Chapter 15

3.1K 78 3
                                    

[FLASHBACK]

Xerra's POV

Mag-iisang buwan na akong nililigawan ni Ram, alam narin nang kanyang mga magulang kaya malaya nya akong naliligawan sa ansyon. Nakakatuwang isipin na hindi lang ako nakahanap nang bagong pamilya kundi nakahanap din ako nang taong mamahalin ko.

Kakapasok ko lang ngayon, nauna na kasi Ram sa department nila kasi meron pa syang emergency meeting kasi presidente din sya doon. Pinilit nya pa ako kanina na ihatid sa classroom kaso ako na ang humindi.

Nagtataka ako kasi habang naglalakad ako sa hallway ay panay ang tingin nila sa akin. Well actually nasanay na ako noon kasi ba naman ay parati kong kasama si Ram, pero sa pagkakataong ito ay iba na yung pagkakatingin nila sa akin. Kung noon ay parang naiinggit, ngayon ay parang nasusuka sila sa presensya ko.

Kunot noong pumasok ako sa classroom, ganoon din ang eksena na kahit ang sarili kong adviser makatingin sa akin ay parang isa akong maruming tao. Wala si Kaisen na ikipinagtaka ko. Parati kasi yung present, nakakagulat naman at ngayon nyang naisipang umabsent.

Hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako sa nararamdaman ko kay Kaisen, nakakaramdam parin talaga ako nang takot sa tuwing nandyan sya. Mas lalo akong nakaramdam sa kanya nang pagkailang nang sinabi ko sa kanyang nililigawan na ako ni Ram at pumayag akong magpaligaw kasi mayroon din akong gusto sa kay Ram.

Noong una ay biglang nagbago sya. Parati syang seryoso at mahirap kausap. Nagtagal din iyon ng ilang araw pero matapos yun ay muli na naman syang nakipagkausap sa akin na para bang walang nangyari.

"O.M.G Xerra!" Tawag nang isa kong kaklaseng bakla at lumapit sya sa akin.

"Hoy lukarets ka! Ba't ka pumasok?" Ani nya na ikinakunot nang noo ko.

"Ba't naman ako di papasok?" Balik na tanong ko sa kanya.

"Basta kasi pokpok ay hindi aamin yan" Biglang sabi nang isa ko pang kaklase.

Nagtawanan naman ang iba habang ako naman ay naiwang nalilito at nakakunot ang noo.

"Ano ba kasing nangyayari?" Tanong ko doon kay baks.

"Ay lukarets ka, hindi mo alam?" Gulat na tanong nya sa akin saka hinagilap ang kanyang cellphone.

"Ano ba kasing meron?" Naguguluhang tanong ko.

Kumakabog ang puso ko sa kaba nang iabot nya sa akin ang cellphone nya.

"Oh ayan oh, trending na trending ka ngayon girl!" Ani nya.

Pinindot ko yung play at ganoon na lamang ang gulat ko sa nasaksihan. Isang babeng nakasuot nang uniporme nakikipagsex sa loob nang isang kotse! Ang malala ay kamukha ko iyon!

Parang sasabog ang puso ko sa takot, naluluha ako at nanginginig ang akingmga kamay.

Hindi ako yan! Sino ba yan? Ba't mayroong ganyan?

Nabitawan ko ang cellphone, hindi ko alam kung papaano ko ipaglaban ang sarili ko. Nanginginig na tumayo ako saka kinuha ang bag at tumakbo palabas nang classroom. Narinig ko ang pagtunog nang aking telepono kaya agad ko iyong hinanap.

It was Kaisen that was calling, sinagot ko agad iyon.

"Magkita tayo, Xerra kung gusto mong burahin ko iyong scandal mo" Ani nya.

Nakaramdam ako nang galit sa kanya. Hindi ko inaasahang sya pala ang gagawa nito sa akin! Tama nga ang hinala kong hindi sya mabuting tao! Sana noon pa lamang ay iniwasan ko sya!

"Hindi ako iyon, Kaisen! Hindi ako ganoong klaseng tao!" Sigaw ko sa kanya pero humalakhak sya na parang demonyo.

"Hanggat nakapost yung video ay yun ang paniniwalaan nila, Xerra. Sa mata ngayon nang tao ay marungis kang tao. Ano na lang kaya ang sasabihin ngayon nang pinakamamahal mong Ram, Xerra."

My body froze when I remembered Ram. Nanginginig ang laman ko at bumuhos ang luha ko. Nakita nya ba? Maniniwala ba kung sasabihin kong hindi iyon ako? Tyak na nandidiri na sya sa akin! Nakakahiya!

"Pumasok ka sa puting van, Xerra. Buburahin ko ang lahat at lilinisin ko ang pangalan mo." Ani nya pa.

Natanaw ko ang van sa may di kalayuan. "Bakit mo to ba ito ginagawa, Kaisen?" Naiiyak na tanong ko.

"Malalaman mo rin kung bakit kung pumasok ka rito, Xerra." Sabi nya pa at binaba nya ang tawag.

Nakatitig ako sa puting van, hindi ko alam kung anong gagawin ko! Papaano ako nakasisigurong buburahin nya nga ito?

Muling tumunog ang aking telepono, pero sa pagkakataong ito ay si Ram na syang tumatawag sa akin. Hindi ko alam kung papaano sya kakausapin, pinagtitigan narin ako ng iilang estudyante.

"Xerra!" Rinig kong sigaw ni Ram mula sa malayo.

Parang pinipiga ang puso ko, wala ata akong maihaharap na mukha sa kanya! Tinakbo ko ang van nang walang lingon-lingon kahit paulit-ulit nyang tinawag ang pangalan ko. Buo na ang desisyon ko. Lilinis ko muna ang pangalan ko bago kita muling haharapin, Ram.

Patawad.

Agad na humarurot ang van palayo. I stared at Kaisen, no it's Kaiser!

"I'm sorry, Xerra. Ako na ang humihingi nang patawad sa ginagawa nang kapatid ko." Ani nito na mayroong malungkot na ngiti sa labi.

"Bakit nya ba to ginagawa?! At bakit mo sya tinutulungan?" I lashed at him.

"Baliw sa iyo ang kapatid ko, Xerra. Una ka pa lang nya nakilala ay mayroon na syang gusto sa iyo." Malungkot na pagpapaliwanag nito.

Nagsitauyan ang mga balahibo ko sa katawan at mas lalong naiyak. Gusto kong magwala, gusto ko ng matapos to! Gusto ko nang bumalik kay Ram! Natatakot ako!

Huminto ang koste sa isang abandonadong mansyon. Hinawakan ni Kaiser ang kamay ko pero hinila ko iyon at naunang pumasok sa masyon. Pagkabukas nang pinto ay mukha agad ni Kaisen ang bumati sa akin.

Umangat ang kamay ko at sinampal ko sya nang malakas!

"Gago ka! Ano sa tingin mo ang makukuha mo sa ginagawa mo? Baliw ka! Ano bang kasalanan ko sayo para ganituhin mo ako?!" Sigaw ko sa kanya.

Nakatingin sya sa akin at nakahawak sa kanyang panga. He stared at me for a second saka tumawa na parang demonyo!

"Wala ka namang ibang ginawa kundi akitin ako, Xerra." Ani nya saka hinawakan ako sa braso. Agad akong lumayo sa kanya.

"Wag mo akong hahawakan! Nakakadiri ka! Baliw ka!" Sigaw ko sa kanya.

Dumilim ang tingin nya sa akin at akmang sasampalin nang makarinig kami nang putok ang baril. Napasigaw ako sa takot nang makitang namimilipit sa sakit si Kaisen sa sahig.

Hinanap ko ang pinanggalingan nang putok. I couldn't stop myself from crying when I saw who it was.

"Are you okay baby? Sinaktan ka ba nya mahal ko?"

Napayakap ako ng mahigpit kay Ram at umiyak nang umiyak.

Binaril ng daddy ni Ram si Kaisen.

[END OF FLASHBACK]

------------------------------

6 out 6. Love lotssssssss. Balik na tayo sa present time guys love youuuuu.

-Anjie_Ly

Carrying The CEO's Baby (REVISING)Kde žijí příběhy. Začni objevovat