Chapter 18

2.8K 79 5
                                    

Rameses POV

"Add more people to the backyard. Don't let anyone enter this place, understood?" I ordered to my men. They immediately nodded their heads.

"Go to your posts." Utos ko pa.

Sumulyap ako kay Gold, sabay kaming tumango.

Naglakad ako pabalik ng masyon upang kunin ang susi nang kotse ko. I went up to my room to get it nang makita ko si Xerra na nakaupo sa kama ko at nakatitig sa malaking wedding picture naming dalawa.

"What are doing here, Xerra? Go back to your room." Malamig na turan ko saka kinuha ang susi nang kotse sa drawer katabi nang kama.

"Hindi ba tayo pwedeng mag-usap Ram?" Mahinang bulong nya.

"Wala na tayong dapat na pag-usapan pa Xerra." Tugon ko.

Akmang lalabas na ako nang silid nang pigilan nya ako.

"Wag namang ganito, Ram. Please," Umiiyak na turan nya habang hawak ang aking kamay.

"Ano pa ba ang gusto mo Xerra? I already gave you the closure that you wanted. You can move on now." Ani ko sabay hila nang kamay ko sa kanya.

"Kung tungkol to kay Rin, wag kang mag-aalala hindi ko sya kukunin sayo. Sayong-sayo na sya, hindi ako makikialam kahit dugo ko pa ang nasa ugat nya. Yan naman diba ang gusto mong mangyari?" Puno nang pait na sabi ko.

"Ram naman, natatakot lang akong kunin mo sya sa akin. Intindihin mo naman ako!" Umiiyak na sigaw nya.

"Intindihin? Xerra sa buong buhay ko mula nang iwan mo ako lahat-lahat ay sinisisi ko ang sarili kong ako ang mali! Lahat yun kaya hindi ko alam kung bakit nasasabi mong ilalayo ko sayo ang sariling anak natin gayong hindi ko mapatawad ang sarili ko!" Galit na sigaw ko sa kanya.

"Sasabihin ko naman sayo eh!" Ani nya at napaluhod sa sahig.

"Kailan? Kailan mo sasabihin? Xerra, ilang araw tayong nasa isla, ni isang katiting na awa sa akin ay hindi mo man lang maibigay?"

Tumulo ang luha ko sa mga mata kaya napatingala ako.

"Ilang balde pa ba nang luha ang iiiyak natin? Ilang ulit pa ba nating sasaktan ang sarili natin? Nagmahal lang naman ako, pero bakit ganito naman ang ganti sa akin?"

Iniwan ko sya sa loob nang silid, I wiped my tears away when I saw Enigo standing in front of the door.

He tapped my shoulders saka sabay kaming bumaba nang hagdan.

I find it unfair. Gusto nya ba talaga akong saktan? Gumaganti rin ba sya sa akin?

Unti-unti ko na ngang natatanggap na wala na kaming pag-asa tapos ngayon malalaman kong may anak pala ako tapos nasa peligro pa?!

"Mag-usap nga tayo, Ram." Rinig kong sabi ni Enigo sa tabi ko pero hindi ko sya pinansin at mas binilisan lang ang lakad ko.

"Ram naman, intindihin mo naman yung tao!" Sigaw nya sa akin.

Kumuyom ang kamao ko at tumama iyon sa kanyang mukha.

"Pwede ba? Wala tayong dapat pag-usapan kaya itikom mo yang bunganga mo!" Galit na himutok ko.

"No! Hindi ako tatahimik Ram! Sa ginagawa mo, pareho nyo lang nasasaktan ang sarili nyo! Bakit ang kitid nang utak mo?!" Galit na sigaw nya pabalik habang hinihimas ang panga nyang sinapak ko.

"Pwede bang anak ko muna ang isipin ngayon? Pwede bang wag kang makialam sa relasyon naming dalawa? Kaibigan lang kita Enigo, hindi kita nanay!" Bulyaw ko.

"Abay gago ka pala ah." Umangat ang kamay nya at sinapak ako. Bagay na hindi ko inaasahan dahilan para hindi ko maiwasan iyon.

"Oo, kaibigan mo lang ako Ram! Pero kahit sinong tao ay sasabihin din iyan sayo! Sino bang kinakatakutan mo?! Ano? Basta basta ka na lang susuko?!"

He grabbed my collar before punching me in the face again. Nalasahan ko ang dugo sa loob nang aking bibig.

"Ram you wanted her in the first place! Sinabihan ka lang nya na hindi ka nya mahal, susuko ka na agad?! May anak kayo Ram?! Ano hahayaan mong lumaki ang batang walang kinikilalang ama?! Putang ina, gumising ka!" Sigaw nyang muli at sinapak ako.

"Ang kitid kitid nang utak mo! Ano?!" Sigaw nyang muli at sinapak ako.

Hindi ako nang laban, nakatitig lang ako sa kanyang nanlilisik na mga mata.

"Ano?! Sagutin mo ako! Susuko ka na ba Ram?! Dahil kung oo ako ang sasalo sa responsibilidad na dapat sa iyo! Handa akong gawin ang lahat mahalin din ako ni Xerra, sa oras na gawin ko iyon ay labas ka na sa buhay nilang mag-ina!"

"Gago ka ah!" Uminit ang ulo ko at tinulak sya nang malakas.

"Gago ka! Asawa ko si Xerra at mananatili syang asawa ko, Enigo!" Galit na sigaw ko.

"Ngayon lang yan, sa loob nang tatlong araw ay mapapasawalang bisa rin ang kasal nyo!" Balik na sigaw nya.

Nanginginig ang laman ko at nanlilisik ang mga mata ko.

Gago, may gusto ba sya sa asawa ko?

Napuno nang selos ang buong pagkatao ko. Nandidilim ang paningin ko. Hindi ko magawang isipin na magkakatuluyan si Enigo at Xerra. Hindi ko kakayanin, makakapatay ako!

"May gusto ako kay Xerra, noon pa man Ram. Kung hindi mo lang sya fiance noon ay hindi ako magdadalawang isip na ligawan sya."

"Shut up!" Gigil na sigaw ko at sinugod sya nang sapak.

Nagsapakan kaming dalawa hanggat sa pareho kaming nakasandal sa pader at parehon naghahabol ng hininga.

"Ang gago mo talaga kahit kailan, Ram." Naiiling na turan nya.

Sinamaan ko naman sya nang tingin.

"Oh? Anong tinitingin-tingin mo dyan? Ano gising na ba yang makitid mong utak?" Ani nya.

Huminga naman ako nang malalim. True to his words, para akong nagising. Naiiling na sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri.

"Wag mo nang ulit gagawin yun, kaibigan nga kita pero baka mapatay kita." Ani ko pero natawa lang sya.

"Kako, hahahaha. Oh ano? Susuko ka na ba? Susukuan mo na ba ang relasyon nyong dalawa?"

Umiling ako, "Nagpapahinga lang." Aniko.

"Nagpapahinga?" Kunot noong tanong nya

"Hmm, nagpapahinga para sa susunod na pag-uusap namin ay magkaayos na kaming dalawa. Tama ka nga, ang kitid nang utak ko. Kinain ako ng galit dahil sa hindi nya pagpapaalam sa akin na nagkaroon pala nang bunga ang pagmamahalan namin." Aniko.

"Putik ang cringe mo!" Nandidiring turan nya na ikinatawa ko.

"Lulunukin mo rin yan." Natatawang turan ko pero pinakyuhan nya lang ako

Pambihira talaga, kailangan pa naming magsapakan para lang magising ako sa katotohanan. Psh.

"Oh? Tapos na kayo?"

Sabay kaming natawa ni Enigo sa sinabi nang nang kuya ni Xerra na mayroong hawak na popcorn at nanunuod sa amin.

Humanda ka Kaisen, pagsisisihan mo ang pagsisira mo sa relasyon namin at sa pagkuha mo sa anak namin.

------------------------------

Mamayang gabii ulit guys. Happy 3.2k readss and 360 follows.

-Anjie_Ly

Carrying The CEO's Baby (REVISING)Where stories live. Discover now