nang super spg kasi pakiramdam ko po ay out of reach ko na po iyon kaya mild spg lang po ang kaya kong gawin❤️.

Ikalawang papaalala, mula po ngayon ay 1:00 nang hapon na po ang update ko at 8:30 naman po sa gabi.❤️

Single Update din po muna ngayon kasi super busy si ako kanina?. Thank you so much for reading my story❤️.

Happy 1.2k reads in just 4 days❤️. Love you all guys.

-AnjieLy

Carrying The CEO's Baby (REVISING)Where stories live. Discover now