Chapter 27

1.7K 29 1
                                    

Xerra's POV

Maaga pa akong nagising upang ipagluto ng makakain si ang mag-ama ko. Hindi maalis-alis ang ngiti sa labi ko.

I am happy and beyond, yung tipong wala akong dala-dalang aalahanin sa aking dibdib. Ang gaan-gaan nang loob ko.

Habang nagluluto nang agahan ay hindi ko makakalimutan nangyari.

Paano ko nga ba makakalimutan iyon matapos sampalin ni Shaineu si Kuya Sloth sa harap namin nang nanonood kami nang TV.

Kitang-kita ko kung papaano manlisik ang mga mata ni Kuya Sloth kay Shaineu. We are about help them up nang bigla-biglang binuhat ni Kuya Sloth si Shaineu at umalis nang bahay gamit ang kotse ni daddy.

Napabuntong hininga na lamang ako at ipinagpatuloy ang pagluluto nang agahan.

Nagluluto ako nang itlog nang mayroong yumakap sa aking likod. Agad kong naamoy ang pabango ni Ram kaya napangiti ako. I leaned my back on his chest.

"You awake?" Tanong ko. He hummed as an answer saka ako hinalikan sa pisngi.

"Good morning, my love." Bati nya na ikinakabog nang puso ko.

"Good morning too, sige na ayusin mo na ang mesa para makakain na tayo." Aniko.

Agad naman itong tumalima. Matapos ihanda ang agahan ay inutusan ko syang gisingin na si Rin.

Umupo ako sa upuan at napahinga nang malalim. Medyo nahihilo ako at ilang araw ko nang nararamdaman ito.

I've been hiding it from Ram pero hindi iyon nakakaligtas sa mala agilang mata ni kuya.

He told me na magpacheck up, hindi na ako umangal pa kasi alam kong wala akong laban sa kanya. Si Kuya Gluttony ang magsusundo sa akin mamaya.

Maglilimang araw na rin kasi nang makauwi kami rito sa dating bahay namin ni Ram. Pinakiusapan nya rin si Kuya Sloth na kung maaari ito ang magiging engineer namin kasi gusto ni Ram na iparenovate ang bahay. Pumayag din naman si Kuya Sloth pero si Kuya Envy ang aming Architect.

Well, we are not expecting them to be a graduate of those courses, ang akala lang kasi namin ni Ram ay mga milyonaryo lang sila kasi sa mga kumpanya nila.

"Mama!" Bibong bati ni Rin.

Buhat-buhat sya ni Ram at malawak ang kanyang ngiti. Iniupo sya ni Ram sa binili ni Kuya Envy na highchair.

Ang totoo ay hindi kami pa bumibili nang mga damit ni Rin kasi lahat nang iyon ay binibili ni Kuya Envy, ang grocery naman ay galing kay Kuya, ang mga pagkain ni Rin ay galing kay Kuya Gluttony.

Lumapit ako kay Rin at hinalikan sya sa pisngi. Si Ram naman ay nilagyan nya nang kanin ang pinggan ko at pinggan ni Rin.

"Masarap ba sleep nang baby ko?" Malambing na tanong ko Rin. Ngumisi naman ang anak ko saka nagbungis-bungis.

"Mayroon ka bang trabaho bukas, Ram?" Tanong ko kay Ram.

"Yeah, it's not that important though. Wala naman akong importanteng meeting bukas eh." Ani nya.

"That's good then! Gusto ko kasi sanang lumabas tayo nang bahay kasama si Rin. Hindi pa kasi sya nakapaglibot-libot sa mga malls dito sa Pilipinas na kasama tayo. Parating si Kuya Envy ang kasama nya." Ani ko at pumalakpak.

"Sure, I can clear my schedule up for that." Ani nya na mayroong malawak na ngiti sa labi.

"Let's have some family bonding from time to time." Ani nya na mas lalong ikinangiti ko.

Tumango tango ako sa kanya at sinimulang kumain na mayroong galak sa puso.

Si Ram na ang nagpresintang maghugas kaya pinaliguan ko nalang muna si Rin.

Sakto namang sumunod sa amin sa kwarto si Ram eh tapos ko nang liguan si Rin. Inutusan ko syang pasuotin ng damit si Rin kasi maliligo din ako.

Matapos maligo ay agad akong nagbihis. Rinig ko mula rito sa kwarto kasi iniwan kong nakabukas ang pinto ang malakas na hagikhik ni Rin at malakas na tawa ni Ram.

Walang araw na hindi ipinaramdam ni Ram na mahal na mahal nya kami ni Rin. Tulad noon, he always have time for me, and now with our son.

Mas lalo syang naging maunawain at mas lalong humaba ang pasensya nya sa tuwing mamalditahan ko sya. Maaga syang umuuwi galing sa trabaho at maya't maya ang pangangamusta nya sa amin ni Rin.

Hindi na rin ako pumasok pa sa kumpanya ni Kuya kaya laging busy si kuya. Wala na kasing magmamanage kasi yung butler nya ay kung saan-saang branch nya pinapadala. Naawa ako minsan kasi parati nalang nya akong kinukulit na pumasok sa opisina, pero gusto ko namang maging hands on kay Rin.

I want to create new bond with Ram also. Much and much stronger than before.

Kakatapos ko lang patuyuin ang buhok ko nang pumasok si Ram sa aming silid na halata ang pagtataka sa mukha.

"Nandoon si Kuya Gluttony sa baba." Ani nya saka sinuri ang suot ko.

"Mayroon ka bang pupuntahan?" Tanong nya. Bumalatay sa kanyang tono ang pagiging possessive kaya natawa ako.

"Wag ka nang magselos dyan. Asawa na nga kita't lahat lahat. Oo, may pupuntahan ako, mahal kong asawa." Ani ko at pinalambot ang aking boses.

Sumimangot sya, "Saan punta mo?" Tanong nya.

"Pupunta ako sa ospital." Sagot ko saka inabot ang sling bag na gagamitin ko.

Ipinasok ko doon ang aking telepono at wallet.

"May sakit ka?!" Ani nya pero umiling ako.

"Hindi ko alam, magpapacheck up lang naman ako. Medyo nakakaramdam kasi ako nang hilo nitong mga nakaraan." Pagpapaliwanag ko.

Disbelief was written on his face, "And you didn't tell me?!"

Nagkibit balikat ako, "Ayoko kasing mag-alala ka. Saka hindi din naman ganoon kasama yung nararamdaman kong hilo." Pagpapaliwanag ko.

"Pero kahit na, asawa kita kaya responsibilidad kong malaman kung ano ang nararamdaman nang asawa ko." Nakalabing turan nya.

"Ano ka ba, okay nga lang ako diba. Saka bantayan mo nalang si Rin, babalitaan kita sa resulta nang check up ko. Hindi naman kami magtatagal ni Kuya Gluttony eh." Ani ko.

"Ako nalang kaya sumama sayo." Suhesyon nya pero umiling ako.

"Wag na, bantayan mo nalang si Rin." Ani ko.

Bumagsak tuloy ang kanyang balikat saka ako sinundan palabas nang silid.

"Good morning kuya!" Bati ko kay Kuya Gluttony pero hindi nya ako pinansin.

Nakatitig sya sa pinto kaya napatingin din ako doon. Umawang ang labi ko nang mapagsino ito,

"Levy, anong ginagawa mo dito?"

----

Not edited♥️

Carrying The CEO's Baby (REVISING)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu